Aria
Sino ang nagmamay-ari sa pusa na 'to?Sa ngayon ay katabi ko na ang pusa sa kama at nakatitig lang ito sa akin. Mistulang isa siyang laruan na abala sa pagkilala sa katauhan ko.
Ano ang balak nito sa akin? Wala naman siya sigurong dalang pahamak sa tao, di ba?
Minasdan ko ang kulay abo niyang balahibo na bumabakas sa tunay niyang lahi.
I know this kind of cat breed. If I'm not mistaken, this is a Siberian cat.
Hindi naman kasi ako makakakita ng gantong pusa sa ating bansa na kung saan makikita ko lang sa kahit saan.
Dala ng ganda ng kanyang balahibo at gintong mga mata, hindi ko tuloy maalis ang aking paningin.
"Siguro at dito rin siya nakatira sa mansyon. Baka naligaw lang siya ng kwartong pinuntahan."
Lumapit ako sa pinto at binuksan 'yon para makalabas ang pusa. Sa hindi ko inaasahang pagkakataon, nakatitig pa rin siya sa akin at tila may gustong ipahiwatig ang kanyang pagdalo sa aking silid.
"Ano bang gusto mong pusa ka? Hindi ako ang nagmamay-ari sa'yo. Bumalik kana sa kung sino man na nag-aalaga sa'yo."
Sinubukan ko pang buhatin ito pero hindi ko siya maalis sa kama. Mukhang ayaw nitong umalis sa aking silid at balak pa atang dito siya matulog magdamag.
Mabuti na lang at maaari ako sa ganitong klase ng hayop. Hindi maselan ang aking balat sa makapal niyang balahibo. Pero kahit na wala akong allergy sa pusa, hindi ko pa rin gustong makatabi ito sa pagtulog.
Kumikinang ang mga ginto niyang mata na nakatitig sa akin. Dahil sa maliwanag na lampara, napansin ko ang gintong palawit ng kanyang choker na nakabitin sa maliit nitong leeg.
"Death?"
Isang salita ang nakaukit sa gintong pendant at kamatayan ang pagkakabasa ko dito.
"Don't tell me that you are a reaper's pet or something who they called soul fetchers?"
Hindi kaya ang ibig sabihin nito ay kamatayan ko na ngayong oras?
Mukhang maamo naman ang pusa kaya napag-isip-isip kong nahihibang lang ako sa aking mga konklusyon.
Muli kong sinara ang pinto at hinayaan ang pusa na ngayon ay nakahimlay na sa ibabaw ng aking kama.
"Meeeeoow"
Tumalon ang pusa palapit sa bintana at kita kong sinisimulan niyang kalmutin ang bubog nitong salamin.
Ano naman kaya ang gustong sabihin ng pusang 'to?
Tatayo na sana ako nang makitang may isang anino na lumampas mula sa bintana.
Ano 'yon?! Hindi kaya ito yung sinasabi nilang si taga-sundo?
Hindi ako umalis sa kama at ang nagawa ko lang sa loob ng ilang minuto ay panoorin ang pusa na patuloy sa pagkalmot ng salamin.
"Meeeeooow"
Sino kaya ang nagmamay-ari sa anino kanina?
Tok tok tok
AAAHHH! Kung kanina ay anino ang nagpapabilis sa aking tibok ng puso, sumunod naman na dahilan ay ang kung sino mang kumakatok sa aking pinto!"Binibining Haran?"
Si Sir Grant!
Agad kong pinagbuksan ng pinto si Sir Grant at ngumiti ng pilit nang makita siya.
BINABASA MO ANG
Under Imperial
Mystery / Thriller[COMPLETED] ✔ From the enchanting side of our Modern Era, royalties still do exist. But they are not the usual Kings and Queens we know. What's really behind these people? Story Plot: April 2015 Posted in Wattpad: June 7, 2017 Date Finished: January...