Chapter 43: In Line

41 0 0
                                    

Chelsea



After our discussion about King Gavin, me and Chaz approved of finding a certain person which can be related to the school official. Dito na natapos ang aming usapan dahil ayaw na namin makaistorbo sa oras ni LX habang nag-iisa sa balkonahe.

Kasunod ko lang si Chaz pagbaba ng hagdan at tahimik lang kaming dalawa papuntang kusina. Pagkarating doon, inabutan namin sila Sherry na abala sa paghahanda ng mga sangkap sa pagluluto.

"Chelsea! Mayroon ka bang ibig ipalutong ulam sa'min ni Euris ngayong hapunan?"

Pagkaupo sa isang bakanteng upuan, saka ko sinagot ang tanong niya.

"Kayo na lang ang bahala. Lahat naman ng iniluluto niyo ay gusto ko."

Sherry also asked Chaz but the latter answered the same as mine. Nagsimula na itong maggayat ng mga gulay at nang makita ko si Euris, seryoso lang din ito habang may binabantayan na pinakukuluang karne.

"It seems like you had a short meeting with our King." Martini said when he entered the kitchen.

"I raised my concerns towards what I have observed towards King Gavin which is similar what Tara had encountered."

Ikinuwento ko kay Martini ang napag-usapan sa balkonahe. Saglit itong natahimik bago siya nagkomento.

"Kinakailangan ng malakas na mahika upang magkaroon ng kakayahan para baguhin ang iyong pisikal na anyo. Spells and other magical stuffs do exist in modern times yet another person who has the same face as King Gavin can also be the nearest possible of who you really saw before."

"Hindi ko itatanggi na posible nga ang sinabi mo Martini kaso sino kaya ito? Isa kaya itong kamag-anak kaya magkahawig silang dalawa?"

Habang nag-iisip si Martini, sumali sa usapan si Chaz.

"According to the book of Royalties, King Gavin has no longer relatives. Ang tanging pamilya na lamang nito ay si Madame Reanna na siyang kabiyak nito."

"Wala ba silang anak?" tanong ko.

Nagkibit-balikat si Chaz.

"Hindi ibinabahagi ng dalawang opisyal ng akademyang Splendid ang kanilang pribadong buhay sa publiko at kasama na dito ang impormasyon kung mayroon silang anak."

"We can assume that they don't have a child but I still have a doubt that they're just hidding the fact for personal purposes."

Matapos iyon sabihin ni Euris, inangat niya ang bitbit na kitchen knife kaya hindi na nagtangkang humawak si Martini sa kanyang bewang. Dahil dito, nagkatitigan sila at tila nag-uusap ang dalawa sa kanilang mga isip nang dumating si Sherry bitbit ang isang pitsel ng juice.

"Habang naghihintay sa niluluto naming hapunan, naghanda muna ako ng merienda niyo."

Umalis din agad si Sherry at sumunod naman sa kanya si Euris para bumalik sa pagtulong. Nang lumingon ako sa direksyon ni Martini, nakapangalumbaba lang ito habang hawak ang isang baso na may lamang juice.

"Aalis na muna ako dito. May kailangan lang akong tawagan mula sa mansyon." paalam ni Chaz noong tumayo siya at handa ng lisanin ang kusina.

Noong tumango si Martini, tumayo na din ako kaya napatingin sa'kin si Chaz.

"Ako din. Magpapahangin lang ako sa labas."

Tumango lang din si Martini sa'kin kaya inunahan ko nang umalis ng Chaz bago pa man ito magsalita. Nang makarating ako sa tarangkahan ng headquarters, alam kong nakasunod lang si Chaz dahil rinig ko ang yabag ng kanyang mga paa kanina.

Under ImperialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon