Aria
Isang panibagong araw na dapat abangan dahil gusto kong matanaw kung paano kumilos ang grupo nila LX. Well, his company were all a skilled assassins that could slit your throat in a second without noticing their mere existence at first.Madali kong natapos ang pagsusulit na binigay sa amin. Noong determinado akong nasagutan ko ng tama ang lahat ng katanungan sa papel, tuwang-tuwa sa akin si Madame Reanna. Kung natatandaan niyo, siya ang isa sa mga opisyal ng akadenyang Splendid na pumapangalawa sa makapangyarihan na tao sa aming paaralan.
Bago lisanin ang silid na 'yon, pinasadahan ko ng tingin si LX. Tila hindi niya nagustuhan ang pangunguna ko na ipasa ang natapos na pagsusulit.
Makalipas ng ilang oras, ang lahat ay nasa harapan na ng hapag-kainan. Habang panatag na kumakain ng tanghalian, bumukas ang malaking pinto ng silid at bumungad sa amin si Sir Grant na nakangiti sa aming lahat.
Kanina lamang ito umalis ng silid para sunduin ang inaasahang paparating na panauhin sa mansyon ni Duke Lucien.
"Our guest has arrived in the mansion and let's give him a warm welcome."
Tumigil muna kami sa aming kinakain dahil sa pagdating ng kaisa-isang panauhin ng mansyon. To tell you honestly, I was been surprised when I have seen the face of the magus.
◇ ◆ ◇ ♛♔ ◆ ◇ ◆
"No way that he's the one!"Hindi ako makapaniwala na ganun ang itsura ng magus na 'yon. I thought he possessed a face of an animal or something that doesn't resemble to a human. Nagkaroon kasi ako ng oras noon upang manaliksik sa kung anong mga kaalaman tungkol sa isang mago.
Ugh. The book that I have read before has fooled me. Naniwala naman ako sa walang saysay na paliwanag ng manunulat na 'yon tungkol sa magus.
Gosh. He has an innocent face of a young man! He even has charms as well! Hindi ko makita na isang mapanganib na mago ang bisita kanina.
Kanina pang tanghali nangyari ang lahat kung kaya't nailalabas ko nang walang pasabi ang aking nasa isip tungkol sa mago. Si Chelsea lang ang kasama ko sa loob ng silid dahil ang karamihan sa kanila ay kasama ni Sir Grant upang gabayan ang mago na ipasyal sa buong mansyon.
Maya-maya pa'y dumating rin si Tara na kanina ko pa napapansin ang pagiging tahimik.
"Hindi pa ba bumabalik sa loob ng mansyon ang ilan nating kasama?" tanong ni Chelsea sa bagong dating.
Umiling si Tara at ngumiti sa kanya.
"Mabuti't hindi ko sila nakasalubong kanina."
"Magandang balita para sa'yo."
"Sa iyo rin."
Nang lumapit si Tara sa kanyang kama, pinasadahan ako ni Chelsea ng tingin at binigyan rin ng pilit na ngiti.
"Hayaan muna natin siyang nag-iisa sa loob ng silid. Hindi naman siguro mapanganib kung magpapalipas tayo ng oras sa pasilyo ng mansyon." pabulong niyang sabi sa akin.
"Hindi ba't delikado para kay Tara kung wala siyang kasama dito?"
"Hindi naman tayo lalayo sa bukana ng ating silid. Ikaw ang posibleng malagay sa panganib kung ikukumpara kita sa kanya. Huwag mong kalimutan na kami ang mga pinagkakatiwalaan ni LX na assassins."
Sumunod ako sa sinabi ni Chelsea at nagpaalam kami kay Tara bago lisanin ang silid.
Sa pasilyo ng mansyon, hindi ko maiwasang magtanong kay Chelsea kung anu-ano ang ilang mga bagay tungkol sa panauhin.
BINABASA MO ANG
Under Imperial
Mystery / Thriller[COMPLETED] ✔ From the enchanting side of our Modern Era, royalties still do exist. But they are not the usual Kings and Queens we know. What's really behind these people? Story Plot: April 2015 Posted in Wattpad: June 7, 2017 Date Finished: January...