Sam's POV
Nang makababa na ako sa speed boat ay nakahinga na ako ng maluwag. Pilit ko man na hindi paniwalaan ang lahat ng sinabi niya ay may parte pa rin sa akin na gustong maniwala sa kaniya. Na sana totoo ang lahat ng sinabi niya...
Hinayaan niya akong makaalis kaya inisip ko na baka hindi na niya ako gugulohin pa. Saka pa lamang ako nag-angat ng tingin kung nasaan ang yate. Nag u-umpisa na rin itong lumayo sa pampang. Kasunod ng ilang bangka na de-motor lulan ang mga nakaitim na lalaki.
Nagsinungaling ako nang sabihin kong hindi ko siya mahal sapagkat wala na ring saysay 'yun dahil alam kong hindi na siya babalik pa para pag-aksayahan kami ng oras.
Bagsak ang balikat na pinulot ko ang naiwan kong balde. Basa pa rin ang damit ko nang dahil sa shower kanina. Hindi ko maiiwasan na hindi makaramdam ng pagkapahiya kanina nang sabihin niyang nangangamoy malansa ako ay imbis na sa kama siya hihilain ay sa banyo ko siya dinala. Hindi ko rin maitatanggi ang paghaharumintado ng puso ko sa mga oras na 'yun. Siguro ay dahil sa magkakahalong emosyon na dumaan sa puso ko. Marahil ay sa magkahalong emosyon ng kagagahan ko, hindi ko nga bagkus makapaniwalaan na inalok ko ang sarili ko sa kanya at handa pa na magpaalipin kapalit ng katahimikan na hinihingi ko para sa pamilya ko.
Ngunit, imbes na matuwa siya... Bakit niya ako pinigilan? Ako na 'yung nag-alok, dapat sinamantala na niya 'yun. Hindi ba't gano'ng tao naman siya? Gawain naman niya ang manamantala. Bakit pa siya nagpigil?
Ngayon ay, lubos na akong nalilito. Nagugulohan. Saan na lang ako maniniwala? Sino ba talaga ang nagsasabi ng totoo?
Sa itsura niya kanina mukhang hindi naman siya nagsisinungaling. Pero ayoko pa din magpadalos-dalos at maniwala dahil kahit ano pa man ang sabihin niya, hindi pa rin nito mababago na pinagsamantalahan niya ako ng gabing 'yun.
"Oh? Anak mabuti naman at dumating ka na. Nakahanda na ang hapunan, kanina ka pa inaantay ni Calix." Salubong ni Inay sa'kin. Kaagad na lumabas si Calix mula sa aming kwarto at kaagad na lumapit sa akin.
"Mama, hindi ba ako pwede sumama sa'yo sa palengke? Hindi naman ako kukulet." Nakangiting wika niya sa akin habang kumakain na kami. Mabuti na lamang at hindi napansin ni Inay ang nabasa kong damit dahil kaagad kasi akong pumasok sa maliit namin na banyo para maglinis ng katawan.
"Hindi pwede anak eh, dito ka na lang nandito naman si Lola. Baka kasi hindi kita mabantayan ng maayos dahil busy si mama sa pagtitinda. At least, dito alam kong maayos ka." Pagpapaliwanag ko sa kanya nang sa gano'n ay hindi na niya pilitin.
No'ng nabasa ko ang DNA result na nakapatong sa cabinet ni Bernard pati ang mga picture ng anak ko ay mas lalo kinabag ng takot. Kung nagawa niyang makuha ang hair sample ng anak ko, siguradong kayang-kaya niya ring kunin si Calix sa'kin. Kaya mas mabuti pang dito na lamang si Calix nang sa gano'n ay hindi ako mag-alala. Hinabilin ko na rin naman siya kay Inay na huwag hayaan na palabasin ng bahay lalo na't wala ako, o walang magbabantay sa kanya.
Pagkatapos namin kumain ay siya naman ang inasikaso ko. Maliit lamang ang barong-barong namin, isang kubo na may dalawang kwarto sa tig-iisang papag. Lupa ang sahig namin sa sala at may kawayan na upuan. Ang saingan naman ay nasa likod-bahay katabi lanh ng palikuran. Isang simpleng tirahan lang para sa'min. Ang mahalaga ay hindi kami nauubusan ng pagkain sa araw-araw.
Magkatabi kami ni Calix sa isang silid at kasalukoyang nakayakap sa'kin habang pinapatulog ko siya. Ngayon ko lamang napansin na malaki ang pagkakahawig ng anak ko kay Bernard.
Ang mga mata at ilong ni Calix ay namana niya kay Bernard samantalang ang labi niya ay nakuha sa akin. Ang kaniyang makapal na kulay ay nakuha niya din kay Bernard. Pero ang moreno niyang balat ay sa akin.
Maya-maya pa ay inantok na rin ako at nakatulog.
Kinabukasan, madaling araw pa lamang ay gising na ako. Ganito kasi ang gising namin sa probinsya. Bago sumikat ang araw ay nakauwi na si Itay galing sa magdamagang pangingisda sa laot. Pero dahil linggo ngayon hindi siya pumalaot upang makapagpahinga. Magtatanim na lamang daw siya sa likod-bahay ng mga gulay. Tulog pa si Calix kaya bumangon na ako. Kaagad akong nagbihis ng damit para makapag-kape dahil maya-maya lang ay magbibilad kami ng daing na dilis.
Gising na rin si Inay at nagsasaing na para sa almusal. Nagtimpla ako ng black coffee para magising naman ang mga natutulog ko pang ugat sa katawan.
Bitbit ang isang tasa na kape ay napagdesisyonan kong buksan ang mga bintana, ngunit papabukas pa lamang ako nang biglaan ko nalang naibuga ang iniinom kong kape!
Anong ginagawa niya dito? Nag-usap na kami ah! Wala ba talaga siyang balak na tantanan ako?
Inilapag ko ang aking tasa sa lamesa at lumabas sa kubo namin. Pero mas ikinagulat ko ay may sumulpot agad na kubo sa tabi namin. Ilang hakbang lang mula sa maliit naming bahay.
Paano nangyari 'yun? Paano siya nakalipat nang hindi ko man lang namamalayan? At hindi lang ito isang ordinaryo nakubo dahil isang yero ang bubong nito. Pero ang alam ko ay hindi nakabaon ang mga haligi nito sa lupa. Pwede itong buhatin at ipalutang sa tubig.
Lumabas siya sa pintuan at nakangiting tumingin sa akin. Kaagad ko siyang sinugod bago pa malaman ni Inay na nandito ang ama ni Calix.
"Anong ginagawa mo dito? Paano nangyaring may kubo na agad dito? Di'ba sinabi ko na sa'yo na lubayan mo na kami?" Mahina ngunit may diin ang aking mga salita na aking binibigkas.
"Madali lang sa akin ang maglipat ng kubo dito, Sam. Mas mahirap pa ang humingi ng tawad sa'yo. Worth-it naman para sa three hundred thousand na halaga. Kaya lang hindi ako sanay, dahil marami akong naririnig na mga insekto. Siguro papalitan ko na lamang ng soundproof para komportable na akong matulog." Nakapameywang niyang sabi sa akin. Binabalewala ang inis ko.
"Hindi ko alam kung paano mo nagawa ang lahat ng ito. Pero dahil mayaman ka naman, alam kong walang imposible sa'yo. Pero umuwi ka na Bernard, nasabi ko na sa'yo ang lahat."
"Hindi ako aalis dito nang hindi kayo kasama ni Ca—"
"Ma! Mama, nasaan ka?" Narinig kong tawag sa'kin ng anak ko. Kaagad ko siyang tinalikuran para puntahan ang anak ko pero huli na. Nakalabas na siya ng bahay at nakita na niya kaming dalawa. Nagkukusot pa siya ng mga mata habang nakatingin sa akin.
"Nak, pumasok ka na sa loob. Ipagtitimpla kita ng gatas, okay?" Kinakabahan ako habang inuutosan si Calix pabalik sa baha, hindi din ako mapanatag at panay ang sulyap kay Bernard. Natagpuan ko siyang nakatingin kay Calix. I saw sadness from his eyes. Akmang lalapitan niya ang anak ko nang pinigilan ko siya.
"Huwag na huwag mong sasabihin sa anak ko na ikaw ang Ama niya. Binabalaan kita Bernard."
"Sige na, Anak. Pumasok ka na, sandali lang ako." Pangungumbinse ko sa anak ko na pumayag rin naman at hindi na nagmamatigas.
"Sige po."
"Bakit takot ka na malaman niya ang totoo? Sigurado akong matutuwa siya dahil may daddy na siyang matatawag Sam." Binitawan ko ang braso niya.
"Anong gusto mong sabihin ko sa anak ko? Na nabuhay ang daddy niya pagkatapos masagasaan ng tren? Oh, gusto mong ipakilala kitang rapist sa anak ko? Dahil hindi naman siya mabubuo kung hindi mo ako pinagsamantalahan di'ba?" Nang-uuyam na tanong ko sa kaniya.
"Huwag mong idamay ang bata sa galit mo sa'kin. Hindi ko alam kung ano ang sinabi mo sa kanya tungkol sa kanyang Ama. Pero panahon na para sabihin mo sa kanya ang totoo. Dahil kung hindi, ako ang magsasabi noon sa kaniya Sam. You give no choice. Kahit ayaw mo hindi ako aalis dito. Hangga't hindi mo ako naipapakilala sa anak ko. Hangga't hindi mo ako napapatawad at hangga't hindi tayo nagiging isang pamilya." Nakikita ko mula sa kanyang mga mata ang determinasyon na tila ba sinasabi sa'kin ay huwag ko na siyang kontrahin. Eh, nagawa nga niyang magpadala ng bahay kubo dito malapit lang sa'min! Papaano ko siya mapapaalis kung ayaw niya namang umalis?!
"Bakit hindi mo na lang balikan si Laureen? Di'ba nandito na siya sa Pinas? Bakit hindi mo na lamang siya pakasalan at anakan? Nang sa gano'n ay hindi buhay namin ang ginugulo mo." Litanya ko sa kanya. Akala niya siguro porke't malayo kami sa bayan ay hindi aabot dito ang balitang 'yun. Mabilis na ang balita ngayon sa gadget lang alam mo na ang nangyayari sa mundo. Sikat pa na theater actress si Laureen kaya hindi na ako magtataka kung bakit viral ang holding hands nila sa airport.
Napangisi siya sa sinabi ko kaya lalong tumaas ang kilay ko.
"Magkaibigan lang kaming dalawa. Simula no'ng iniwan niya ako ay unti-unti ko ng tinanggap na mas mahal niya ang kaniyang pangarap. Umuwi siya ng Pinas dahil may gagawin silang Asian tour at kasama ang Pinas sa pupuntahan nila. You sounded like a jealous wife." Nakangisi niyang pang-aakusa sa akin.
"Jealous mo 'yang mukha mo! Dalhin mo na 'yang kubo mo at bumalik ka na sa penthouse!" Anggil ko sa kanya at nagmadali ng pumasok sa loob ng kawayan naming pinto.
"Anak, nakausap mo na ba 'yung binata at guwapo nating kapitbahay?" Kunot ang noo na napatingin ako kay Inay. Naghahain na kasi siya ng almusal na sinangag at tuyo may bulanglang ding gulay.
"Yung kakalipat lang kagabi? Nagising si Itay mo dahil nakarinig daw siya ng mga kaluskos kagabi. Lumabas siya at sabi niya ay marami daw ang nagtulong-tulong para mailagay diyan yung kubo. Nakita ko din 'yung binata kanina nang kumukuha ako ng malungay. Mukhang mabait kasi nginitian ako." Kuwento ni Inay sa akin. Saka ko pa lang naintindihan kung sino ang binatang tinutukoy niya.
"Lola, may kausap si Mama kanina sa labas gwapo din pero mas guwapo ako!" Sabat naman ni Calix. Natatawang ginulo ni Itay 'yung buhok niya na kakarating lamang. Nanguha daw ito ng kahoy sa bundok para pangatong namin.
"Naku, ay hindi po lahat ng gwapo at nakangiti ay mabait! Meron pong iba masama ang ugali at magaling pang magsinungaling!" Sinadya ko talagang lakasan ang boses ko para madinig ng damuho na nasa kabilang kubo. Sana talaga madinig niya para naman mahiya siya at umalis nalang. Pinandilatan ako ni Inay at pinapatigil sa pagsasalita.
"Totoo naman po ang sinasabi ko." Nakangusong sabi ko sa kanya.
"Nakakahiya ka, Samantha. Dapat ay maging mabait ka sa kapit-bahay mo. Lalo pa at bagong salta siya dito. Baka nga may lahi pang foriegner ang binata na 'yun bukod kasi sa matangkad ay mestiso pa." Dagdag pa ni Inay. Inis na pinisa ko ang sili sa sukang pagsasawsawan ko ng tuyo. Sino ba naman kasing may sabi sa kanyang diyan siya tumira! Akala ko pa naman pwede na akong huminga dahil umalis na siya kagabi!
"Inay, huwag kayong magpaka-siguro. Kapatid ng magnanakaw ang sinungaling."
"Wala eh, ano naman ang ninakaw sa'yo at ganyan ka makapagsalita? Kapag narinig ka ng kapit-bahay natin,.baka isipin nila masama ang ugali natin." Pagtatanggol pa ni Itay. Hindi na lamang ako umimik.
Wala siyang mananakaw sa akin, dahil sinigurado kong mahigpit ang kandado ng puso ko at tinapon ko na sa dagat kagabi ang susi. Malabong mahanap niya 'yun kaya manigas siya! Kung alam lang nila Itay at Inay ang lahat. Hindi ko alam kung matutuwa sila o magagalit. At ayokong dumating ang araw na 'yun.
Kaya dapat ay mapaalis ko na dito sa isla ang lalaking yun!
Pagkatapos naming kumain ng almusal ay hinanda naman ni Itay ang pagbibiladan ng mga dilis, gawa ito sa maliliit na kawayan na tinatahi sa pamamagitan ng nylon. Para hindi magsilusutan ang dilis sa ilalim. Ako naman ang nagsalin sa balde mula sa malaking palanggana.
Paglabas ko ng kubo habang bitbit ang balde ay bumungad agad sa akin ang nakakasilaw na tanawin. Actually, hindi siya nakakasilaw dahil masakit sa mata na tanawin ng isang lalaking walang suot na pangitaas at umbok na umbok pa ang—
Lumapit siya kay Itay at parang kinakausap ito. Panay naman ang ngiti ni Itay sa kanya. Nagmadali akong lumapit para mapagbantaan ko siya kahit sa tingin lang.
"Pwede ho ba akong tumulong sa ginagawa niyo?" Tanong niya sa Tatay ko.
"Hindi!" Malakas na sabi ko sa kanya.
"Samantha." Saway ni Itay sa akin.
"I mean, hindi na kailangan. Kaya namin ito, wala kaming pambayad sa'yo." Nakataas ang kilay na sabi ko sa kanya. Mahirap na baka magkautang pa ako sa kanya. Ayoko ng magbayad at ayoko na din ipain ang katawan ko dahil tatanggihan niya lang ulit ito kagaya ng ginawa niya kahapon.
"May maganda po pala kayong Anak, Tatay Gustin, kaya lang mukhang pinaglihi sa sama ng loob." Nakangisi niyang sabi na ikinagulat ko, at kailan pa niya naging Tatay ang Tatay ko?! Ang kapal talaga!
"Pagpasensyahan mo na ang anak ko. Ganyan lang 'yan pero mabait 'yan at maasahan." Wika naman ni Itay habang patuloy na naglalatag ng pagbibiladan ko ng dilis.
"Okay lang po sa akin. Bago pa lang ako dito kaya sana po ay maging okay tayo sa isa't-isa." Nakangiting sagot niya sa tatay ko. Tinaasan ko siya ng kilay at sinisenyasan na umalis na pero sa halip ay tinulongan niya si Itay na mag-latag ng mga kawayang banig. Dami namang bakante puwede pag-lagyan ng kubo niya pero talaga do'n pa niya inilagay sa tabi namin!
"Samantha, ilatag mo na 'yan dito at papasikat na ang araw." Utos sa akin ni Itay. Kaagad akong lumapit sa kawayan na banig at inilatag iyon pagkatapos ay ibinuhos ang mga dilis. Nagulat na lamang ako dahil ramdam ko ang presensya ni Bernard sa aking likuran at malawak na nakangiti habang nakatingin sa ginagawa ko. Aliw na aliw pa siya ah! Sakto naman na pumasok si Itay sa bahay kaya kaming dalawa na lamang ang naiwan.
"Ang kapal din ng mukha mo, ano? Talagang kinakausap mo pa ang Tatay ko. Nagpapanggap ka pang mabuting tao! Bakit ba kasi ayaw mo umalis?" Inis ngunit kino-kontrol ang tono na pagkakasabi ko sa kanya. Hindi ako nagpapahalata at nagpatuloy lamang ako sa pagbibilad dahil baka mapansin ako nila Inay na kinakausap ang lalaking damuho na ito.
"Sam, I told you hindi ako aalis dito ng hindi kayo kasama. Gagawin ko ang lahat para mapatawad mo ako." Hindi talaga siya marunong sumuko at makinig. Mas lalong nakakairita ang kanyang pagmumukha, nanggigil ako sa kakulitan niya.
"Talaga? Gagawin mo ang lahat?"
Nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya. May naisip ako na tiyak mapapabilis ang aking gawain. Siya naman ay lumiwanag ang mukha nang dahil sa sinabi ko.
Mapkla akong ngumisi sabay kuha sa balde at malakas na itinulak sa kanyang dibdib.
"Oh, 'yan! Pabida ka di'ba? Ikaw na magbilad niyan ng paisa-isa. May dalawang balde pa doon kukunin ko. Siguraduhin mong matatapos mo 'yan ha!" Sarkastiko kong pagpahiwatig na kanya namang ikinalukot ng mukha niya. Tingnan lang natin kung hindi siya susuko sa ipapagawa ko sa kanya. Baka naman bukas ay aalis na siya agad.
"Kapag natapos ko ito papatawarin mo na ako?" Ang pagkalukot ng mukha niya ay hindi nagtagal dahil napalitan ito ng mapanuksong ngisi. I gritted my teeth in secret as I glanced at him with the same tone and emotion.
"Pag natapos mo 'yan, eh di very good ka. Pero hindi pa rin kita mapapatawad!" Inirapan ko siya bago nagmartsa papunta sa bahay namin.
"Tapos na 'yung isang balde?" Tanong ni Inay sa'kin nang makapasok ako sa bahay na walang dala na balde. Marahil ay nagtaka.
"Gusto pong tumulong ng mabait na'ting kapit-bahay kaya pinatulong ko na. Tuwang-tuwa nga po eh. Libre naman daw kaya huwag kayong mag-alala." Kumukulo pa rin ang dugo ko, kahit na ang pagsagot ko kay Inay ay medyo iritable at padabog ko pa na kinuha ang balde. Geez, nakakagigil ang lalaking 'yun. Ang sarap tirisin!
"Ay, ang bait pala talaga ng binatang 'yun. Pero teka? Sino naman 'yung mga lalaking 'yun?" Nilingon ko si Inay na ngayon ay nakadungaw sa may pintuan, sumisilip.
"Sinong mga, Nay?" Nakuryuso ako kaya't nagtungo ako sa pintuan at nakikisilip na rin. My eyes grew wide as well as my jaw fell.
"Hoy, bilisan niyo diyan! Kung sino ang may pinakamaraming nabilad, dadagdagan ko ang bunos niyo!" He was there, commanding like a manager. At talagang natutuwa pa siya sa ginagawa niya. Mas lalo na 'yung mga tauhan niya na malalawak ang ngiti sa mukha, animo'y abot-tenga dahil sa excitement.
"Ay, Gustin. Ilabas mo na 'yan at mauubos na nila 'yung isang balde." Umalis si Inay sa tabi Ko at inutosan si Itay na ilabas ang ibang balde ng dilis. Samantalang ako ay nagtatagis ang mga ngipin. Nadagdagan lang naman ang inis ko. Kadalasan kasi ay inaabot ako ng tatlong oras sa pagbibilad. Sinadya ko talaga 'yun para hindi niya matagalan ang sikat ng araw. Pero dahil may mga katulong siyang hindi ko alam kung saan nanggaling ay paniguradong thirty minutes lang tapos na sila.
"Meron pa po!" Sigaw niya habang nakatingin sa akin.
Tuwang-tuwa ka pa ha! Mamaya ka sa'kin.
Kakakita pa lamang nila kay Bernard ay magaan na agad ang loob nila dito. Palibhasa kasi magaling talagang magbait-baitan ang lalaking 'yun. Kaya ayun nagawa pang maglaga ni Inay ng kamote para daw may pang-meryenda ang mga nagbilad ng isda.
Si Itay naman ay nagdurog ng tablea at nagpakulo ng mainit na tubig para may mainom sila mamaya. Pwede namang tubig na lang, bakit kailangan pa ng panulak na tsokolate? Isa pa mayaman naman ang lalaking 'yun kaya paniguradong kayang-kaya niyang bumili ng makakain nila.
"Anak! Ibigay mo na itong isang bandehadong kamote. Isusunod ko na lamang ang inumin. Kasya na kaya ito sa kanila? Sa bilang ko ay bente uno sila lahat kasama ang gwapong binata." Tawag ni Inay sa akin. Kasalukuyan kasi akong nagtitiklop ng damit. Nasa tabi ko lamang si Calix at naglalaro ng robot na pasalubong ko sa kanya.
Hindi na lamang ako umimik at sinunod na lamang siya dahil pagod na rin ang utak kong mag-isip kung paano ko siya palalayasin dito sa isla.
Paglabas ko habang bitbit ang isang malaking bandehado ng kamote ay napatingin na agad sila sa'kin. Tapos na silang magbilad ng lahat ng dilis at hindi man lang sila inabot ng isang oras, kagaya ng hinala ko. "Kumain po muna kayo." Nakangiti ako habang inaalok sila ng kamote. Isang tao lang naman ang may atraso sa akin kaya dapat akong maging mabait sa kanila. Kaagad na may sumalubong sa akin na isang lalaki.
"Ako na po, Ma'am." Kinuha niya ang dala ko, na ipinaubaya ko naman para hindi na ako masyado makalapit. Nakaupo silang lahat sa buhangin at agad na nagsilapitan sa kasama nilang nag-boluntaryo na dalhin ang kamote. Masaya silang kumukuha mula roon.
"Ang tamis ah, kasing tamis ng ngiti ni Ma'am." Litanya ng isang lalaki.
"Oo nga!"
"Oo nga!"
Halos sabay-sabay nilang sabi sa akin kaya mas lalo pang lumaki ang ngiti ko, hindi man lang makikitaan ng pagod sa pagbibilad. Sabagay, kung bayad naman ni Bernard ay ga-ganahan ka talaga.
Maya-maya pa ay nagsikuhan sila kasabay na napatingin sa likuran kung nasaan ang magaling nilang boss. Masama ang tingin niya sa mga ito at salubong din ang mga kilay.
"Pero higit sa lahat, mas bagay si Boss at si Ma'am!" Nakataas naman ng kamay na sabi noong isa na sinangayunan naman ng iba. Natakot ata dahil parang mangangaggat na ang lalaking nakatayo at nakapameywang habang matiim ang tingin sa akin.
Tinaasan ko siya ng kilay at parang hinahamon siya sa tingin. Hanggang sa ako na rin ang bumawi dahil narinig ko ang pagtawag ni Itay. Handa na daw ang inumin na tsokolateng gawa sa tablea. Bumalik ako sa bahay para sundin ang inuutos sa'kin.
Nakasalin na ang mga ito sa tasa. Kaya lamang ay sampu lang na baso ang meron kami. Hindi naman siguro sila maarte, kaya't sila nalang din ang bahala na maghiraman.
"Pasensya na ha, kulang 'yung baso namin. Wala naman siguro kayong mga sakit, share-share na lang po." Sabi ko sa kanila nang maiabot ko ang panulak.
"Si boss lang po ang may sakit sa'min, ma'am." Wika ng isang lalaki na nakahanay mga tauhan niya. Kaya naman napabaling ako ng tingin sa direksyon niya. Naka upo na siya sa buhangin at nakatalikod sa gawi ko.
Totoo kayang may sakit ang lalaking 'yun? Baka niloloko lang nila ako?
"Anak, ikaw na ang mag-abot kay Bernard ng tsokolate." Utos ni Inay sa akin na ikinakunot ng noo ko.
"Bakit po ako?"
"Ay sino ba? Alangan naman ako? Saka maging mabait ka naman sa kanya. Kung hindi dahil sa kanya nakabilad ka parin sa araw ngayon." Pangungunsensya ni Inay sa'kin. Napabuntong-hininga na lamang ako. Tasa ko pa talaga ang pinaglagyan ni Inay ng tsokolate para sa mokong na 'yun. Sabagay, mandidiri pa ba ako eh nagpalitan na kami ng la—
Buset! Ano ba itong iniisip ko!
"Hoy! Bigay ni Inay." Tawag ko sa atensyon niya dahil para siyang lutang na nakatingin sa dagat. Ang layo ng kanyang tingin at mukhang malalim ang iniisip. Kahit ang kamote na kaniyang kinakain ay hindi maayos at sinama pa ang balat. Wala man lang arte, akala ko hindi siya mapapakain ng hinain namin pero hindi man lang siya nagdalawang isip na kainin 'yun. Nag-angat siya ng tingin kaya inabot ko sa kaniya ang inumin. Pero kaagad niyang hinigop 'yun kaya kitang-kita ko ang pag-ngiwi niya dahil sa pagka-paso.
"Ay, tanga. Alam na umuusok ay hinigop ba naman. Atat yarn?" Malungkot niya akong tiningnan habang pinapaypayan ng kamay niya 'yung dila niyang napaso.
"Nasaktan na nga ako, hindi ka man lang concern." Para siyang batang nagtatampo base sa kanyang reaksyon mula sa aking sinabi.
"Nasaktan mo rin ako noon, pero naisip mo ba kung ano na ang nangyari sa inosenteng babaeng sinipingan mo?" I don't care if it affects him. Sa aming dalawa ay higit na nasaktan ako, kaya wala lang itong sinabi ko sa kanya. Isa pa, siya lang din ang nakarinig ng pang-iinsulto ko. Tumayo na 'yung mga tauhan niya at sumilong sa isang punong kahoy dahil sa uminit na ang kalawakan.
"Kaya nga ako nandito, eh. Para itama ang lahat ng pagkakamali na nagawa ko. Pero ayaw mo pa rin akong tanggapin. Kung pwede lang kitang yakapin at halikan dito ay kanina ko pa sana ginawa. Kung pwede ko lang din mayakap ang anak natin ay kanina ko pa din sana ginawa. Hindi mo na ba talaga ako mapapatawad, Sam?" Sa paraan ng pagsasalita niya ay para bang kapag sinabi kong hindi ay aalis siya agad. Pero 'yun naman talaga ang gusto ko. Ang umalis siya kaya bakit pa ako magdadalawang isip?
"Halos anim na taon, Bernard. Sa tingin mo ba gano'n lang kadali na magpatawad? Naisip mo man lang ba kung ano ang pinagdaanan ko sa loob ng anim na taon? Ako ang nagsilbing Ina at Ama ni Calix. Ni minsan lang ba ay sumagi ba sa isip kung ano ang nararamdaman ko sa mga oras na kailangan ko ng karamay upang palakihin siya dahil nag-aaral pa ako? Alam mo ba kung anong hirap ang dinanas ko para sa anak ko? Pinilit kong makapagtapos ng pag-aaral, pinagsabay ko ang trabaho para lang makatapos ako. Para masuportahan ko ang pangangailangan niya. Tapos ikaw? Gusto mo patawarin kita agad?" Puno ng galit at diin ng paghihinagpis na sabi ko sa kanya. Nang sa gano'n ay malaman niya kung anong klaseng hirap ang tinahak ko noon ng mag-isa. Gusto ko rin malaman niya na hindi gano'n kadali magpatawad at hindi sapat ang isang 'Sorry' upang mapatawad ko siya.
"I'm sorry... Hindi ko alam kung paano ako hihingi ng tawad sa'yo, Sam. Pero hindi pa rin ako susuko, hanggang sa makumbinse kita na bigyan ako ng pagkakataon upang bumawi. Pagkakataon na magbibigay sa'kin ng laya upang matugonan ang mga pagkukulang ko sa inyo..." That was almost a whisper, but I could still hear him clearly. Hindi ko na gusto pang makarinig ng kahit ano mula sa kanya kaya't iniwan ko siya at bumalik sa bahay. I know that he was sincere, though I cannot entrust him for I was also hurt and disgusted. Hindi gano'n kadali na itakwil ang pangamba na umugat sa puso't-isip ko.
Sa kabila no'n ay hindi ko na rin alam kung ano ba talaga ang totoo at kung sino nga ba sa kanila ni Troy ang nagsisinungaling at nagsasabi sa akin ng totoo.
Nang makapasok na ako sa kuwarto ay saka ko lang binigyan ng laya ang aking sarili na umiyak. Palagi naman akong ganito kasi ayokong may iba na makakakita sa kahinaan ko. Lalo na sina Itay at Inay.
Nang sumapit ang alas-dos ng tanghali ay pinatulog ko muna si Calix. Sinabayan ko na rin siyang matulog dahil tapos na rin naman ako sa lahat ng gawain ngayong araw.
Maya-maya pa ay bigla ako naalimpungatan at napabalikwas ng bangon. Nakatulog kasi ako nang hindi ko namamalayan.
"Calix?" Tawag ko sa pangalan ng anak ko at inilibot ang paningin sa kabuoan ng silid. Ngunit hindi ko siya nakita dahilan upang ako'y mapasugod sa kabas ng silid. Nadatnan ko naman si Inay.
"Inay nakita mo ba si Calix?" Medyo natataranta ko siyang tinanong dahil sa kakaibang kabog ng aking dibdib. Tila ba ay kinakabahan ako sa isang bagay na hindi ko mapangalanan.
"Nasa labas lang 'yun kanina naglalaro ng buhangin." Sabi ni Inay. Sabay pa kaming lumabas para hanapin si Calix subalit gano'n na lang ang pagkagulat ko nang may matanaw akong bata sa dagat at mukhang nalulunod--
"Calix!" Kusa nalang na sumigaw ang bibig ko habang dumagundong ang takot sa puso ko. "H-Hindi... Calix!" Sigaw kong muli habang tumatakbo ako papunta sa dalampasigan.
Napansin ko si Bernard na kaagad na napapatakbo at nilagpasan ako. Nilulusong ang tubig dagat at nilangoy ang kinaroroonan ni Calix.
"Apo!"
"Calix!" Maalon ang dagat kaya't natangay ang anak ko. Hindi ko na napigilan ang luha ko nang makita ko siyang walang malay habang karga-karga siya ni Bernard.
BINABASA MO ANG
His Secretary's Secret (COMPLETED)
RomanceMaagang nabuntis si Sam dahil sa isang pagkakamali. Pero itinama niya yun at nagpatuloy sa buhay. Nagsikap siyang matustusan ang pangangailangan ng kanyang anak. Dahil tinalikuran na rin ito ng Ama nito at ayaw niyang magmakaawa dito na sustentuhan...