Chapter 30: Qui Vive

38 1 0
                                    

Aria   
  
  
  
Days goes by, we were nearing to the so-called Royal Battle.

Minsan, pinupull out kami ni LX sa aming mga klase upang magkaroon ng karagdagang oras sa training. May pagkakataon nga na gabing-gabi na ang uwi namin o kaya'y kailangan naming magtraining isang oras bago magsimula ang klase.

Medyo nakakapagod dahil ito ang unang beses na naging abala ako sa isang bagay na kailangan kong paghandaan ng mabuti. Halos araw-araw ganito ang routine ko. Madalas ko na rin nakakasama sila Tara.

Kaya ngayong wala kaming pagsasanay, nagdesisyon akong yayain si Cara na mamasyal kami.

"Bakit kaya hindi niya sinasagot ang tawag ko?" bulong sa aking sarili nang kuhanin ang phone na ipinatong ko sa taas ng side drawer kanina. Noong isang araw ko pa napadalhan ng mensahe si Cara ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito sumasagot.

May pinagkakaabalahan ba siya?

Sa kalagitnaan ng paghihintay ko, napatingin ako sa pinto nang makarinig ng sunud-sunod na pagkatok. Hindi ko pa man nakikita kung sino ang panauhin, inasahan ko agad si Cara ito.

Ngunit nang buksan ko ang pinto, doon ko napagtantong nagkamali ako ng hula.

"Magandang umaga, aming Queen." bati ni Chelsea nang patuluyin ko siya sa loob ng apartment.

"Napadalaw ka. Bakit parang mag-isa ka lang ngayon?" sabi ko habang hinahanap si Chaz.

"Oh, you mean I'm not with Chaz? Well, he'll be quite busy this day that's why I'm alone when I visited your apartment."

"Nagpaalam ka ba sa kanya?"

Natawa ito sabay kumpas ng kamay na para bang pinahihiwatig na huwag ko siyang alalahanin.

"I don't need to. Besides, he knows that one of our job is to protect the Kings and Queens."

Okay.

"Sige, kung iyan ang sabi mo, wala na akong magagawa pa. Oo nga pala, bakit ka napadalaw dito?"

Ilang segundo ang lumipas, nahampas ni Chelsea ang parehong kamay habang gulat na gulat.

"Right! Thanks for reminding me the reason of my visitation, Aria! Nandito nga pala ako para kaunin ka. Hinahanap ka kasi ni LX."

Medyo naging alanganin ako sa kanyang sinabi.

"Ganun ba? Ngunit may pupuntahan sana akong importante ngayon. May plano kasi akong makipagkita sa matalik kong kaibigan."

Nakita kong naintindihan ni Chelsea ang aking pinahihiwatig.

"Kung ganon, sasabihan ko si LX na hindi ka makakapunta sa headquarters ngayon. Paalis ka na ba?"

"Hindi pa naman."

"Sige. Tatambay muna ako dito. Hihi."

Hindi na nito hinintay ang sasabihin ko nang umupo siya sa sofa. As if it's her home, she removed her shoes to make an indian seat style while being comfortable inside my apartment. Hinayaan ko na lamang itong nakatambay sa salas at iniwan dito dahil paghahandaan ko siya ng merienda.

When I returned, I gave him the snacks which quickly caught her attention.

"Hindi mo ba gusto?" tanong ko dahil hindi siya makapagsalita habang tinitingnan ang mga pagkain na ibinigay ko.

Nang bumalik sa reyalidad ang kanyang diwa, agad itong ngumiti at kumuha ng isang tinapay.

"Ang totoo n'yan ay paborito ko ang ganitong klase ng tinapay. Saan mo siya binili?"

Under ImperialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon