Third person's POV
"Tingnan mo nga naman, pagkatapos akong bulabugin ng hating gabi. Inubos pa ang mga bagong dating at mamahalin kong mga alak." Bulong ni Xandro habang pinagmamasdan niya ang tulog na tulog pa ring si Bernard.
Dumating kasi ito kagabi at lasing na lasing. Akala niya ay galing ito sa underground black belting fight dahil namamaga ang ilong at putok pa ang nguso nito. Hindi pa nakuntento ay inubos pa nito ang mga stocked niyang alak. Aalis na sana siya para iwanan sa sala ang kaniyang kaibigan nang makita niyang umiilaw ang phone nito sa ibabaw ng mesa. Kaya walang pagdadalawang isip na sinagot niya ang tawag mula sa unknown number.
"Hello?"
"B-boss! Ni-lusob kami! A-ako na lang ang na-tira. May tama ang Itay ni Ma'am at dinala nila si Ma'am Samantha pati ang anak niyo!" Tila nahihirapang sabi nito sa kabilang linya.
"What?!" Bulalas ni Xandro na napamulat ng mata ni Bernard.
"Ano ba? Ang aga-aga ang ingay mo." Reklamo nito sa kanya. Tinadyakan niya ito sa binti.
"Sira-ulo ka! 'Yung mag-ina mo nakidnap na bumangon ka diyan!"
Mabilis pa sa isang segundo na tumayo si Bernard at inagaw ang phone niya kay Xandro.
"Anong sinasabi mo?!" Sigaw niya sa kabilang linya.
"Boss pasensya na... Madami sila. Naubos kami... Natangay nila si Ma'am at ang anak niyong si Calix. May tama ng baril 'yung Tatay niya pati ang Inay niya sinugod na namin sila sa hospital..."
"Ano?! Sino naman ang gagawa no'n?!"
"Hindi ko po alam boss... Mga nakatakip ang mukha nila. Pero nang makita ko sa mga bangkay na tinamaan namin... Mga wala silang dila..."
"Walang dila?" Salubong ang kilay na tanong niya dito. Inagaw ni Xandro ang phone sa kanya.
"Sigurado ka ba diyan? Okay, may tama ka ba? Magpagamot ka na din 'yung mga tauhan nating iba. Kung buhay pa ipagamot mo na din, ako na ang bahala. Tapos bantayan mo ang mga magulang nila." Wika ni Xandro bago patayin ang tawag dahil papalabas na si Bernard kaya kaagad niya itong hinabol.
"Saan ka pupunta?!" Pigil niya dito
"Kailangan ko silang iligtas."
"Bernard! Nasisiraan ka na ba? Ano bang alam mo sa mga kalaban? Wala diba? Pwede ba humahinahon ka muna!" Lintanya ni Xandro sabay hawak sa balikat niya.
"Alam ko, pero paano ako hihinahon? Sa tingin mo ba kaya kong kumalma? Nasa panganib ang buhay nilang lahat. Kasalanan ko ito! Kung hindi ko sinunod si Tay Gustin sana nandon ako para protektahan sila." Napahilamos si Xandro sa kanyang mukha na tila nauubusan ng pasensya.
"Sa tingin mo ba kung nando'n ka magagawa mo yun?! Bernard hindi ordinaryo ang mga dumukot sa kanila! Alam mo ba kung bakit sila walang mga dila? Dahil 'yun ang kapalit ng pananahimik nila. Para kapag nahuli sila hindi nila maisusuplong ang mastermind nila. Mga hired assasin sila kaya kung sa'yo huwag kang magpadalos-dalos dahil kahit alagad ng batas mahihirapan silang hulihin. Ilalagay mo lang sa alanganin ang pamilya mo. Kung talagang ang patayin lang ang intensyon nila hindi na nila kukunin ang mag-ina mo. Doon pa lang baka tinapos na nila ito." Makahulugang sabi ni Xandro sa kanya. Pinilit niyang kumalma para makapag-isip.
"Anong ibig mong sabihin?" Kunot noo na tanong niya dito.
"Sa tingin ko, may galit sa'yo o kay Sam ang kumuha sa kanila." Wika ni Xandro na nagpaalala sa kaniya kay Troy. Ito lang naman ang alam niyang matagal ng galit na galit sa kanya lalo na nang bumalik si Laureen.
"Xandro, please tulongan mo ako." Paki-usap niya dito. Napabuntong hininga si Xandro alam naman niya na 'yun ang hihilingin nito sa kanya.
"Mahirap kalaban ang mga hired assassin. Pero para sa'yo, okay leave it to me."
"Thanks , bro. May kailangan lang akong ayusin balitaan mo ako." Wika ni Bernard sabay tapik sa balikat nito. Kaagad siyang sumakay sa kotse at mabilis na pinaandar ito papunta sa bahay ni Troy. Kaagad din namang bumalik si Xandro sa loob ng bahay upang humingi ng tulong sa alam niyang pwedeng makatulong sa kanila.
Ilang minuto lang ay nasa harapan na siya ng bahay ni Troy. Sunod-sunod siyang bumusina para pagbuksan siya ng pinto ng gate. Nang buksan ng guard ang pinto ay mabilis niyang ipinasok ang kotse sa loob. Pero bago siya makarating sa parking lot ay natanaw niya si Troy at Laureen na nag-uusap sa labas. Dali-dali siyang bumaba at tinakbo si Troy. Gulat na gulat pa ito kaya hindi na ito nagawang umilag nang suntukin siya ni Bernard.
"Walanghiya ka! Nasaan si Sam at ang anak ko?!" Galit na tanong niya dito.
"What's happening here?" Naguguluha na tanong ni Laureen. Pero na kay Troy ang mga mata niya. Hinawakan at hinila niya pataas ang kwelyo nito.
"Ano bang sinasabi mo? Hindi ko alam kung nasaan si Sam!" Nakangiwing sagot nito sa kanya.
"Alam ko ikaw ang nagpa-kidnap sa kanila! Di'ba sagad sa buto ang galit mo sa'kin?! Nasaan sila?!" Igting ang panga na sigaw ni Bernard sa kanya.
"Kidnap? Nasisiraan ka na ba?!" Tinulak siya ng malakas ni Troy kaya nabitawan niya ito.
"Anong sinasabi mo? At bakit ko naman ki-kidnapin si Sam?" Kunot ang noo na tanong nito sa kanya.
"Fuck you! Sabihin mo na sa akin kung anong ginawa mo sa mag-ina ko, kung ayaw mong patayin kita!"
"Tumigil na nga kayo! Magkasama kami ni Troy, Bernard. Anong sinasabi mo? Sa tingin mo ba magagawa niya 'yun sa mag-ina mo? Wala siyang dahilan para gawin 'yun. Bakit hindi nalang kayo magkapatawaran magkadugo kayong dalawa di'ba?" Singit ni Laureen na ikinatigil ni Bernard.
"Kung hindi ikaw ang may gawa nito—"
"Baka si Trixie, alam mo namang baliw na baliw sa'yo ang babaeng 'yun." Putol ni Troy sa kaniya.
Napaisip siya sa sinabi nito. Masakit pa ang ulo niya dahil sa hangover kaya hindi siya nakapag-isip ng maayos nakalimutan niya ang banta ni Trixie kagabi sa kanya. Ipinagwalang bahala niya 'to dahil akala niya siya ang pinagbantaan nito.
"Pasensiya ka na, pero minsan nabanggit sa akin ni Trixie na kapag hindi ka bumalik sa kanya. Hindi daw niya kayo patatahimikin, lalo na si Sam. Isa rin 'yun sa dahilan kaya tinulongan ko siyang makalayo. Dahil alam kong baliw ang babaeng 'yun. Mas mabuti pa hanapin na lang natin sila. Tutulongan kita..." Wika ni Troy sa kanya. Umiling si Bernard sa kanya.
"Huwag ka ng mag-abala. Ako ang magliligtas sa mag-ina ko. Mabuti naman at okay na kayong dalawa para matahimik na rin tayo." Sagot ni Bernard. Hindi man nito sabihin ay alam niyang nagkakamabutihan na ang dalawa.
"Sasama ako, Bernard. Malaki ang kasalanan ko kay Sam at sa'yo. Nagawa akong patawarin ni Laureen, kaya sana kahit sa ganitong paraan ay makuha ko din ang kapatawaran niyo." Giit ni Troy sa kanila. Napabuntong-hininga si Bernard. Pero ramdam naman niyang sinsero ito sa kanya.
"Hintayin mo ako sa condo, Laureen. Babalik ako." Wika ni Troy sa kaniya. Nakangiting tumango si Laureen.
"Mag-ingat kayong dalawa." Bilin pa nito.
"Tara na!" Si Troy na ang humila sa kanya pabalik sa kotse.
Sam's POV
BINABASA MO ANG
His Secretary's Secret (COMPLETED)
RomansaMaagang nabuntis si Sam dahil sa isang pagkakamali. Pero itinama niya yun at nagpatuloy sa buhay. Nagsikap siyang matustusan ang pangangailangan ng kanyang anak. Dahil tinalikuran na rin ito ng Ama nito at ayaw niyang magmakaawa dito na sustentuhan...