Pagkatapos 'kong pumirma ng kontrata na ipinadala sa akin ng HR ay umpisa na agad ng aking trabaho. Tinutulungan ako ni Ms. Diane sa mga maari 'kong gawin dito sa opisina. Lalo na sa pag-aasikaso ng mga kailangan ni Sir Bernard. Kabilang dito ang mga meetings, mga pipirmahan na papeles at mga schedules niya for the whole day. Pinaalalahanan din ako ni Ms. Diane na dapat daw advance ng one week ang schedule ni Sir Bernard dahil paminsan-minsan ay nagbabago daw ito ng schedule depende sa gusto ni Sir Bernard. Sinabihan din niya ako na maging attentive sa lahat ng gagawin ni Sir dahil may pagka-ulyanin daw ito. Hindi ko alam kung biro ba yun dahil nakangiti niyang sinasabi yun sa akin. Puro 'Yes Ma'am' lang ang sagot ko sa kanya. Sa una siguro mahirap pero kapag gamay ko na ang ginagawa ni Sir madali na sa akin gumawa ng trabaho lahat naman ng bagay mahirap sa umpisa kapag nakasanayan ko na ay mas madali na saka ayoko namang ma-disappoint si Sir Bernard dahil siya mismo ang nagpasok sa akin sa kompaniya tapos secretary pa niya ako. Kaya pagbubutihan ko talaga sa abot ng aking makakaya.
"Ms. Briones, pakitawagan ang marketing team. Tapos ko na pirmahan ang mga papers. Saka kunin mo yung menu dito at tawagan mo ang restaurant for my lunch. Umorder ka na din ng para sa'yo." Utos ni Sir mula sa intercom na naka-connect sa aking table. Pinindot ko ang green button upang sagutin siya.
Agad kong hinanap ang numbers ng marketing department at tinawagan sila. Sila na rin ang kukuha ng papers dahil hindi naman ako pinapababa ni Sir sa elevator. Nakakahiya man dahil kailangan mag-adjust ni Sir pero sisikapin ko na makaya kong sumakay ng elevator nang hindi natatakot at inaatake ng phobia ko.
After kong ibaba ang telepono ay kumatok naman ako sa pintuan ni Sir Bernard para kunin ang menu na sinasabi niya.
"Come in."
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at pumasok na ako sinara ko din agad pagkapasok ko. Baka kasi maka abala ako sa ginagawa niya.
"Kukunin ko na po yung papeles na pinirmahan niyo saka po yung menu."
Tumango siya sa akin at inabot ang mga binangit ko mula sa ibabaw ng table niya. Kinuha ko naman ito at nagpaalam na lalabas na.
"Mabuti naman sinagot mo ang tawag ko Binibini? Pupunta ako sa inyo diyan mamaya."
Malambing na sabi niya habang hawak ang kanyang phone at nakalagay sa kanyang tenga.
Narinig ko pa ang hagikhik niya bago ako humakbang palabas ng office niya.
Binibini daw? Girlfriend niya kaya yun? Mahaba ang nguso na bumalik ako sa table ko. Umupo ako at tinignan ang maliit na papel sa ibabaw ng menu.
Tempura, sashimi, salad and Japanese cheesecake? Wow! Mukhang masasarap ang mga yun ah! Ganun na lang din kaya ang orderin ko?
Binuklat ko ang menu at nalaglag ang panga ko nang makita ko ang mga presyo.
Kaya pala mukhang masarap. Mahal din ang mga yun. Ano kayang pampalasa ang inilagay nila at ganun kamamahal ang per serving's nila? Pang isang buwan ko na yung kita sa pagtitinda ng isda eh!
Kinakabahan na pinindot ko ang intercom.
"Ah, sir wala po bang canteen dito? Kasi di po ako sanay kumain ng mga ganitong pagkain eh." Pagdadahilan ko pero ang totoo hindi kaya ng budget ko dahil dalawang libo na lamang ang natira sa pera ko. Ipinadala ko kasi kay Inay kahapon yung puhunan 'kong tatlong libo sa pambili sana ng tilapya.
"It's okay Ms. Briones. Umorder ka ng gusto mo ako na ang magbabayad." Narinig kong sagot niya sa akin.
"Pero Sir?"
"Wait lang Binibini." Mahinang dinig ko.
"I'm busy okay? Wag ka ng makulit." Dagdag pa niya bago patayin ang intercom.
BINABASA MO ANG
His Secretary's Secret (COMPLETED)
Любовные романыMaagang nabuntis si Sam dahil sa isang pagkakamali. Pero itinama niya yun at nagpatuloy sa buhay. Nagsikap siyang matustusan ang pangangailangan ng kanyang anak. Dahil tinalikuran na rin ito ng Ama nito at ayaw niyang magmakaawa dito na sustentuhan...