Third Person's POV
Igting ang panga ni Bernard habang nakatingin sa walang malay na si Trixie habang nasa ospital, nagkaroon din ng walong tahi ang noo nito dahil sa pagtama sa kanto ng lamesa. Sa totoo lang ay nag-alala siya ng husto dahil baka nga totoong ginawa 'yun ni Sam.
Subalit kilala niya si Trixie, hindi ito tumitigil hangga't hindi nakukuha ang gusto. Inaanak ito ng kanyang Ama kaya nahihirapan siyang itaboy ito ng tuloyan. Kung hindi pa niya nakita ang CCTV sa phone niya ay hindi pa niya malalaman ang tunay na nangyari. Ang ginawang paghila nito kay Sam at ang pagsubsob niya sa sarili. Mabuti na lamang at tama ang ginawa niyang i-connect sa phone niya ang lahat ng CCTV. Simula kasi nang pagbantaan siya ni Trixie noong araw na pinalayas niya ito sa office matapos ng ginawa nito kay Sam at simula noong nagpunta doon si Troy ay naging mas maingat na siya. Pinagsabihan na rin niya ang security na wag papasukin si Troy.
Inaantay na lamang niyang gumising si Trixie para makauwi na siya. Tatalikod na sana siya nang makita niyang gumalaw ang kamay nito at unti-unting dumilat.
"B-Babe? Anong nangyari? N-Nasaan ako?" Tanong sa kanya nito.
"In the hospital, kailangan tahiin ang sugat mo. Parating na din ang parents mo kaya maiwan na kita." Walang emosyon na sabi ni Bernard sa dalaga.
"Iiwan mo ako? Babalik ka sa babaeng 'yun? Babe sinaktan niya ako. She wanted to kill me..." Naluluhang sabi nito sa kanya na lalong ikinagalit niya. Sinusubokan pa talaga nitong magpaawa at bilugin siya.Matalim ang tingin na ipinukol niya dito.
"Stay away from her, Trixie. Kapag hindi ka tumigil sa patuloy na panggugulo mo sa'kin at lalo na sa kanya. I swear. Hindi ka na makakatuntong pa sa Villegas Corporation. At lalong hindi na kita hahayaang makalapit pa sa'kin. Kung kailangan ko ng sampung bodyguard just to protect her from you, gagawin ko. Hindi ako natutuwa sa ginagawa mo ngayon. Malinaw naman sa'yo ang status ng relasyon natin kaya bakit ipinipilit mo pa rin ang sarili mo?"
"Anong sinasabi mo? Hindi kita maintindihan, Babe. Wala akong ginawang masama. Siya ang sumugod sa akin." Nangingilid ang luhang sabi nito sa kanya. Dahan-dahan pa itong bumangon sa pagkakahiga sa kama.
Kinuha ni Bernard ang phone sa kanyang bulsa at ipinakita dito ang sinave niyang video ng ginawa niya kay Sam. Nanlaki ang mata nito nang makita ang sarili kung ano ang ginawa nitong paghila kay Sam. Malinaw din sa audio ang mahinang bulong niya dito.
"Try doing it again and you'll see what I'm capable of doing just to protect the woman I love." Sambit ni Bernard bago binawi ang cellphone. Akmang tatalikuran na sana niya ito nang mabilis at mahigpit na hinawakan ang braso niya ni Trixie.
"Anong nakita mo sa sekretarya mong 'yun? Di hamak naman na mas malaki ang lamang ko sa kanya di'ba? Dati naman pagnambabae ka sa'kin ka parin bumabalik Bernard! Bakit ngayon kung tratuhin mo ako daig ko pa ang basahan at basta-basta mo na lang ako itatapon pagkatapos ng lahat ng nangyari sa atin?! Anong klase kang tao? Nakalimutan mo na ba na gusto ako ni Ninong para sa'yo? Nakalimutan mo na bang gusto niyang magkatuloyan tayo? Bakit mo ito ginagawa sa akin Bernard? Bakit?!" Galit na singhal ni Trixie sa kanya.
Napangisi si Bernard at pilit niyang tinanggal ang kamay nito na nakahawak sa braso niya.
"We both agreed na sex lang ang mamagitan sa atin, Trixie. Di'ba nga kaya sumasama ka sa hotel ng mga mayayamang business partner ng Daddy mo dahil we're not into relationship? Akala mo ba hindi ko alam? Si Mr. Alegre mismo ang nagsabi sa akin kung gaano ka ka-wild pagdating sa kama. Tapos kung makapagsalita ka akala mo pinagsamantalahan kita? Wake-up Trixie,wag kang pa-victim. At tapos na rin ang usapan nating dalawa. Kaya aalis na ako dahil baka inaantay na niya ako." Mabilis niyang tinalikuran ito. Alam niyang nagulat din ito sa lahat ng sinabi niya dahil alam niya ang pakikipagrelasyon nito sa mga kapwa niya business partners.
"Bernard! Bumalik ka dito! Hindi pa tayo tapos! Bernard!" Sigaw nito nang lumabas siya sa pinto. Nagmadali siyang bumaba mula sa second floor ng hospital patungo sa parking lot.
Pagkasakay niya ng kotse ay binuksan na niya ang phone niya upang tignan ang CCTV niya sa bahay at kung ano na ang ginagawa ni Sam. Napapangiti siya habang pinapanood ito habang abala sa inihahanda nitong pagkain sa lamesa. Suot ang malaking kupas na t-shirt at maong na pantalon.
Habang nasa byahe ay panay ang sulyap niya sa CCTV. Interesado kasi siya sa bawat galaw nito at naaliw siya palagi kapag nakikita niya ito. Pagkatapos nitong mag-ayos ng mesa ay pumasok na ito sa kwarto.
Itinigil niya ang kanyang sasakyan nang mapadaan siya sa flowers shop upang bilhan ito ng rosas. Pagkatapos ay bumalik na siya sa kanyang kotse.
Hindi na niya nakita ulit na lumabas ito. Nagdadalawang isip naman siya na buksan ang CCTV mula sa kwarto nito. Paminsan-minsan kasi sinisilip niya yun dahil gusto niyang makita ang ginagawa nito. Kaya lang baka magalit ito dahil nalaman niyang sa banyo ito nagbibihis, every time na lalabas ito mula sa pag ligo ay may suot na itong damit.
"Hindi naman siguro masama kung sisilipin ko lang kung anong ginagawa niya? Matutulog na kaya siya? Hindi niya ba ako hihintayin? Ano kayang iniisip niya ngayon?" Bulong niya sa sarili.
Nakatutok lang ang daliri niya sa button para buksan ang CCTV sa kwarto ni Sam. Kinakabahan kasi siya na pindutin ito. Hanggang sa bigla na lamang siyang napa-preno dahil tumigil ang sasakyan sa unahan.
"Shit! Muntik pa akong makabangga!" Itinabi ng nasa unahan ang kotse nito kaya nakadaan siyang muli.
Naiiling na nagpatuloy siya sa pagmamaneho saka ibinalik ang tingin sa cellphone. Pero nagulat na lamang siya nang makita niyang naghuhubad na ito. Sa harapan ng malaking salamin. Napindot pala niya ang button kaya nakikita na niya ang buong kwarto nito.
"Damn it! What are you doing, Sam?"
Tinakpan niya ng kaniyang palad ang screen ng monitor niya. Sakto namang nag red-light kaya inihinto niya ulit ang kotse. Sumilip siya ng bahagya at nalaglag ang panga niya nang makita niyang wala na itong pang-itaas na saplot. Malinaw na malinaw sa video ang maputing dibdib nito at ang flat na tiyan. Suot naman nito sa pangbaba ay cycling shorts na kulay itim at baakat na bakat ang matambok na puwetan nito. Nasa ibabaw naman ng kama ang itim na dress na inabot niya dito kanina. Siguro ay susukatin niya ito kaya siya naghubad.
Malamig sa loob ng kotse niya. Pero parang nag-uumpisang mag-init ang katawan niya. Malaki ang epekto ng napapanuod niya, kaya hindi na siya magtataka nang maramdaman niya ang pagkatigas ng kanyang pagkalalaki.
"Damn it! Kalma monster! Masyado ka namang sabik. Wala pa tayo sa first base." Napilitan siyang patayin ang phone at mas binilisan ang pagmamaneho upang makarating kaagad sa penthouse.
Nakangiting pinagmasdan ni Sam ang sarili sa harapan ng salamin, ito kasi ang unang beses na nakapagsuot siya ng magarang bestida. At talagang bumagay ito sa kaniya. Masaya na sana siya sa takbo ng buhay niya ngayon, kung hindi dahil sa nangyari kanina.
Napabuntong-hininga siya at hinubad ulit ang damit na sinukat niya para sana suotin bukas ng gabi. Hindi niya kasi makuhang magsaya pagkatapos ng nangyari sa pagitan nila kanina.
Nag-aalala siya na baka magalit si Bernard, pero ang pinaka-ayaw niyang mangyari ay tanggalin siya nito sa trabaho. Lalo na't nang dahil sa isang bagay na hinding-hindi niya magagawa.
Oo, napipikon na siya sa kamalditahan ng babaeng 'yun. Pero hindi naman niya magagawang saktan ito. Lalo pa't alam niyang tuldok lamang ang pagkatao niya kaysa kay Trixie at wala siyang kalaban-laban dito.
Kung alam lang niyang plano ito ng bruhang si Trixie para magalit si Bernard sa kanya para matanggal siya sa trabaho ay hindi na sana siya lumabas. Hinayaan na lang sana niya ang mga naririnig niyang ungol sa sala. Hindi na lang sana siya naki-alam. Edi sana hindi nito nalaman na dito siya nakatira at hindi sana siya lalong napag-initan nito.
"Sayang, bagay na bagay pa naman sa'kin ang damit na 'yun. Kaya lang, baka hindi ko na rin maisusuot yun at baka sakaling si Trixie na lang din ang isama niya sa party imbis na ako dahil sa nangyari kanina." Bulong ni Sam sa sarili. Habang ibinabalik ang damit sa cabinet. Nagbihis na rin siya ng t-shirt at short. Umupo na lamang siya sa sofa at niyakap ang kaniyang mga tuhod. Kanina pa niya nararamdaman ang gutom.
Tumutunog na rin ang tiyan niya. Ayaw niyang kumain dahil baka maabutan pa siya ni Bernard.
"Bili na lang kaya ako ng pagkain sa baba?" Nagmadali siyang nagbihis at nagpasyang bumaba sa building upang bumili ng pagkain kaysa galawin 'yung niluto niya. Pakiramdam niya kasi ay baka pagalitan lang siya pagdating nito. Hindi naman kaya ng pride niya ang makikain pa dito sa penthouse matapos ng gulo na nangyari kanina.
At isa pa may sapat naman siyang budget para sa pagkain niya.
Pagkatapos niyang isara ang pintuan ay nagtungo siya sa elevator upang bumaba sana ng building. Pero nagulat na lamang siya nang bumungad sa kanya ang seryosong mukha ni Bernard. Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hangang paa. Kapansin-pansin din ang dala nitong isang kumpol na bulaklak habang Kunot noo itong nakatingin sa kanya.
"Where are you going? Aalis ka nang hindi nagpapaalam?"
"Po?"
"Sino bang may sabi sayong umalis ka? Paano kung hindi kita naabutan? Mawawala ka na lang na parang bula at iiwan ako?" Mabilis siyang hinila nito pabalik sa loob ng penthouse papunta sa sala.
"Sir, hindi naman po sa gano'n." Nakayukong pahayag niya dito, hindi niya alam kung paano uumpisahan ang lahat ng gusto niyang sabihin dahil napapangunahan siya ng takot. Takot na baka tanggalin na siya nito ng tuloyan sa trabaho.
"Wag ka ng magpaliwanag! Alam ko na ang plano mo. Aalis ka at iiwan mo ako. Bakit? Nakumbinsi ka na ba ni Troy na sumama sa kanya? What the hell Sam?"
"Sir, hindi po." Mahinahon na sagot niya dito. Salubong pa rin ang mga kilay nito.
"Kung hindi, ano? Bakit ka aalis?" Napahilot sa sintindo si Bernard habang matalim ang matang tinitignan si Sam.
"Sir, 'yung nangyari po kay Trixie hindi ko po ginusto 'yun." Paliwanag niya dito.
"What?"
"Sir, hindi ko po siya tinulak hinila niya ang damit ko, tapos nagpasubsob po siya sa table." Katwiran ni Sam sa boss niya. "Sinasadya po niyang saktan ang sarili niya."
"I know, Sam. Hindi yun ang tinatanong ko sa'yo." Nakakunot ang noo na napatingin si Sam kay Bernard.
"Alam niyo po? Paano?" Kaagad na dinukot ni Bernard ang phone niya at ipinakita kay Sam ang video na sinave niya.
"See? I know what happened earlier, hindi mo na kailangan magpaliwanag. I already told her na huwag na lalapit pa sa'yo. Kung kailangan kong mag-hired ng private body guard for you, gagawin ko para lang hindi ka malapitan ng Troy at Trixie na 'yun. Now, answer my question. Aalis ka ba at iiwan mo na lang ako dito dahil lang sa nangyari kanina Sam?" Nanlabo ang mga mata ni Sam dahil sa pamumuo ng luha sa kanyang mga mata. Kitang-kita kasi sa video na pinanuod niya ang ginawa ni Trixie.
"Hey, umiiyak ka? Why? Ayaw mo bang pigilan kitang umalis?"
Sunod-sunod ang naging pag-iling niya dito.
"Then, why?"
"Sir, hindi naman po ako aalis eh. Bibili lang ako ng pagkain dahil nagugutom na ako..." humihikbing sagot niya dito.
"Damn it!" Nabigla siya nang hatakin siya ni Bernard at niyakap ng mahigpit.
"I'm sorry, I was just carried away. Akala ko talaga aalis ka na." Sambit niya.
Samantalang naiiyak na napapangiti naman si Sam dahil sa ginawang pagyakap nito sa kanya. Katunayan lang ito na maaring seryoso nga si Bernard sa sinasabi nito.
"Wag mo ng uulitin 'yun, okay? Maraming pagkain dito. At isa pa, nagluto ka na di'ba? Bakit lalabas ka pa? Paano na lang kung atakihin ka ng phobia mo sa elevator?" nag-aalala na tanong nito sa kanya matapos siyang bitawan.
"Kasi po nahihiya na ako sa inyo, Sir. Sa totoo lang po trabaho lang ang hiningi ko pero pinatuloy niyo pa ako dito. Naging madali sa akin ang lahat. Tapos pinapakain niyo pa ako. At isa pa, nang dahil sa akin nag-aaway kayo ng fiancé mo." Napabuntong-hininga siya at tinignan niya ulit si Sam ng masama.
"Hindi ko siya Fiancé, okay? Ilang beses ko ng sinabi sa'yo 'yan. At isa pa, huwag mo ng isipin ang pagpapatira ko sa'yo ng libre dito. Isipin mo na lang dahil sa hininging pabor ng paborito kong chef kaya ka nandito. Ang mabuti pa kumain na lang tayo bago pa ulit uminit ang ulo ko. Baka kung ano pa ang magawa ko sa'yo."
"Po?" Nagtataka niyang tanong dito sa halip na sagutin ay inabot nito sa kanya ang ang bulaklak na dala-dala ni Bernard kanina pa.
"For you. Ilagay mo sa kwarto mo para naman pagising mo ako agad ang maalala mo. At isa pa bilisan mo nagugutom na rin ako. At marami tayong pag-uusapan mamaya pagkatapos kumain." Wika ni Bernard sa kaniya. Pagkatapos ay tinalikuran na siya nito. Nakangiting hinabol niya ito ng tingin. Habang inaamoy ang bulaklak na bigay nito sa kanya.
Pagkatapos na maayos ni Sam ang mga bulaklak sa ibabaw ng side table niya ay lumabas na rin siya sa kwarto. Sabay pa silang nagbukas ni Bernard ng pinto at aksidenteng nagtama agad ang mata nilang dalawa.
Sa totoo lang ay kinakabahan si Sam sa kung ano man ang pag-uusapan nilang dalawa ngayong gabi. Nilakasan na lamang niya ang loob niyang humarap dito dahil nagugutom na talaga siya.
"Let's eat." Nakangiting sabi nito sa kaniya. Parang may kakaiba sa mga tingin nito. Nagmadali niyang iniwas ang paningin niya dito at sinara ang pinto. Ipinaghila pa siya ng upuan nito nang makarating sila sa dining area.
"Thank you po." Nahihiyang usal ni Sam kay Bernard.
"Wow! Mukhang masarap itong niluto mo, ah?" Tanong sa kanya nito nang buksan ang ceramic na lagayan ng ulam. Kitang-kita ang pagkagalak sa mukha nito.
Tipid na ngumiti si Sam, nang bigla siyang may maalala na nais niyang itanong dito. Kasi kanina pa gumugulo sa isip niya yun.
"Ah, Sir? Paano niyo po nakuha ang video?" Nakukuryuso niyang pagtatanong dito.
"Simple lang dahil may CCTV ako sa bawat sulok ng penthouse."
"Po? So, it means puro po CCTV ang mga bagay na 'yun?" Tanong niya ulit sabay turo sa hugis bilog na parang ilaw sa bawat sulok.
Tumango si Bernard at nagsimula ng sandukin ang niluto nitong pagkain. May nakita siyang dalawa na kagaya no'n sa loob ng kaniyang kuwarto. Sa unang tingin ay hindi mahahalatang kayang kumuha nito ng malinaw na video dahil para lamang itong ilaw.
"Ibig sabihin meron ding CCTV sa kwarto ko, Sir?" Kinakabahan sa pagtatanong si Sam na ikinasamid ni Bernard. Kaya kaagad siyang kumuha ng tubig at ininom ng isang lagukan. Napansin niyang namula ang tenga nito at parang hindi mapakali.
"Sir? Wag niyong sabi—"
"Of course not!" Putol nito sa kaniya. Hindi pa nga niya nasasabi dito ang gusto niyang sabihin eh.
Paano nga kaya kung tinitignan din pala nito kung ano ang nagaganap sa kwarto niya? Hindi malayo 'yun dahil alam niyang may pagka-mahilig din ito lalo pa't babaero.
"Hindi kita sinisilipan sa kuwarto mo at isa pa hindi ka naman nagbibihis sa labas kaya wala rin akong makikita doon." Napatakip si Sam sa kaniyang bibig. Umamin itong hindi sumisilip pero paano nalaman nitong hindi siya nagbibihis sa labas ng kwarto?
Bigla niyang naalala ang ginawa niyang pagsukat kanina ng dress sa harapan ng salamin kung saan ay hinubad niya ang kaniyang bra at tanging manipis na cycling shorts lang ang suot niya.
"Don't stare at me like that, Sam. Wala akong intensyon na masama. Minsan lang nag-alala ako sa'yo kaya hindi ko maiwasan na tingnan ang ginagawa mo." Pagdadahilan pa ni Bernard sa kaniya sabay subo ulit ng pagkain sa plato.
Gusto man niyang tanongin ito pero baka mas lalo lamang lumala ang usapan nilang dalawa kaya nagpatuloy na lamang siya sa pagsubo. Nang matapos na itong kumain ay nakatingin na lamang ito sa kaniya.
"Sir, yung tungkol sa party. Tuloy po ba 'yun?" Tanong niya para hindi maging akward ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa.
"Yes, kaya maghanda ka. Intayin mo ako dito bukas ng gabi. Aalis kasi ako dahil may aasikasuhin lang ako tapos sunduin na kita. Wag kang bababa ng walang pahintulot ko. At huwag muna din subukan dahil may inatasan na akong magbabantay sa'yo sa baba nitong building. Kung may kailangan ka tawagan mo ako. Alam mo naman ang number ko di'ba?"
"Opo, pero saan po tayo pupunta? Bakit kailangan ako pa ang kasama niyo?" Kunot noo na tanong niya dito. Nakakahiya naman kasing sumama sa kanyang boss sa isang handaan tapos hindi naman siya imbitado.
"Wag ka na magtanong. Ikaw na ang bahala dito at may gagawin pa ako. Okay?" Nakangiti na napapatango siya dito. Bago ito tumayo at nilisan ang hapag. Sinilip pa siya nito bago pumasok sa kuwarto.
Malakas ang kutob ni Sam na nakita ni Bernard ang paghuhubad niya sa harapan ng salamin kanina. Ayaw lang niyang ipahalata dahil baka mas lalo silang magig akward sa isa't-isa. Sa susunod ay mag-iingat na siya sa kaniyang kilos lalo na dito sa loob ng penthouse.
Pagkatapos niyang magligpit ay bumalik na siya sa kanyang kwarto. Kaagad niyang tinungo ang isang korteng ilaw na CCTV pala sa loob ng kanyang kwarto. Nakaharap ito sa kama kaya siguradong nakita na nito ang paghuhubad niya kanina kung sinilip nga niyo ito.
"Ano kayang pwede kong gawin doon para hindi niya ako makita mula dito?" Tanong ni Sam sa sarili. Kumuha siya ng electrical tape at tumuntong sa upuan iniligay niya ang tape sa kabuohan nito kaya siguradong hindi na siya masisilipan nito. Pagkatapos ay nahiga na siya.
Samantala ay natatawa naman na pinatay ni Bernard ang CCTV na nasa loob ng kuwarto ni Sam. Nakita niya kasi kung ano ang ginawa nito para harangan ang video. Gusto lang naman niyang malaman kung matutulog na ito. Hindi niya maipaliwanag, pero parang gusto niya kapag nakikita niya ang kabuohan nito.
Bukas ay maaga siyang aalis para sa hinanda niyang dinner date sa yate. Susunduin niya si Sam gamit ang chopper para makarating doon sa pupuntahan nilang dalawa. Ito na kasi ang umpisa ng puspusan niyang panliligaw dito.
Hindi siya pwedeng magpatumpik-tumpik pa, dahil sigurado na siyang gusto niyang alukin ito para maging girlfriend niya. Kilala niya si Troy, kapag sinabi nitong gagawa ito ng paraan para bawiin si Sam sa kanya ay gagawin nito iyon. Pero hindi siya papayag. Inaamin niyang nasaktan niya ito noon dahil kahit alam niyang gusto nito si Laureen ay pinatulan pa rin niya ito. Pareho silang mga hindi seryoso noon at puro bulakbol. Kaya magkasama sila sa maraming kalokohan. Pero ngayon, matanda na sila at alam na niya ang tama at mali.
Kinabukasan, maagang nagising si Sam pero may nakita siyang note sa ibabaw ng dining table.
"Eat whatever you want. If you'd like to order food just look at the menu on the table. Ako na ang bahala na bayaran ang lahat. Just prepare for tonight, okay? See you later." – Handsome Boss
Itiniklop niya ang papel at inilagay sa bulsa ng kanyang jogging pants. Naiiling na napangiti siya habang naghahanda ng almusal. Hindi naman niya kailangan na mag-order ng makakain dahil marami namang laman ang ref. Masipag din naman siyang magluto kaya okay lang.
Kinagabihan ay naligo muna siya, pagkatapos ay pinatuyo niya ang kanyang mahaba at straight na buhok, bago niya sinuot ang kanyang off shoulder dress pati na rin ang partner nitong sapatos na may dalawang dangkal ang haba ng takong.
Pagkatapos ay inayusan niya ng kaunti ang kaniyang sarili. Hindi naman niya kasi kailangan ng make-up dahil maganda na naman siya. Tamang shades ng pulang lipstick lang at kaunting press powder ay sapat na para hindi mahalatang sekretarya lang siya. Umikot siya sa harapan ng salamin at pinagmasdan ang sarili.
"Okay na kaya ito? Mukha na kaya akong tao?" Bulong niya sa sarili. Kinakabahan siya sa magiging lakad nila ngayong gabi. Hindi niya kasi alam kung paano makipag-socialize sa ibang tao.
Hindi naman siguro mahalaga kung marunong ka ba o hindi. Basta makauwi nang hindi napapahiya ang sarili ay sapat na.
Sinipat niya ang kanyang relo at mag-seven na ng gabi. Ang sabi kasi sa kanya ni Bernard ay darating ito bago mag alas-otso.
Maya-maya pa ay nagpasya na siyang lumabas ng kwarto at sa sala na lamang niya aantayin si Bernard. Bitbit ang purse ay lumabas na siya at akmang uupo na sa sofa nang makarinig siya ng ingay.
"Saan kaya 'yun?" Nagtatakang naglakad siya palabas ng pinto upang tingnan kung nasaan niya naririnig ang ingay. Nagpalinga-linga siya sa paligid hanggang sa tumingala siya at nanlaki ang mata niya ng isang chopper ang unti-unting bumababa sa malapad na bubong ng penthouse.
"Sir Bernard?" Sambit niya nang makita ang pamilyar na lalaking bumaba sa chopper at bumaba agad ito sa gilid ng penthouse kung nasaan ang makipot na hagdan patungo sa itaas.
"Hindi ka ba nasaktan?" Seryoso na pagkakatanong ni Bernard sa kanya.
"Bakit naman po ako masasaktan?" Nagtataka niyang tanong dito. Sumilay ang ngiti sa labi nito at hinagod siya ng tingin mula ulo hangang paa. Bago ulit tumingin sa kanya.
"Saksakan ka kasi ng ganda. I'm just wondering kung hindi ka ba nasasaktan?" Napakamot siya sa kaniyang ulo dahil sa sinasabi ng wierdo niyang boss. Simula sa sulat, tapos ngayon tumitira na naman ng mga pick-up lines.
"Let's go, my binibini?" Inilahad nito ang kamay sa kanya na malugod niya rin na tinanggap bago ibinalik ang tingin sa itaas kung nasaan ang chopper.
"Sir, don't tell me diyan tayo sasakay? Baka po ma-aksidente tayo, kawawa naman ang mga nagmamahal sa'kin." Natawa si Bernard sa sinabi niya.
"Kapag kasama mo ako, hindi ka dapat matakot. Lalo pa't kasama mo ang pinaka-guwapo mong boss. Kaya let's go, mahaba pa ang biyahe."
Kaagad na siyang hinila nito paakyat sa gilid na hagdan. Kaya pala gano'n ang style ng bubungan ng penthouse dahil puwede palang paglapagan ng chopper.
Hindi naman niya pangarap ang makasakay sa ganitong sasakyan, pero siguro isa na ito sa experience na hindi niya malilimutan.
BINABASA MO ANG
His Secretary's Secret (COMPLETED)
RomanceMaagang nabuntis si Sam dahil sa isang pagkakamali. Pero itinama niya yun at nagpatuloy sa buhay. Nagsikap siyang matustusan ang pangangailangan ng kanyang anak. Dahil tinalikuran na rin ito ng Ama nito at ayaw niyang magmakaawa dito na sustentuhan...