Aria
Maganda sana ang araw na 'to kung hindi lang dumating ang isang nakakagulat na balita.Or should I say, a news that only surprised the officials.
The commotion happened exactly after I woke up. Narinig ko ang mabibilis na yabag ng mga paa sa labas ng silid at napukaw nito ang atensyon ko. Bubuksan ko palang ang pinto, naunahan na agad ako ni Chelsea na halata mong may pangyayari na hindi inaasahan dahil sa balisa niyang itsura.
"Anong nangyayari?"
Imbis na pagbati ng isang magandang umaga, nagtanong agad ako tungkol sa nangyayari sa labas ng silid.
"May ilang taga-pagsilbi ang natagpuang patay sa harap ng mansyon."
"Sino daw ang gumawa nito?"
Ito rin ang nangyari noon sa Inglatera. Ang kaibahan lang, mga tagapagsilbi ang pinaslang dito at mga kawal naman sa mansyon ng mga royalties ng Helvus Kingdom.
"Ang mabuti pa, mag-ayos ka na para mapuntahan natin ang pinangyarihan ng krimen."
Hindi ako kaagad nakasang-ayon kay Chelsea dahil may napansin akong kakaiba sa kanya. Sanay na akong maligalig ito paminsan-minsan pero nakakapanibago ang mabilis na pagbabago ng kanyang ekspresyon sa mukha.
Last time, she's totally in panic because of the killings that happened outside the mansion. After I asked her who's behind the murder, her face become serious and she wants me to act very fast on fixing myself so that I could see myself the commotion.
Is she hidding something?
Isinawalang bahala ko iyon at nag-ayos ng sarili ayon sa sinabi ni Chelsea. Matapos 'non, parehas kaming lumabas ng silid. Habang naglalakad sa pasilyo, mayroon kaming nakakasalubong na mga kawal. Ang ilan sa mga ito ay nagmamadali patungo kung saang parte ng mansyon sila nakadestino na magbabantay.
Dinantan namin si Chaz sa dulo ng pasilyo na bakas sa mukha ang pasensya habang naghihintay sa aming pagdating. Nang makita niya kami, tumango ito kay Chelsea at sila lang ang nagkaintindihan sa senyasang iyon.
Okay. What is really happening here? Chelsea isn't the only one who's acting weird today. Even Chaz, I could sense that he's hidding something.
Is it about the murder? Or is it something beyond that tragedy?
Lumabas kami ng mansyon at nakita namin si Sir Grant kasama ang mga pulis na nag-iimbestiga sa nangyaring krimen. Karumaldumal ang pagpaslang sa mga tagapagsilbi dahil kitang-kita ko kung gaano kadami ang dugo sa sahig.
Matapos makipag-usap sa isang pulis, lumapit sa amin si Sir Grant upang batiin kami.
"Paumanhin bagama't hindi maganda ang umaga ngayong araw, Binibining Haran."
"Ano pong nangyari? Sino po ang nasa likod ng pagpatay sa mga tagapagsilbi?"
Umiling si Sir Grant kung kaya't nalaman kong hindi pa rin nila nalalaman kung sino ang mga pumatay.
"Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis, wala ni isang matibay na ebidensya ang naiwan upang magbigay daan sa pag-alam kung sino ang pumaslang sa mga kaawa-awang mga tagapagsilbi. Ngunit kahit iyon ang lumabas na resulta, hindi sila titigil hangga't hindi mahuli kung sino ang nasa likod ng krimeng ito."
Nagpaalam sa amin si Sir Grant nang tawagin ulit siya ng isa sa mga pulis. Pagbuntong hininga, tumalikod ako para lingunin ang taong papalapit sa amin.
"LX." tawag ko sa lalaking nakatayo sa harap ko.
Mabilis niya lang akong tiningnan dahil itinuon niya ang kanyang atensyon sa mga bangkay na nakahandusay sa lupa. Hindi ko alam pero nababatid kong sa tingin niyang 'yon, parang alam na niya kaagad kung sino ang pumaslang sa mga tagapagsilbi.
BINABASA MO ANG
Under Imperial
Tajemnica / Thriller[COMPLETED] ✔ From the enchanting side of our Modern Era, royalties still do exist. But they are not the usual Kings and Queens we know. What's really behind these people? Story Plot: April 2015 Posted in Wattpad: June 7, 2017 Date Finished: January...