Chapter 2: Isolated

101 4 0
                                    

Aria     
       
      
         
"Magsisi ka sa sarili mong kasalanan. Madadamay pa kami dahil sa kapalpakan mo eh."

"Tama na 'yan, Chelsea at Chaz. Hindi makakatulong ang inyong pagtatalo sa paggaling ng naaksidente na bagong mag-aaral."

"Marapat lang na sisihin si Chaz, Tara. Huwag mo siyang ipagtanggol."

"Kung anu-ano na naman ang aabutin niyong sermon sa ating pinuno. Ayaw niyo pang tumahimik lahat. Baka rin magising siya."

"Mabuti't magising ang babaeng 'yan. Mas magiging delikado tayo kung namatay siya. Mag-isip-isip ka naman ng matino, Martini. Huwag kang magmistulang alak na nakakasama lang ng sitwasyon sa problema."

"Huwag na huwag mong idadamay ang pangalan ko, Euris!"

Nagising ako mula sa ingay na hindi kalayuan sa akin. Napansin kong nasa lugar ako na hindi ko pa napupuntahan kahit noong bata pa ako. Teka, sinu-sino ang mga tao sa loob ng silid na 'to?!

Agad akong bumangon subalit napapikit at hiyaw dahil sa sakit na naramdaman mula sa aking tagiliran. Paano ako nagkaroon ng sugat?

"Hindi ka dapat basta-bastang bumangon ng pabigla, binibini. Hindi pa naghihilom ang sugat sa iyong tagiliran." tatlo na lamang ang mga tao, bukod sa akin, ang nasa loob ng silid dahil parang marami sila kaninang nag-aaway noong hindi pa ako nagigising.

"Nasa mabuti kang kamay at kalagayan, Aria. Ako nga pala si Tara, mula sa unang seksyon ng ika-siyam na baitang. Isa ako sa iyong mga kaklase."

Kahit hindi ko siya kilala ay tumango lang ako at pinasadahan ng tingin ang dalawa niyang kasama.

"Hindi mo ba ako natatandaan, Aria? Ako 'to, si Chelsea!"

Hindi talaga nawawala ang pagiging sobrang daldal ng babaeng 'to.

"Alam ko. Tanda pa rin kita."

"Pasensya ka na kung hindi na ako nakabalik sa ating silid-aralan dahil umuwi kaagad ako sa aking tahanan upang asikasuhin ang isang personal na problema. Ito naman si Chaz, gaya nating lahat na nasa ika-siyam na baitang ngunit mula sa ikalawang seksyon."

"Kamusta ang iyong pakiramdam, Aria? Sana'y--"

"Oo, alam ko. Kilala kita. Mabuti at hindi ako binawian ng buhay dahil sa kamalian mo."

Yumuko si Chaz at nagpa-umanhin ng pa-ulit-ulit. Si Chelsea naman ay nagsimula ulit magkwento ng kung anu-ano.

Ang silid na tinutuluyan namin ngayon ay napaka-ganda at nagtataka ako sa pader dahil mayroong mga nakasabit na baril.

"Para saan ang mga baril at iba't-ibang patalim sa loob ng silid na 'to?"

Nagulat sila lahat sa aking katanungan. Miski ako ay nagulat rin simula nang malaman kong marunong silang gumamit ng mga ganung kadelikadong bagay.

"Ang mga baril at patalim sa loob ng kwartong ito ay para lamang sa pagdepensa sa sarili. Pwede mo rin namang matutunan na gumamit ang mga 'yan kung magpapaturo ka sa akin."

Naalala ko siya kahapon dahil sa mukha niyang pagiging maangas. Kinindatan niya ako at inirapan ko lang siya. Mukhang mali ako ng akala na isa siyang gangster.

"Hindi ko pag-aaksayahan ng oras ang paggamit ng mga nakamamatay na bagay. Kaya kong proteksyunan ang aking sarili gamit lamang ang aking lakas." pagmamatigas ko.

Under ImperialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon