Chapter 33- Reminisce

48 4 0
                                    

3:32 PM
XYZ College

Pinahid ko ang luha ko at nagdadalawang-isip pa kung lalabas na ba ako ng cubicle or hindi. I just saw Carina and Daniel together.

Yes, nangyari na ang kinatatakutan ko.

As what Eda had said, we are now living in one nest.

Walangjo.

Ano na'ng gagawin ko?

Hindi ko na kaya'ng harapin sila ulit.

"Una siya'ng naging sayo kaya bawiin mo. Bawiin mo ang taong alam mo'ng sa'yo. Yu'ng taong mahal na mahal mo. Push mo lahat ng powers, Javi!"

Naalala ko ang lahat ng sinabi ni Eda.

Lumabas ako ng cubicle at humarap sa salamin sabay sabi'ng, "Kaya ko 'to"

"Ano'ng kaya mo?"

Nagulat ako sa biglang nagsalita mula sa likod ko.

Si Carina.

Inipon ko lahat ng lakas ko upang magmukha ako'ng komportable na kaharap siya.

"Ah, maglalaro kasi ako ng frisbee with friends. Gusto mo'ng sumali? Isali mo na rin si Daniel" I gave out the sweetest smile I could show.

"As in? Sure thing. Sa field, ba? Tatawagin ko na muna si Daniel"

Haist. Mabuti naman at kumagat siya sa plano ko...

which is plan A.

Nakokonsensiya man ako dahil sa posibilidad na masaktan ko si Carina... Inisip ko parin ang sarili ko at si Daniel.

I belong to him and he belongs to me.

Kami dapat ang magkasama ngayon kaya gagawin ko ang lahat ng makakaya ko upang manumalik na ang memorya niya.

-----

"Good catch, Javi!" Mia complimented at my move.

Nagsisimula na kami'ng maglaro pero hindi pa dumadating si Daniel.

Sabi ni Carina ay darating din yu'n, may ginagawa lang daw muna.

Kailan pa?

Nabo-bored na ako at mukhang male-lead na sa failure ang first plan ko.

"That was a good game. Nice playing with you, Carina" Arvin said to Carina.

Nag-appear kami sa isa't isa as a sign of ending the game.

Confirmed. Failed nga ang plan.

Napatingin ako sa direksyon ni Eda na nakatayo sa isantabi at nalililiman ng mga puno.

I saw him doing a "tsk tsk" face expression.

Maya't maya ay nagsialisan na sila.

Naiwan ako pati na si Carina sa may field. Nakaupo kami sa isa'ng bench.

Maya't maya ay nagpaalam siya'ng magsi-CR muna...

Na siya namang pagdating ni Daniel.

"Si Carina?" he smiled while asking.

"E-eh, nag-CR muna" it took forever bago ako nakasagot.

"Ok, hihintayin ko nalang siya dito" naupo siya sa tabi ko at diretso lang nakatingin sa harapan namin.

Lihim ko siyang tinitigan. Kinilig parin ako sa ideyang suot-suot na naman niya ang unipormeng araw-araw ko'ng nakikitang sinusuot niya dati.

Kung alam mo lang, minsan na tayo'ng nag-usap at nagkasama dito mismo sa lugar na kinaroroonan natin ngayon. Dito nangyari ang first date natin. Dito pa nga tayo una'ng nagkakilala...

Gustung-gusto ko'ng sabihin 'yan sakanya, pero pinigilan ko ang sarili ko. Baka mabigla siya.

May dumaan sa harapan namin at wala sa isip na hinagisan ko ito nang frisbee.

Hinila ko ang kamay ni Daniel at tumago kami sa likod ng isang puno.

Sinubukan ko'ng tumawa ng walang halong nerbiyos.

"Bakit mo ginawa, yu'n? Kawawa naman yu'n!" he was still in a state of shock.

"Kasi hindi ako lampayatot" ngumiti ako nang sinabi ko yu'n.

Hindi ko napigilan ang sarili ko...

I caressed his face.

"Hindi mo na ba talaga ako maalala?

Mr. Statue of Liberty"

He looked confused.

I looked like an idiot.

I don't care.

"Sweetheart..."

Sabay kami'ng napalingon sa biglang nagsalita.

Napababa ako ng tingin nang pinuntahan ni Daniel si Carina.

Akala ko kaya ko.

Pero hindi pa pala.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon