SAM
One Month later...
Tuloyan na ngang nakulong si Trixie dahil sa kasalanan na kanyang ginawa. Dahil na rin sa testimony namin nila Inay at Itay kaya mas lalo siyang nadiin sa piitan. Sinigurado ni Bernard na hindi na ito makakalabas pa upang manggulo. Naunawaan naman ito ng kanyang mga magulang. Kami naman ay lumipat na sa bahay nila dahil 'yun ang hiling ng kaniyang Mommy at Daddy.
Nang ipakilala kami ni Bernard ay noong una hindi pa sila makapaniwala. Pero nang ipakita niya ang DNA ni Calix ay tinanggap naman nila kami ng buong puso. Sabi ni Bernard, sabik daw ang mga ito sa apo kaya gano'n na lang kung e-spoil nila si Calix. Hinayaan ko na rin dahil anim na taon na hindi nakuha ni Calix ang pagmamahal sa kanya ni Bernard pati na rin ng kaniyang mga Lolo at Lola.
Masaya ako dahil buo na kaming pamilya. Nakausap ko na rin si Troy at humingi na rin siya ng tawad sa akin. Alam kong mali ang nagawa niya sa akin, pero wala na rin naman akong magagawa. Tapos na at nangyari na ang mga nangyari ang importante. Alam ko na ang totoo at napatawad ko na rin sila. Naniniwala ako na mas magiging maganda pa ang pagsasama namin ni Bernard sa hinaharap dahil araw-araw niyang pinapakita sa akin na mahal na mahal niya ako. Gabi-gabi ba naman kasing humihirit sa akin at nakakatulogan ko na lamang ang pagod.
Sa ngayon ay inilipat ko na lang ng ibang isla si Inay at Itay. Ayaw kasi nila na tumira sa syudad, dahil matatanda na daw sila at mas gusto nila ang tahimik na tirahan. Binigyan din sila ng matutuluyan. Nangako ako sa kanila na dadalaw kami ni Calix lingo-lingo para makita naman niya ang kanyang Lolo at Lola na nagpalaki sa kanya.
Malungkot man sila dahil sa pagkakalayo ni Calix ngunit sinabi ni Inay na mas mapapabuti ang kanilang apo kung nandito kami sa syudad at ayaw naman nilang ipagkait sa mga ito ang karapatan na makasama si Calix.
"Mama! Mama!" Malakas na tawag ni Calix sa akin. Nagluluto ako sa kusina para sa hapunan mamayang gabi. Katulong ko si Tiya Esme na tuwang-tuwa nang makita ako. Hindi rin siya makapaniwala na si Bernard ang Ama ni Calix, pero naipaliwanag ko na ng maayos sa kaniya ang lahat. Sabi niya sa akin, ang swerte ko daw dahil ako lang daw ang babaeng dinala niya sa bahay nila tapos may instant baby pang kasama.
"Ano 'yun? Bakit ka tumatakbo?" Kunot noo na tanong ko sa kanya. Ibinaba ko ang hawak kong tyanse at hinarap siya.
"Nakita ko si Papa sa TV." Wika niya na ikinagulat ko. Hinila pa niya ako papunta sa sala para lang maniwala ako sa sinasabi niya.
Nakita ko din si Bernard habang nakasuot ng tuxedo at may hawak na wine. Nakangiti siya habang may kinakausap na mga lalaki at babae. Pero nakita ko ang paghawak sa kaniyang braso ng babaeng kinulang sa tela ang suot na damit. Ngumiti lang siya dito. At ang headline ng event ay tungkol sa investor party ng isang kompaniya pero ang kinapagtataka ko wala namang sinabi si Bernard sa akin na a-attend siya ng event ngayong araw. At sino ang babaeng ka-ngitian niya na kulang na lamang ay lumabas ang pang mais na ngipin nito sa kakangiti.
"Si Papa 'yan, di'ba? Bakit may kasama siyang magandang babae?" Tanong ni Calix sa akin. kinuha ko ang remote at nilipat ko ng ibang channel.
"Hindi 'yun si Papa, anak. Mabuti pa manuod ka na lang ng peppa pig para gumaling ka mag-english." Nakangisi kong sabi sa kaniya. Nakakunot ang noo niyang tinignan niya ako, pero mamaya din ay nanunuod na rin siya at bumalik na ako sa kusina.
Habang naghihiwa ako ng mga gulay na rekado ay bumabalik sa isip ko ang mukha ni Bernard at ng babaeng 'yun. Hindi ko alam kung bakit parang gusto kong magalit sa kaniya. Isang linggo na lang kasal na naming dalawa. Tapos ganito pa ang nangyayari.
Alas-sais ng gabi ay nasa hapag na kami. Narinig ko ang pagdating ng kotse ni Bernard pero hindi ko magawang tumayo. Mabigat ang pakiramdam ko at parang gusto ko na lamang na matulog pagkatapos kumain.
"Papa!" Tawag ni Calix sa kanya. Hinalikan siya nito at niyakap.
"Maupo ka na anak. Si Sam ang nagluto ng dinner natin." Imporma ni Mommy Marisol na Ina ni Bernard. Tipid akong ngumiti sa kaniya.
"Oo nga, ang bango pa siguradong masarap. Hindi kagaya ng Mommy niyo nang unang araw namin bilang mag-asawa itlog na nga lang sinunog pa." Ang papa naman ni Bernard ang sumagot na ikinakunot naman ng kilay ni Mama. Lumapit si Bernard sa akin at kinintalan ako ng halik sa labi.
"Talaga ba? Mukhang mapapadami ata ang makakain ko ah."
Tumusok siya ng isang hiwa ng pininyahan na manok at sinubo pa habang nakatingin sa akin.
"Hmm! Mabuti na lang magaling magluto ang magiging asawa ko. Panigurado dito ako palagi magdi-dinner." Nakangiting puri niya sa akin. Naalala ko na naman ang nangyari kanina. Tahimik lang akong kumakain habang nag-uusap sila sa negosyo. Paminsan-minsan ay sinusulyapan ako ni Bernard at parang gusto akong tanungin kung may problema ba dahil hindi ko siya kinakausap hindi kagaya ng ginagawa ko noon kapag dumadating siya.
"Daddy nakita kita sa TV, may katabi kang babae tapos nag-uusap kayo." Wika ni Calix na ikinagulat ko kaya bumalik ako sa pagkain dahil diretso sa akin ang kanyang tingin. Ayokong malaman niya na nakita ko rin 'yun dahil baka isipin niyang nagseselos ako. Pero totoo naman na 'yun ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito ngayon.
"Sino naman ang kausap mo? Alam mo namang madami ang mga media na palihim kung kumuha ng video." Wika ni Mama Marisol
"Hindi maiiwasan 'yan, at napakagwapo ng anak mo. Lalo pa't wala pa namang nakakaalam na ikakasal na pala ang anak natin." Sabat pa ng kaniyang kanyang Ama.
"Friend ko lang siya, ayokong malaman ng media o sino mang magbabalita ang tungkol kay Sam at ayokong sundan nila ang buhay ng mag-ina ko. Gusto kong maging malaya sila sa buhay na walang iisipin na hindi pwedeng sabihin o gawin dahil baka mapuna sila ng tao. Kapag kaya na ihandle ni Sam ang ibabato sa kanyang salita at handa na rin siyang humarap sa tsismis. Pero sa ngayon, I want her to stay focus on our wedding." Pagkatapos naming kumain ay umakyat na rin ako para ihanda sa patulog si Calix.
Tipid lang akong ngumiti kanina dahil ayokong magpanggap na okay lang ako. Nanliliit kasi ako sa sarili ko. Tama si Bernard, paano kung hindi ko kaya e-handle ang criticism? Paano kapag inalam nila ang buhay ko? Okay lang kung ako lang ang maapektuhan pero paano kung kasama na ang anak ko? Baka hindi ko kayanin.
Pagpasok ko sa kwarto ni Calix ay nagulat nalang ako nang may humila sa pulsuhan ko at sinandal ako sa likod ng pinto.
"Why are you so cold? Dahil nakita mo rin 'yung nakita ni Calix? Okay naman tayo kanina bago ako umalis ah?" Tanong niya sa akin na ikinakunot ng noo ko.
"Oo, nakita ko. Ang lagkit pa ng titigan niyong dalawa." Nang-uuyam na tanong ko sa kanya.
"That's nonsense, Sam. We're just talking about business, nothing else. Kung bibigyan mo lahat ng malisya ang mga babaeng lalapit sa akin. Palagi natin itong pag-aawayan." Paliwanag niya sa akin. Inirapan ko siya at lumabas nalang din ng kwarto at tumungo sa kwarto ko dahil baka marinig kami ng anak namin. Ayokong makikita niya na nag-aaway kami dahil hindi magiging maganda 'yun sa anak namin. Hangga't kaya namin pag-usapan ng maayos ang problema 'yan dapat naming pag-usapan because we are not enemy and soon magiging legal partner ko na rin siya. Pero hindi ko talaga maiwasan ang magselos. Lalo pa't mataas ang insecurity ko sa magagandang babae na nakapalibot sa kaniya.
Kakapasok ko pa lang sa kuwarto ay ramdam kong nakasunod na siya sa'kin narinig ko pa ang pag-locked niya ng pinto.
"Sam," Yumakap siya sa likuran ko at mahigpit na pinaikot ang kaniyang braso sa aking tiyan. Sinubsub niya ang kaniyang mukha sa aking leeg.
"Wag ka ng magselos, wala naman ibig sabihin 'yung nakita mo eh. Normal 'yun sa mga kagaya namin. Wala ka bang tiwala sa akin?" Naramdam ko ang mainit niyang hininga sa aking leeg na ikinakilabot ko. Isang buwan na ang nakalipas pero pareho pa rin ang responde ng katawan ko kapag ginagawa niya ang bagay na'to.
"Meron pero natatakot ako, Bernard. Baka hindi ko kayanin tumayo sa tabi mo kapag kailangan mo ako. Hindi ako anak mayaman at hindi rin ako sosyal na tao. Paano kung malaman nila ang tungkol sa akin? Paano kung pati si Calix maapektuhan ng ibabalita nila? Paano kung maling balita ang sabihin nila tungkol sa'kin? Kayo lang at ang pamilya ko ang nakaka-alam ng lahat, pero paano kung mag-umpisa silang magtanong about kay Calix? Hindi ko alam kung paano ako haharap sa mga tao." Pag-aalala na sabi ko sa kaniya. Hinarap niya ako at hinawakan ang aking pisngi.
"Hindi mo na kailangan na isipin pa 'yan. Lumilipas din naman ang lahat ng 'yan, at huwag kang mag-alala dahil hindi ako papayag na basta na lamang may magsalita sa inyo ng masama. Kapag ginawa nila 'yun ipapasara ko lahat ng business nila. Po-protektahan ko kayo ni Calix sa abot ng aking makakaya, basta ang mahalaga sa akin. Habaan mo pa ang pasensya mo. Dahil kahit anong mangyari hindi ako mawawala sa inyo ni Calix. Hindi kita lolokohin." Napatitig ako sa kaniyang mga mata at tipid na ngumiti. Alam ko naman na kaya niyang gawin 'yun, at mas lalo pang lumakas ang loob ko dahil sa kaniya. Kinintalan niya ako ng halik sa noo. Bago niya ako niyakap.
"I love you, Sam. Walang ibang magandang babae para sa akin, kundi ikaw lang." Sambit niya na ikinangiti ko. Simula nang maging kami palagay ko madalas na niya akong nauuto. Humiwalay siya ng yakap at hinawakan ang magkabila kong pisngi. Akmang hahalikan na niya sana ulit ako pero nakaramdam ako ng paninikmura. Napatakip ako sa aking bibig.
"I'm sor—" Mabilis ko siyang iniwanan at kaagad na tumakbo sa banyo. Katatapos ko lang kumain pero parang bumabaliktad na ang sikmura ko.
"Sam? Are you okay?" Sunod-sunod na pagkatok niya sa pinto, sinarado ko talaga at nakakadiri ang ginagawa kong pagsuka sa toilet.
"Sam!"
"Okay lang ako!" Sagot ko sa kanya.
"Let me in. I want to see you." Sambit niya. Napaisip ako kung ilang araw na akong delayed. Ganito rin kasi ako noon nang pinagbubuntis ko si Calix. Hindi kaya? Hindi kaya buntis ako?
Nagulat nalang ako nang bumukas ang pinto ng banyo.
"Are you okay?" Nag-aalalang bungad niya sa akin. Naluluhang napatingin ako sa kanya. At parang bata akong sumiksik sa dibdib niya.
"Hey, Hon? What's wrong? May problema ba? Tell me? Are you sick?" Tanong niya habang malumanay na hinahaplos ang ulo at likod ko. Hindi ako makapaniwala na magbubunga agad ang isang buwan naming pagsasama.
"There's nothing wrong. I think... I'm pregnant." Paos na sambit ko sa kanya habang nakasubsob pa rin sa kaniyang dibdib.
"Pregnant lang naman pala! Akala ko kung— What?! You're pregnant?" Bulalas niya. Bahagya pa niya akong inilayo para makita ang aking mukha.
"Y-Yes, three weeks na akong delayed. I think penthouse baby natin 'to." Naiiyak at natatawang sabi ko sa kanya.
"Woah! Sabi ko na nga ba eh! Malakas talaga ang kutob ko na nabuntis na kita doon palang!" May pagtalon pa niyang sabi na parang pinagplanohan talaga niya na buntisin ako noong gabing 'yun.
Excited na bumaba kami sa hagdan upang sabihin sa kanilang lahat ang magandang balita. Hindi na ako nagtataka sa ipinakita nilang saya nang sabihin nilang buntis ako. Masuwerte ako dahil mahal na mahal si Bernard ng magulang niya at ramdam kong tinuturing na rin nila akong pamilya.
Buddy! Magkakaroon ka na ng kapatid!" Masayang balita niya kay Calix at binuhat pa niya ito.
"Talaga, Mama? Magiging kuya na ako?" Tanong niya sa akin na ikinatango ko. Kitang-kita ko ang saya nilang lahat.
Si Calix ang dahilan kaya nagkaroon kami ng secret bond ni Bernard simula nang magkakilala kaming dalawa, at ngayon na ikakasal na kaming dalawa ay may panibagong buhay na sa sinapupunan ko na siyang mas magpapatibay pa ng pagmamahalan namin sa hinaharap.
*WAKAS*
PLAGIARISM IS A CRIME THIS IS MY OWN STORY ~PROSERFINA
(MARAMI PA AKONG STORY SA VIP KO SEARCH NIYO LANG PO ANG FB PAGE KO NA NASA BIO KUNG GUSTO NIYO SUMALI)
BINABASA MO ANG
His Secretary's Secret (COMPLETED)
RomanceMaagang nabuntis si Sam dahil sa isang pagkakamali. Pero itinama niya yun at nagpatuloy sa buhay. Nagsikap siyang matustusan ang pangangailangan ng kanyang anak. Dahil tinalikuran na rin ito ng Ama nito at ayaw niyang magmakaawa dito na sustentuhan...