Chapter 16

1.1K 31 0
                                    

Bernard's POV

Kapapasok ko pa lamang sa malaking gate ng bahay niya ay sinalubong na ako ng sampung armadong lalaki. Sanay na ako sa ganitong set-up sa bahay ni Xandro. Ikaw ba naman ang maging leader ng isang dark underground society ay pupunuin mo talaga ng tauhan ang loob ng bahay mo. Lately kasi ay marami na rin itong mga nakakaaway lalo na nang dumagdag sa problema niya si Inigo. Kung saan nakaaway ang isang malaking personalidad na dumukot kay Rylee noon. Kaya siguro mas mahigpit na ang seguridad nila.

"Hinayaan nila akong makapasok nang hindi binubuksan ang bintana at likuran ng aking kotse. Alam na kasi nilang isa ako sa malaya at pwedeng makapasok sa malaking bahay niya. Bukod sa sampung security sa gate ay mas marami naman dito sa loob ng kaniyang bakuran. Mataas din ang pader ng kanyang bahay at hindi mo aakalain na may maganda at malaking bahay sa likuran nito dahil malayo pa ang bahay nila sa gate. Si Xandro ang protektor naming lahat. Kaya sa kaniya kami lumalapit kapag kailangan namin ng tao.

Malayo pa lang ako ay kita ko na ang nakaparadang kotse ni Inigo at Fernan.

Ano naman kaya ang ginagawa ng dalawang yun dito? Hindi naman sinabi ni Xandro kanina na nandito din pala ang mga yun.

Pero mas umagaw ng atensyon ko ang babaeng nakatayo sa veranda. Binaba ko ang salamin. Imposible naman na sila Tita 'yun o ang kapatid na dalaga ni Xandro dahil nasa abroad ang mga ito.

Nang dumako ang tingin niya sa akin ay kaagad itong pumasok sa loob ng salamin na pinto.

Sino naman kaya ang babaeng 'yun? Medyo malayo siya dahil nasa ikalawang palapag siya ng bahay. Kaya medyo blurred ang kanyang mukha.

Pagbaba ko ng kotse ay kaagad na akong pumasok. Salubong na kilay ni Xandro ang bumungad sa akin at halatang bagong gising pa lamang dahil magulo pa ang buhok nito.

"Anong ginagawa niyo dito?" Kunot noo na tanong ko sa dalawang lalaki na nakaupo sa sofa, si Inigo at Fernan na parang pinagbagsakan ng langit at lupa ang mga mukha.

"Maupo ka." Utos ni Xandro sa akin sa seryoso niyang boses. Umupo ako sa tapat nila ngunit tikom pa rin ang kanilang mga bibig.

"Ano ba talagang nangyayari sa inyo? Para kayong hindi mga lalaki ah? Dahil lamang sa babae magkakaganyan na kayo? Ikaw, Inigo? Pati ba naman ang ibang lalaking pagseselosan mo problema ko? Bakit hindi mo na lang itago si Rylee sa bahay mo kung ayaw mong tinitingnan siya ng iba? At ikaw naman Fernan, pati ba naman paglilihi ng asawa mo sa'yo problema ko din?" Nakapameywang niyang sabi sa kanilang dalawa.

"Hindi ko kasi maintindihan si Priya. Kapag wala ako sa bahay nagagalit siya. Kapag nando'n naman ako ayaw niya akong makita. Tapos napagsabihan ko lang ng kaunti dahil sa ka-muntikan na niyang sunugin ang bahay. Isinilang ba naman ang electric water heater sa kalan. Concern ko lang naman baka masaktan siya kaya wag na niya uulitin kaya lang lalong nagalit at ayaw na akong kausapin. Tingin mo? Sinong hindi masisiraan ng bait? Tapos tinatakot pa akong babalik na lamang ng bundok." Paliwanag naman ni Fernan. Napahilamos si Xandro sa kanyang mukha at napabuntong-hininga bago tumingin sa akin.

"At ikaw? Ano naman ang problema mo?"

"Nilayasan ako ng mag-ina ko. I want you to help me find them."

"What?!" Halos Sabay-sabay nilang bulalas sa akin.

"May asawa ka na din?" Tanong ni Fernan sa akin.

"At may anak?" Segunda naman ni Inigo.

"Pakakasalan ko pa lang, pero may anak na kami at six years old na siya." Seryoso kong pagbabahagi sa kanila. Namamangha silang napapatingin sa akin. Nagbilang pa si Xandro sa kanyang daliri.

"Don't tell me siya 'yung babaeng inakala mong si Laureen? Yung virgin na tinira mo?" Hindi makapaniwala si Xandro nang tinanong ako. Naikuwento ko na rin kasi sa kanila ito noon, at alam ni Xandro 'yun dahil pare-pareho kami ng paraan sa pakikipagtalik hindi namin pinuputok sa loob ang semilya at sa kadahilanan na ayoko rin magkalat ng lahi.

Tumango ako sa kanila dahil nakaabang sila sa sagot ko.

"Damn it, dude! Congrats! Naunahan mo pa ako!" Bulalas ni Inigo sa akin. Hindi ko maiwasan ang mapangiti. Pero hindi pa rin ako kampante lalo pa't wala pa rin akong balita sa kinaroroonan nila.

"Paano kayo nagkita? At bakit ka niya nilayasan?" Sa kabila ng pagkamangha ay may pagtataka pa rin talaga sa uri ng tanong ni Xandro habang magkasalubong ang mga kilay nito.

"Remember 'yung kinu-kuwento ko sa inyo? Yung secretary ko? Siya ang babaeng 'yun. No'ng una ay hindi ko na siya maalala masyado dahil hindi kasing inosente ang mukha niya noon. Pamangkin siya ng chef namin. Kaya pala pamilyar siya no'ng nakita ko ang picture niya mula kay Aling Esme. Hindi ko na kasi matandaan sa dami ng nangyari noon. Kaya nang makita ko siya muli at nakasama sa penthouse, doon ko nalaman na ang babaeng 'yun ay siya. At nagkaroon kami ng anak. Ang malala akala niya si Troy ang nakabuntis sa kaniya dahil may relasyon pala sila noon. Si Troy ang may kasalanan ng lahat dahil kay Laureen tiyaka ngayon malakas ang kutob ko na siya pa rin ang may kagagawan ng pag-alis niya." Mahabang kuwento ko sa kanila. Umupo sa kanan ko si Xandro.

"Unbelievable, sa ilang araw pa lang namin na hindi ka nakita ganito na ang nangyari sa'yo? Ibig sabihin mahal mo na agad 'yung babaeng 'yun kaya gusto mo siyang makita at pakasalan?"

Tumango ako sa kaniya. "Maybe, it was hard to explain at first. Pero nang makita ko siyang muli, ramdam ko ang connection namin sa isa't-isa. At sa paglipas ng panahon na tumira siya sa penthouse kasama ako ay nag-umpisa ko na rin siyang magustohan. Hanggang sa nalaman ko ang tungkol sa bata. I even got a sample for his DNA to be tested para malaman ko kung anak ko nga ba siya. Then I found out na totoo ang kutob ko. He's my child."

"Anong gusto mong gawin natin?" Seryosong tanong niya sa'kin.

"I want her back, help me find her."

"Paano kung ayaw niyang sumama sa'yo?" Sabat naman ni Inigo.
Napangisi ako sa kanila.

"Wala pang tumatanggi sa'kin. Kung kailangan ko siyang pilitin para lang maniwala siya sa akin. At kung kailangan kong gumamit ng dahas. Why not? I'm desperate already. Hindi ko mapapalampas ang ginawa niyang pang-iwan sa akin."

Naiiling na napangisi si Fernan. Si Xandro naman ay kinuha ang phone niya sa ibabaw ng table. Alam kong tatawagan na niya ang mga galamay niya para pakilusin.

"By the way, sino ang babaeng nasa veranda?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"May tinatago kang babae dito?" Nakangising tanong ni Inigo sa kaniya na ikinatingin din namin ni Fernan.

"She's mine. Yung problema niyo ang atupagin niyo." Sagot ni Xandro.

Nagkatinginan kaming tatlo bago tumingin sa kanya. Sa aming lahat siya ang hindi babaero at hindi nag-uuwi ng babae sa bahay. Malalaman din naman namin 'yan, pero sa ngayon prioridad ko ang mag-ina ko.

Pagkatapos kong sabihin ang alam 'kong lokasyon nila Sam, ngayon ay ipinaghanda na rin niya kami ng pagkain. Nagtataka pa ako dahil may bitbit din siyang tray ng pagkain at umalis.

"Sa tingin mo may girlfriend na ang sanganong 'yun?" Tanong ko sa kanila habang kumakain kami sa dining table.

"Siguro? Mas mabuti na rin 'yun para maintindihan naman niya ang nararamdaman natin ngayon." Si Fernan ang sumagot.

Napapangiti na lamang kaming sinundan siya ng tingin. Maya-maya pa ay bumalik na rin ito.

"Bilisan mo ang pagkain, para makaalis ka na. I already found her at kung saan sila ngayon nakatira. Distance lang ang mga tauhan ko. Ikaw pa rin ang lalapit sa kanila para hindi magkaroon ng gulo." Wika niya sa'kin na ikinagulat ko. Sa ilang minuto lang ay nahanap na niya agad si Sam! Tumayo ako sa aking kinauupoan at kaagad siyang sinugod ng yakap dahil sobrang saya ko.

"Maasahan ka talaga! Salamat" Sabay tapik ko sa kanyang likod na ikinatawa naman ng dalawa.

"Tarantado, may pagyakap ka pa! Alis!" Parang nandidiri niyang tulak sa akin.

Hindi nga ako nagkamali ng nilapitan at tunay nga siyang maasahan.

Sam's POV

Bigo man ako sa naging pangarap ko, alam ko may oportunidad pa rin na darating para sa akin. Kung hindi dahil sa tulong ni Troy hindi ako makakauwi dito. Ginamit ko ang natitira kong pera at sa tulong na rin niya sa'kin para makalipat kami ng lugar nang sa gano'n ay hindi na niya kami makita pa. Inalok pa niya akong tumira sa condominuim at isama ko ang aking pamilya pati narin magandang trabaho pero hindi ako pumayag. Hindi kasi gano'n kadali ang tanggapin ang lahat.

Ang masakit pa roon ay pinaniwalaan kong siya ang Ama ng anak ko. Ipinagdiinan ko ang sarili ko sa kaniya, at matagal kong tinanim ang galit sa puso ko sa pag-aakalang siya ang Ama ni Calix.

Ang nanamantala sa akin, 'yun pala ang walanghiya niyang pinsan na boyfriend ng kaibigan ni Troy at may-ari din mismo ng bahay na pinuntahan namin.

Hinding-hindi ko makakalimutan ang sinabi niya sa'kin.

"Sorry kung hindi ko sinabi sa'yo ang lahat. Nang makarating siya sa party ay nakita niya kami ni Laureen na naghahalikan sa loob ng ibang room. Humingi ako ng sorry sa kanya dahil nabigla rin ako. Bago kita maging girlfriend ay si Laureen na ang pinakagusto kong babae noon. Wala na rin siyang malay no'n kaya inaamin ko, dala na rin ng temptasyon kaya ko nagawa 'yun kay Laureen at dala na rin sa kalasingan. Sinuntok niya ako kaya nawalan din ako ng malay.Nang magising ako ay madaling araw na at nang pumunta ako sa kwarto kung saan kita dinala... Nakita ko na lang na hubo't-hubad ka. Hindi ko alam kung sino ang may gawa no'n sa'yo, pero isa sa mga katulong sa bahay nila Laureen ay nakakitang lumabas si Bernard sa kuwarto. Kaya naman kaagad kong hinanap si Bernard sa guest room, nasa kama si Laureen at tulog na tulog nang nadatnan ko, pero siya ay kakalabas pa lamang ng banyo. Tinanong ko siya kung totoo nga bang galing siya sa kwarto kung nasaan ka at inamin niya 'yun sa'kin. Sinabi niya sa'kin na ganti daw niya 'yun sa akin dahil sa ginawa ko sa girlfriend niya. Maliban room ay pinagbantaan pa niya ako na kapag siya na ang CEO ng Villegas corporation ay tatanggalin niya lahat ng pamilya namin sa posisyon na pinaghirapan nilang makuha. Pangalawang pamilya lang kami ni Lolo, kaya mas may karapatan siya sa mga negosyo ng kompaniya. Hindi kami mayaman, hindi gaya nila dahil mahirap lamang ang aking Lola. At alam ko ang hirap na pinagdaanan namin para pagtiwalaan kami ng Lolo namin. Si Bernard, siya ang klase ng taong kayang mag-manipula ng buhay ng iba. Nagdesisyon akong pumayag na hiwalayan ka, dahil wala na akong mukhang maihaharap sa'yo. That time, mas mahalaga sa akin ang pamilya ko. Kaya hindi ko sinabi sa'yo ang totoo para hindi magkagulo.Nang malaman kong nabuntis ka, lumapit ako sa kanya at ipinagbigay-alam sa kanya. Ngunit sabi niya ay wala daw siyang pakialam sa'yo. At hindi ang gaya mong galing sa mahirap na pamilya ang gagamit sa iniingatan niyang pangalan."

Lahat ng salita na sinabi niya sa'kin ay umukit sa puso't-isip ko. Bukod doon, nalaman ko din na balak nitong kunin ang anak ko. Ito daw ang dahilan, kaya maganda ang trato sa'kin ni Bernard. Balak daw nitong kunin ang anak ko para kapag bumalik na si Laureen ay magpapakasal daw ito sa babaeng 'yun at ang magiging bagong Ina rin ni Calix. Samantalang ako ay posibleng bigyan niya ng malaking halaga upang magpakalayo-layo.

Hindi ako nagsisisi na pinaubaya ko sa kanya ang aking katawan sa isang huling pagkakataon. At sana, ay sapat na 'yun para maging kabayaran sa lahat ng mga akala kong mabuting ginawa niya para sa akin. Mabuti na lamang at naniwala sila Inay at Itay sa sinabi ko sa kanila, kaya mabilis kaming nakalipat ng lugar. Sa tabing dagat pa rin kami nakatira at nangako ako kay Itay na bibili ng bangka para hindi na niya kailangan na mag-arkila. Hindi ko na tinanggihan ang tulong ni Troy, pero nangako akong babayaran ko din 'yun kapag nakahanap na ako ng magandang trabaho. Sa ngayon ay isa lamang ang mahalaga sa'kin. Ang anak ko. Hinding-hindi ako makapapayag na kunin siya sa'kin ng hayup na Bernard na yun!

Tatlong araw na ang nakalipas naging tahimik ang buhay ko. Nakakuha din ako ng pwesto sa palengke upang pagbentahan ng mga isda na huli ni Itay. Mas inabala ko ang aking sarili, dahil ayokong sumagi sa isip ko ang lalaking yun! Kahit sa tuwing sumasapit ang gabi ay hindi ko maiwasan ang isipin siya. Kaya pinapagod ko talaga ng husto ang katawan ko nang sa gano'n ay mabilis akong makakatulog.

"Bili na kayo ng isda! Presko at bagong huli po 'to!" Paanyaya at tawag atensyon ko sa mga dumadaan. May lumapit sa akin na isang binata at bumili ng malaking tambakol.

"Pang-paksiw nga gurot." Sabi niya sa'kin.

"Hoy, bakla! Napanood mo na 'yung theater actress na si Laureen? Nakauwi na siya! Tiyaka sinundo lang naman siya ni Papa Bernard Villegas!" Wika ng bakla na nagtitinda din ng isda sa babaeng katabi niya na nagtitinda naman ng gulay. Napalingon ako dahil sa narinig kong pangalan.

"Viral pa naman ang picture nilang dalawa sa airport. Tingnan mo, bakla!" Dagdag pa nito.

"Tama na, nahiwa mo na pati 'yung ulo. Bumili ako para pang paksiw, hindi para sa hiniling." Nagulat ako sa sinabi ng bata kaya napatingin ako sa isda. Hindi ko namalayan na paulit-ulit ko na pala itong hinahampas ng malaking kutsilyo.

"Aw! Pasensya na, papalitan ko nalang." Nakangiti kong sabi sa binata. Nagmadali kong pinalitan yung isda. Nang makaalis na siya ay lumapit naman ako sa kanila para makita ang tinitingnan nilang picture, gusto ko lang makasigurado na hindi nga sila yung kilala kong pangalan.

"Bakla, pwede makitingin?" Sabi ko sa kanya. Hinarap niya sa akin ang cellphone niya at mas lalong kumabog ang dibdib ko dahil sa aking nakumpirma. Hindi nga ako nagkamali. Si Bernard ang lalaking may kasamang babae at siya nga ang babaeng 'yun na pinuntahan namin sa party.

Kung gano'n ay totoo ang sinabi sa'kin ni Troy. Kung hindi ko pala nalaman ang totoo ay malamang unti-unti na pala niyang kukunin ang anak ko.

"Okay ka lang, bakla?" Tanong niya sa akin. Sigurado ay nagtataka siya kung bakit imbis na matuwa ay nakaawang lang ang labi ko habang nakatingin sa larawan nilang dalawa.

Nang maubos ang paninda ko ay kaagad na akong naglinis ng pwesto. Simula kanina ay wala pa rin ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Eh, ano naman kung magkasama sila? Ang mahalaga hindi na nila ako gugulohin.

Napabuntong-hininga na lamang ako habang naglalakad sa buhanginan. Bitbit ang kulay puting balde na lagayan ng mga gamit ko sa palengke.

Nasa tabing dagat kasi ang bahay namin at malapit na ring lumubog ang araw. Ramdam ko ang pinong buhangin na aking talampakan. Bahagya pang lumulubog ang aking paa kaya inaaliw ko ang aking sarili na gumawa ng foot prints sa buhangin. Hanggang sa may malalaking tapak ng paa din akong napansin. Natutuwa ko 'yung sinundan. Sa laki nito siguro ay parang nakabotas or matangkad ang may-ari ng paa na ito.

Natigil ang paghakbang ko nang salubungin ako ng isang pares ng mga paa. Nag-angat ako ng tingin nang halos takasan ako ng sarili kong kaluluwa dahil sa nakita. He's standing in front of me, looking at me firmly.

"Nahanap din kita."

Mabilis akong umalis para iwasan siya, pero hindi pa ako nakakatatlong hakbang ay nahawakan na niya agad ang braso ko.

"Ano ba! Bitawan mo nga ako! Kapag hindi ka tumigil sisigaw ako!" Singhal ko sa kanya. Pero nanatili lang na seryoso ang kanyang tingin sa akin.

"Hindi mo man lang ba ako na-miss? Pagkatapos mo akong baliwin noong gabing 'yun ay basta mo na lamang ako iiwan?" Marahas na hinila ko ang aking braso mula sa kanya.

"Alam mo naman siguro ang dahilan kung bakit, di'ba? Wag na tayong maglokohan pa Bernard Villegas. Kahit ano pa ang sabihin mo ay hindi na ako maniniwala sa'yo!" Nagmadali akong umalis para takasan siya ngunit pinigilan na naman niya ako ulit at mas mahigpit na ang pagkakahawak niya sa'kin.

"At kanino ka maniniwala, kay Troy?" Napangisi ako sa sinabi niya. Matalim ang matang idinawit ko sa kanya.

"Kanino pa? Sa tingin mo maniniwala ako sa rapist na kagaya mo? Pasalamat ka nga dahil pinatikim pa kita ulit dahil 'yun lang naman talaga ang habol mo, di'ba? Pero hinding-hindi mo makukuha ang anak ko sa'kin!" Matapang na sigaw ko sa kanya at tinulak ko pa siya para makalayo ako. Bahagya siyang nawalan ng balanse epekto sa malakas na pagtulak ko sa kaniya. Pero mabilis siyang nakabawi, nagulat na lamang ako nang bigla niya akong binuhat na parang isang kabang bigas. Nalaglag pa ang dala kong balde.

"Ano ba! Bitawan mo ako! Kung hindi, sisigaw ako!"

"Easy ka lang, wala akong gagawin sa'yo. Ayaw mong makipag-usap ng maayos kaya pipilitin kitang kausapin ako. Huwag ka ng pumalag pa, dahil kahit anong gawin mong sigaw ay hindi uubra yan sa mga tauhan ni Xandro." Wika niya sa'kin. Pinagmamalaki pa ang naturang tauhan, saka ko lang din napansin ang mga lalaking nakaitim mula sa hindi kalayuan. Kanina ko pa sila nakikita pero hindi ko alam na kasama pala sila ng ulupong na ito!

"Hoy! Bitawan mo ako, peste ka! Anong palagay mo sa'kin, isang kabang bigas?!" Patuloy ko siyang pinaghahampas pero hindi niya alintana.

"Wag kang malikot, mas mabigat ka pa sa isang kabang bigas. At isa pa, ang lansa mo din. Yung totoo? Serena ka ba?" Mas lalong nag-init ang ulo ko kaya nilakasan ko na ang hampas ko sa kaniya subalit mas humigpit lang ng husto ang pagkakayakap niya sa katawan ko.

"Boss, kaya mo ba?" Narinig kong pag-uusisa ng isang lalake sa kanya.

"Don't worry, kailangan lang matauhan 'tong serenang dala ko." Namalayan ko na lamang na sinasakay na niya ako sa speedboat.

"Hoy! Anong balak mong gawin sa akin?! Nagbayad na ako ng utang sa'yo! Ano pa ba ang gusto mo!" Halos namamaos na ako sa kakasigaw sa kanya. Malapit na ring bumigay ang luha ko pero hindi ko 'yun basta-basta binitawan. Ayokong mag-mukhang tanga sa harap niya.

Tahimik lang siya na nilapag ako sa loob na speed boat bukod sa kaniya ay may apat pa na lalaking nakaitim sa loob. Natakot ako sa buhay ko. Kung kaya niyang mang-rape at mag-manipula ng tao. Baka mapatay niya ako, kapag hindi ako sumunod sa kanya. Paano na ang pamilya ko? Paano na si Calix kapag nawala ako? Sari-saring kalaisipan na ang tumaktakbo sa utak ko, hindi ko alam kung paano ko siya tatakasan. Papalayo na kami sa pangpang at hindi ko alam kung saan kami pupunta.

"Ibalik mo na ako, Bernard. Wala kang mapapala sa'kin. Kung inaakala mong makukuha mo ang anak ko hindi kita hahayaan." Mahinahon na sabi ko sa kanya. Kung nagawa niya akong mahanap sa liblib na islang 'to paniguradong madali lang sa kaniya na agawin ang anak ko sa'kin.

Yumuko siya at ipinantay ang kaniyang mukha sa'kin.

"Anak natin, Sam. Anak natin siya." Sambit niya sa isang malumanay na tono. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Maamo na ang kaniyang mukha ngayon. Kung hindi sinabi sa'kin ni Troy na magaling siyang magpanggap ay madali na niya akong mapaniwala sa kanya. Pero hindi na niya ako maloloko!

"Anak natin? Anak ko lang siya, Bernard. Ako ang naghirap kay Calix at wala kang ambag sa buhay namin. Wala kang karapatan sa kaniya!" Nangingilid ang luha na sabi ko sa kanya. Kung alam lang niya ang pinagdaanan kong pangungutya noon. Kung paano ako naghirap noon. Kung paano ko ginapang ang sarili ko para makabangon. Tinanggap ko lahat ng masasakit na salitang ipinukol sa akin ng ibang tao. Mabilis lang sa kanila ang manghusga dahil hindi naman nila alam ang totoo. Wala sila sa lugar ko kaya hindi nila alam ang pinagdadaanan kong hirap! Pero kinaya ko ang lahat! Hindi dahil sa alam kong pina-parusahan ako kundi dahil sa hindi ako naging mabuting anak.

Pero dahil binigyan ako ng lakas ng diyos pati ng mga magulang ko at higit sa lahat ay ang anak ko. Naramdaman ko na gustong-gusto niyang lumaban ako kahit nasa sinapupunan ko pa lang siya no'n, nararamdaman kong niyayakap niya ako. Kahit pakiramdam ko noon ay hindi na ako katangap-tangap sa paningin ng ibang tao.

Akala nila ay masama akong babae dahil nabuntis ako at walang ama ang dinadala ko. Tinanggap ko 'yun dahil alam ko ang totoo. Dahil hindi lahat ng tao ay pwede mong pagkatiwalaan.

Tikom ang kaniyang bibig nang sabihin ko 'yun. Hindi ko na nga napansin na may malaking yate na nasa tabi ng speed boat. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako paakyat sa yate pero nagmatigas ako.

"Hindi pa ba sapat ang isang gabi na bayad ko sa'yo? Bakit mo ako dinala dito? Hinahanap na ako ng anak ko, Bernard kaya ibalik mo na ako sa dalampasigan." Pagpaki-usap ko sa kanya. Muli niya akong hinila kaya naitapak ko ang paa ko sa yate.

Nang makaakyat na kami ay papalubog na ang araw. Paniguradong inaantay na nila akong makauwi. Humarap siya sa akin at malamlam ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

"Hindi lang isang gabi ang kailangan ko, Sam. I need you every minute, every hour, every day and for the rest my life." Sambit niya na parang wala lang sa kaniya ang situwasyon namin ngayon. Suminghap ako upang pigilan ang aking luha sa paglagaslas. Galit ako sa kaniya. Gusto ko siyang sampalin, pero kahit gawin ko 'yun ay hindi mababago ng sampal ko ang lahat.

"You need me? Baka naman you need my son? Di'ba bumalik na ang theater actress mong girlfriend? Akala mo ba mauuto mo pa ako ngayon? Nakulangan ka ba sa ginawa ko sa'yo? Puwede naman nating ulitin. Halika!" Ako naman ang humila sa kanya at pagkatapos ay pumasok kami sa loob ng kwarto. Diretso sa loob ng banyo. Inilocked ko ang pinto at binuksan ang shower. Tinanggal ko ang t-shirt niya at pagkatapos ay akmang kakalasin ko na ang belt niya pero pinigilan niya ako.

Naba-basa na kami pareho, kasabay ng tubig ay ang pagdaloy rin ng pinipigil kong luha.

"Bakit? Ayaw mo? Ito naman ang gusto mo di'ba? Hindi ka na mahihirapan pa dahil ako na mismo ang gagawa. Bakit mo ako pinipigilan?" Nang-uuyam kong tanong sa kanya.

"Hindi mo kailangang gawin 'to kung hindi mo naman gusto." Wika niya sa'kin. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko.

"Kung ito lang ang paraan para hindi mo kami guguluhin ni Calix, handa akong magpaalipin sa'yo ng paulit-ulit. Huwag mo lang kukunin ang anak ko sa'kin." Humihikbi na ako habang binibigkas ang mga katagang 'yun sa mukha niya.

Hindi ko na kinaya pang pigilin ang aking nararamdaman, sobrang bigat na ng aking dibdib.

Nasasaktan ako, kahit anong pangungumbinse ko sa sarili ko, at kahit na gusto ko ring maniwala sa kanya na mabuti ang kanyang intensyon. Napakahirap pa rin at hindi gano'n 'yun kadali.

Sana noon pa lang sinabi na niya ang totoo. Sana hindi na lang siya nagpanggap at pinatagal ng ganito ka-tagal. Six years, pero bakit ngayon lang? Mayaman siya, may pera at kayang ipahanap ako, pero walanghiya... Bakit ngayon lang?

Kahit ngayon na nagkita kami ulit ay niloko niya ako. Matagal na pala niyang pinaimbistagahan ang anak ko. Matagal na pala niyang alam na ako ang babaeng pinagsamantalahan niya noon. Tapos nagsisinungaling pa siyang gusto niya ako! Walang kasing sakit ang idinawit niya sa'kin.

Naramdaman ko ang mga kamay niya sa magkabila kong pisngi. "Hindi ko kukunin si Calix sa'yo. Ikaw ang ina niya kaya ikaw ang mas may karapatan sa kaniya. Kung ano man ang kasinungalingan na sinabi sa'yo ni Troy, hindi 'yun totoo. Isa lang ang totoo, hindi kita pinag-samantalahan. Inakala ko na ikaw si Laureen no'ng gabing 'yun. Masyadong napakagulo ng utak ko dahil sa natatakot din akong umalis siya noon kaya sinadya kong butisin siya pero hindi ko inaakala na ikaw ang nasa kwarto niya. Tiyaka nang magising ako, saka ko lang nalaman ang totoo. Umalis siya at iniwan ako. Wala akong alam, at hindi ko rin alam na girlfriend ka ni Troy. Siya ang may plano ng lahat. Sinira niya kami ni Laureen dahil galit siya sa akin. At ikaw ang naging biktima ng lahat ng ito."

"Sinungaling ka!" Buong lakas ko siyang itinulak kaya dumaop ang likod niya sa pader.

"I'm sorry, alam kong hindi sapat ang paghingi ko ng tawad sa'yo. Pero sa maniwala ka at sa hindi, 'yun ang totoo. Kung ang anak lang natin ang habol ko, kaya ko siyang ilayo sa'yo ng sapilitan, Sam. Pero mas gusto kong ikaw ang magpakilala sa'kin bilang kanyang Ama. Gusto ko ring makasama kayong dalawa. Kung pumayag ka lang na maging girlfriend ko, I'll marry you. Pero iniwan mo agad ako at hindi inantay ang pagpaliwanag ko. Naghahanap lang ako ng tamang pagkakataon para sabihin sa'yo ang lahat. Pero naunahan ako ni Troy at ang masama ay sinisira na naman niya tayong dalawa." Mahinahon na saad niya sa akin. Sunod-sunod na nagbagsakan ang luha ko kasabay ng makailang beses na pag-iling ko sa kanya.

"Sinungaling ka talaga, at ano naman ang mapapala ni Troy sa pagsira sa'tin?" Nakataas ang kilay ko na tanong sa kanya.

"Because of Laureen, mahal na mahal niya si Laureen. Pero naging kami. Nagalit siya sa'kin, kaya siya gumanti. Pero hindi niya rin nakuha ang gusto niya dahil magpahanggang ngayon ay galit pa rin si Laureen sa kaniya. Galit na galit siya sa'kin dahil do'n. Kaya pati kayo ay nilalayo niya sa'kin."
Tinungo ko ang pinto ng banyo. At bagsak ang balikat na lumabas ako. Hinabol niya ako at hinawakan sa balikat.

"Please, kung talagang wala kang intensyon na masama sa amin. Pakiusap lang, tigilan mo na kami. Kung gusto mong patawarin kita sa lahat ng mga ginawa mo sa akin, o kung gusto mong paniwalaan ko ang mga sinasabi mo... Let me go. Hayaan mo kaming mabuhay ng anak ko sa payapang paraan." Pagmamakaawa ko sa kaniya. Hindi ko kayang humarap sa kaniya at ipakita ang aking kahinaan. Kahit man lang sa ganitong paraan ay maawa siya sa akin at nang sa gano'n din ay tigilan na niya kami.

"Paano ako? Paano naman ako? Wala ka bang nararamdaman para sa akin? Gusto kong mabuo tayo bilang isang pamilya. Mahal na kita Sam at nasasabik na akong makilala ang anak na—"

"Hindi tayo mabubuo dahil hindi kita mahal. At lalong hindi ka namin kailangan ni Calix." Muli akong humakbang papalayo sa kanya. Nang makalabas na ako sa cabin ay saka ko naramdaman ang kanyang presensya.

"Ihatid niyo na siya sa dalampasigan." Narinig kong utos niya, pero hindi ko pa rin siya nililingon. Bumaba ako sa hagdan papunta kung nasaan ang speed boat. Tahimik at pigil ang luha na sumakay. Narinig ko ang pagka-buhay ng makina. Nakatingin lang ako sa dalampasigan at wala akong balak na lingunin siya. Buo na ang pasya ko. At kung totoo man ang lahat ng sinabi niya, hahayaan na niya akong mag desisyon. 

His Secretary's Secret (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon