Chapter 13: Surmise

57 1 0
                                    

A/N: As for the magus, ang ilalagay ko pa ring name sa kanya ay Sin Morris-- even though the real one is Azure -- every time na magkakaroon siya ng point of view. Iwas lito na rin. Haha. Enjoy reading the new update!    
  
   
  
Sin     
    
   
   
Bago makaalis ng lugar na 'yon, hindi ko alam kung ligtas pa ba kung bumalik ako sa kanila.

Matapos kong humarap at maglalakad na sana paalis ng lugar, sumalubong sa akin ang isang nakatutok na matulis na patalim na hawak ng isang tao na matagal na akong hinahanap.

"Kaya hindi ko sinunod ang plano ni LX dahil marapat lang na ako ang unang makaalam sa pagkatao ng bisitang mago. Handa mo na bang sabihin sa akin kung paano mo kinitil ang buhay ng isa sa mga matataas na tao sa aking angkan?" puno ng galit na sabi sa akin ni Martini habang hindi inaalis ang patalim sa aking harapan.

Wala akong takot na sinalubong ang masama niyang tingin dahil kahit papaano ay may katotohanan sa mga sinabi niya.

"Hindi mo maiintindihan kung bakit ko ginawa ang lahat ng 'yon. Hindi dapat sila ang mapapahamak sa kamay ko noon dahil mismong ang mga magulang mo ang dapat na magbayad."

"At bakit kailangan magbayad ang mga magulang ko at iba kong kadugo?!"

"Ialis mo sa aking harapan ang patalim. Hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin."

"Wala na akong dapat pang ikabahala kung malalaman nilang pinaslang kita. Marapat lang na ganun rin ang kahinatnan mo dahil sa ginawa mong pagkitil ng buhay ng mga magulang ni Tara!"

"Sa tingin mo ba, wala silang kasalanan para ganun na lang ang ginawa ko?"

"They are innocent. You are the monster who needs to be killed mercilessly. Tandang-tanda ko ang nakakaawang sinapit ng pareho kong kamag-anak dahil sa masama mong plano. Take note that you were the reason behind of my cousin's miserable life."

If I will going to stop him any further, the war might start and we will create a huge chaos in this place. Kahit matagal akong naglakabay sa ibang lupain, nasa akin pa rin ang ilang ala-ala ni Sin Morris.

We must not be reckless in this place. The château is even a monster's den who wears a deadly crown and possesses a poisonous bounty gold. Kung malalaman ng ilang opisyal ang hindi pagkakaunawaan sa nabuo nilang alyansa, gagamitin nila itong alas para mabuwal ang plano kontra sa kanila.

Huminga ako ng malalim kahit mas lalong lumapit ang patalim ni Martini. Tinititigan ko ito ng mata sa mata para ipakita na hindi ako natatakot sa kanyang ginagawa.

"Sa tingin mo ba, papaniwalaan ka ni LX kapag sinabi mong isa akong mago?"

Kita kong humigpit ang kapit niya sa patalim nang banggitin ko ang aking uri.

"We are comrades, you monster."

"Comrades can be against with each other, Martini. Are you aware of traitors?"

"Are you saying that I'm betraying my friends? Huwag mong baliktarin ang kwento! Ikaw ang nanggamit sa amin! Huwag mo akong matawag-tawag na traydor!"

Bago pa man bumaon sa akin ang hinagis niyang patalim, may isang lalaki na kasing tanda ni Martini ang pumagitna sa amin. Naglalakihan ang mga mata ni Martini nang makita si LX na nakatagilid sa kanya habang hawak ang kaninang inihagis na patalim.

"Ang aming minamahal na King." mabilis niyang tugon bago lumuhod sa harap ni LX.

Dahil ayokong ipakita sa kanila na hindi ako ang dati nilang kakampi na si Sin Morris, tinuluran ko ang ginawa ni Martini.

Under ImperialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon