Chapter 4- The Real Beginning

113 6 0
                                    

"Javi! OMG, 1.9 na ang final grade mo sa Business Math. You're really something" tatalon-talon si Shiela habang binabalita yu'n sakin.

"Talaga? Seryoso?" sinilip ko rin yu'ng records ko na hawak-hawak niya. "Whoa! Thank you, Lord!" halos naiyak ako sa sobrang tuwa. Sinadya ko'ng si Shiela ang tumingin sa grades ko para hindi ako masyadong ma-shocked. Epic fail. Na-shocked parin ako... sa sobrang tuwa. :')

Enrollment na namin ngayon for second sem at kinakabahan talaga ako kanina. I thought kakainin na ako ng lupa out of disappointment, pero hindi ako binigo ni Lord. He answered my prayers. Salamat na rin sa professor ko last sem. Pakipot pa si sir. 2.5 lang ang sinabi pero bibigyan rin pala ako ng 1.9. XD

"Hala, nagtext si Kristen. On her way na raw" biglang sabi ni Shiela.
"Ah, sige, hintayin na muna natin bago tayo pumila. Sabihin mo kamo na sa field tayo tatambay." utos ko naman.

Andami nami'ng napagkuwentuhan ni Shiela since galing lang kami sa sem break at umuwi sa kanya-kanyang probinsya. One week lang ako'ng nag-stay sa probinsya namin which is somewhere sa Davao at bumalik na ako agad kahit may one week break pa. Marami kasi ako'ng inasikaso para sa renewal ng scholarship ko.

Naglalakad na kami papuntang field ni Shiela at naghahanap ng komportableng pwesto nang bigla siya'ng nagsalita, "Javi..."

"Hmmm?"

"Yung totoo, naka-move on ka na ba talaga kay Dexter?" her voice sounds worried.

"I can't really say, Shi. Ramdam ko parin ang sakit. Five years naman kasi yu'n, eh. Ang isang taon pa nu'n ay LDR kami, but really, I'm fine. Nothing to be worried about" I smiled as an assurance.

"Basta nandito lang kami ni Kristen. Oo medyo shonga pero mahal na mahal ka namin, ter. Walang forever sa inyo ni Dex, pero sa'ting tatlo, meron. Always remember that." We both smiled teary-eyed.

"Thank you..." I just hugged her. Ayoko'ng umiyak ulit. Napaka-swerte ko lang dahil nandiyan sila palagi para sa'kin. Simula nu'ng 1st year college hanggang ngayong second year na kami.

"Tama na nga ang drama" natawa kami'ng pareho.
Naupo kami sa may mga bench na malapit sa maraming puno. Napansin ko'ng may naglalaro ng frisbee. Napangiti ako'ng bigla.

Oo nga pala. Si Mr. Statue of Liberty.

Haha. Mr. Frisbee or Mr. Statue of Liberty? Statue of Liberty nalang. Baka nga sakaling yun na ang mabato niya sa'kin sa susunod. XD

Tiningnan ko ulit yu'ng naglalaro. Hindi ko man maalala yung hitsura niya, alam ko'ng wala siya du'n. Sayang *sighs*

SANDALI. ANO ULIT YU'NG SINABI KO?

ERASE. ERASE. ERASE.

Bakit ko naman hahanap-hanapin yu'ng presensiya niya? No way in my life. -_-

Baka crush ko?

Hindi naman siguro. Ni hindi ko nga maalala yung mukha.

Ay ewan. Nakaka-stress ng reproductive system.

"Javi, nasa enrollment area na raw si Kristen. Tara na at baka maubusan na tayo ng subjects" hinihila na ako ni Shiela
"Sige. Bumili muna tayo ng maiinom saglit" sabi ko.

Hindi pa man gumagabi ay natapos na kami sa enrollment. Thank God at magkaklase parin kami'ng tatlo in all subjects. :)))

*SECOND SEM'S FIRST DAY OF CLASS*

"Hala. Bakit naiba to'ng English class mo, Javi?" hawak-hawak ni Kristen ang schedule form ko. "Parehas tayo'ng 9:00am ang class pero iba yung room mo."

"Ay naging cholera na. Pa'no na ya'n? Hindi na pwedeng magpa-change ng sched." Nalungkot kami'ng tatlo. "Sige na nga lang. Isang subject lang naman ako nahiwalay sa inyo, eh" nagpa-plantsa na ako ng uniporme namin.

"Baka na-misoperate lang. Bilisan niyo. Malapit na'ng mag-9:00am" sabi ni Shiela habang kumakain.

Magkasama parin kami sa iisang boarding house. Multi-tasking ang ginagawa namin. Minsan ako nagluluto, nagpaplantsa ng mga uniporme namin, minsan rin ay sila. Sa paglalaba ay kanya-kanya na naming ginagawa.

Maya't maya ay nakarating na kami ng school at nag-iba na ng dinadaanan. Papunta na ako sa room kung sa'n nahiwalay ako sa klase nila Shiela at Kristen.

Gosh, late na pala ako.

"Good morning, latecomer. Have a seat, Ms.----?"

"Magpugay, Ma'am" I shamefully answered.

"Magpugay tayo dahil first day of class, may latecomer na." Nagtawanan at nagpalakpakan ang buong klase.

T*nginang buhay naman 'to, oh. (-__-)

Umupo ako sa vacant seat sa first row since paborito ko'ng maupo sa harapan. I noticed someone familiar at the back. Hindi ko lang nalingunan ulit dahil nag-start nang mag-lecture yung professor namin.

"Tomorrow we will have a group activity so prepare yourselves. I'll be giving some mini prizes" last words ng professor namin.

Sana nga ay last words na talaga. Nafefeel ko'ng bad shot ako sakanya for the whole semester. -____-

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon