Aria
Pumasok ako sa akademyang Splendid dahil sa rason na dito lumipat ang matalik kong kaibigan. Bago ako makarating sa bagong paaralan, marami na akong nabuong plano at pangarap na siyang napagkasunduan namin noon pa.We dreamed to study in such a prestigious school and we'll continue hanging out with each other as bestfriends. We'll do the usual stuffs that two friends love to, like spending their time going to cafés, traveling to different places, buying new clothes and etc.
But what I expected to the new life I thought in Splendid Academy was a complete contrary to what I imagined.
Our beautiful dream turn out into a nightmare. A light fictional story becomes a dark fairytale.
Nakabisita ako sa ilang bansa sa Europa. Nakatagpo ng mga delikadong assassins. Nakakita ng mga nakamamatay na armas. Nagkaroon ng responsibilidad maging representante ng aming prestihiyosong seksyon.
At first, I was confused why I ended up to this situation. Ang gusto ko lang naman na mangyari sa bago kong paaralan ay makasama ang bestfriend ko at maging masaya sa bagong buhay mag-aaral.
But Splendid Academy isn't an ordinary school. Thus, every uncertainty behind the deadly elites made my eyes open of the world I mistakenly thought as a normal one.
Huminga ako ng malalim bago sinara ang libro na binabasa ko kanina. Nang mapatingin ako sa aking kaliwa, nakita ko si Chelsea na halos sumubsob na ang mukha sa mesa ng silid-aklatan dahil sa kaantukan. Para hindi ito tuluyang makatulog, tinapik ko siya sa balikat na naging sanhi ng pagbabalik ng kanyang diwa sa reyalidad.
"Aalis na ba tayo dito?" tanong niya sa'kin habang tinitingnan ang itsura sa hawak na salamin.
"Oo. Kailangan ko rin pumunta sa headquarters dahil may pag-uusapan pa kami ni LX."
Pagkasakbit ko ng bag sa aking balikat, nilisan na namin ang silid-aklatan. Medyo tahimik na ang pasilyo na dinaanan namin dahil pasado alas-singko na ng gabi sa mga oras na 'to.
"Ang bilis 'no? Sa halos dalawang buwan na pala ang lumilipas noong lumipat ka sa akademyang Splendid. Hindi na ako magugulat kung kinabukasan ay Royal Battle na."
Wala akong reaksyon sa sinabi ni Chelsea matapos itong marinig. Tama ang kanyang sinabi, maaaring sumapit na ang araw ng Royal Battle dahil sa mabilis na paglipas ng panahon. Kahit malayo pa, ramdam ko na agad ang paglapit nito dahil naging parte na ng pang-araw-araw ko ang paghahanda sa laban.
I don't know why time passes by so fast. Parang kailan lang ang paglipat ko sa akademyang Splendid at pagkikitang muli namin ni Cara bago ko nalaman kung ano ang misteryoso sa bago kong paaralan at mga mag-aaral na aking nakakasalamuha.
The girl I'm with has a royal blood and a secret assassin at the same time. Sa tagal ng pananatili ko sa akademyang Splendid, minsan ay hindi pa rin ako makapaniwala sa likod ng kanilang pagiging dugong bughaw at wala pa sa legal na edad, hindi sila takot sa kamatayan.
I admit it. Kinakabahan na ako ngayon sa Royal Battle dahil marami na akong natuklasan sa patimpalak na ito. Noong mga nakaraang araw, sinabi sa'kin ni LX na pinahihintulutan ang pagpaslang sa kapwa kalahok kung kinakailangan. If taking your opponent's life is allowed, I doubt if only few students won't use this chance to get the crown.
The crown serves as the pride when two representatives of the same class have won. Magiging makapangyarihan ang dalawang representante sa buong paaralan, miski ang kanilang seksyon ay titingalain ng bawat mag-aaral.
Habang nalulunod ako sa aking iniisip, napansin kong huminto sa paglalakad si Chelsea nang may makita siyang isang mag-aaral na nakatayo sa aming harapan.
BINABASA MO ANG
Under Imperial
Misterio / Suspenso[COMPLETED] ✔ From the enchanting side of our Modern Era, royalties still do exist. But they are not the usual Kings and Queens we know. What's really behind these people? Story Plot: April 2015 Posted in Wattpad: June 7, 2017 Date Finished: January...