Chapter 7

983 36 0
                                    


Pagkatapos kong mag-lunch ay itinuon ko na lamang ang aking sarili sa trabaho. Kaysa naman maloka ako sa kaka-isip ng ginagawa nila sa mga oras na ito. Wala na akong paki-alam sa kanila basta ang mahalaga matapos ko ang trabaho ko ngayong maghapon.

Makalipas ang dalawang oras ay nangalay na ako sa kakayuko at kakatipa ng keyboard para ma-encode lahat ng schedule ni Sir Bernard na ipinagawa sa akin ni Ms. Diane.

Napa-angat ako ng tingin nang bumukas ang pintuan na nasa aking harapan. Nakangiting lumabas si Ma'am Trixie. At nakita ko pang nag flying kiss siya bago niya sinara ang pinto.

Pagkatapos ay lumapit siya sa table ko at ngumiti.

"By the way Ms?"

"Samathan Briones po." Wika ko sa kanya.

"Okay Ms. Briones, I have something for you."

Nagtataka ko siyang tinignan dahil may dinukot siya sa kanyang bag. May kinuha siyang perang papel at iniligay sa ibabaw ng aking desk.

"Ano po ito Ma'am?" Kunot noo na tanong ko sa kanya.

"Tips ko yan sa'yo. Alam ko naman na narinig mo yung ginawa namin kanina. At alam mo din naman na malaking tao si Mr. Villegas at kapag nagkaroon siya ng scandal or tsismiss ay magiging headline na naman ito kaya sana magpanggap ka na lamang na walang narinig okay?" Wika niya sa akin na ikinagulat ko ng bahagya. Nakangiti pa rin siya nang talikuran niya ako at nagtungo na siya papunta sa elevator kaya nang makabawi ako sa pagkabigla ay hinabol ko agad siya at dinampot ko ang perang papel upang maibalik sa kanya.

"Ma'am sandali po!" Tawag ko sa kanya nang isasara na niya ang elevator.

"Why? Kulang pa ba ang binigay ko?" Kunot noo na tanong niya sa akin. Ibinigay ko sa kanya ang perang papel.

"Hindi ko po kailangan ng pera para manahimik Ma'am. Nandito po ako para magtrabaho. Kung ano man po ang business niyo ni Sir Bernard labas na po ako doon at hindi ko din po papangahasan na i-tsismiss ang ganoong bagay dahil wala naman po akong mapapala. Sana po naintindihan niyo." Sincere na sabi ko sa kanya. Kinuha niya ang pera at inilagay sa kanyang bag. Pagkatapos ay muli niya akong tinignan.

"I like you, sana mapanindigan mo hangang dulo lahat ng sinabi mo sa akin. Ilang secretary na rin kasi ni Bernard ang umakit sa kanya. Pero sa tingin ko..."

Tinignan niya ang kabuohan ko mula ulo hangang paa.

"Sa tingin ko wala akong dapat ipag-alala." Wika niya bago matamis niya akong nginitian.

"Okay bye, salamat."

Nagsara na ang elevator pero nakatunganga parin ako sa harapan nito. Pakiramdam ko ay na-insulto ako ng bahagya nang suriin niya ang kabuohan ko. Maaring hindi nga niya ako kasing ganda dahil masyado siyang sopistikada at sosyal kagaya niya pero kahit paano ay confidence naman ako sa aking sarili. Yun ang mahalaga para sa akin. As long as nadadala ko ang aking sarili ng maayos walang natatapakan na tao ay kontento na ako doon.

Basta hindi ako magkulang sa pagbibigay ng pangangailangan nila Inay at Itay pati na rin ni Calix ay masaya na ako.

Napabuntong-hininga akong bumalik sa aking upuan. Tinignan ko ang aking orasan malapit na pala ang uwian. Kaya inayos ko na ang mga natitira kong trabaho at naglinis na rin ako.

Eksaktong alas-singko nang katukin ko si Sir Bernard sa opisina niya. Baka kasi may importante siyang ipapagawa sa akin.

"Come in."

Dumungaw ako sa pinto, sapat lang para makita si Sir Bernard.

"Sir? May kailangan pa po ba kayo? Kasi tapos na po ang working hours." Wika ko sa kanya. Napatingin siya sa gawi ko at wari'y may iniisip.

His Secretary's Secret (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon