Chapter 31- Totally Left Out

50 5 0
                                    

"I'm really sorry, Javi. Napag-utusan lang naman kasi ako na walang pagsasabihan na kahit sino... Maski yung mga barkada niya. Ayoko namang sumuway kasi pinag-aaral ako ng Dad niya. From the bottom of my heart, I'm really sorry for not telling you." nasa kabilang linya si Eda.

"I understand, Eda. Sorry din... dahil sa pangungulit ko." I turned off the phone after that.

Fresh na fresh pa sa isipan ko ang mga napag-usapan namin ni Eda. Ni hindi matanggal-tanggal ang tinik sa dibdib ko kahit alam ko na ang katotohanan.

Obviously, I can't accept the truth.

That's why I'm here.

In front of his mom's company.

Their company.

Para ako'ng nag-shot ng tatlong gallon na kape sa sobrang nerbiyos.

However, I must do this.

Tutal nakapag-set na ako ng appointment at nandito na rin ako.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa building ay dumiretso na ako sa elevator papunta sa office niya.

*knock knock*

"Come in" narinig ko'ng may sumagot mula sa loob.

"Good morning, how may I help you? You're quite lucky to see me. I am always busy, for your information." I didn't expect that greeting. "Since you're an ex of my son, I should make an excuse"

How did she know?

"Have a seat" bago pa man ako nakapagsalita ay nakaupo na ako.

"G-good morning, ma'am. Ako po si Javi. Gusto ko lang po malaman---" pagsisimula ko.

"I know" agad niya'ng pinutol ang mga susunod pa'ng sasabihin ko.

"My son is a future heir of my business and we need the Montealegres for the better future. They are good for each other... I'm referring to Carina" she started.

"P-pero... Kasi po..." medyo nauutal pa ako.

"I am being straight to the point, Ms. Magpugay. I assume you know that I know you? Actually, I have your background information checked."

Napanganga ako sa sinabi niya.

"I know na may nakaraan kayo ng anak ko and he's been crazy about you. Please, leave him alone. I don't want anyone or anything to ruin my plans for him. I hope you'll understand" she sounded sarcastic.

"Don't be a hindrance" those last words of her mom made me want to cry.

Bigla ako'ng tumayo at dire-diretsong lumabas ng opisina. Pagkalabas ko ay siya namang pagtulo ng luha ko.

Nasa labas na ako ng kumpanya nang may humablot ng aking braso.

"Sa'n ka pupunta?"

Si Daniel.

I can't bear to see him, eventhough I've been longing for him.

"Bitawan mo 'ko" inaagaw ko ang sarili ko'ng braso.

"Kaibigan ka ng fiancé ko, diba? I can't leave you" he's being firmed.

Nagmalakas ako at tumakbo nang mabilisan.

Tumakbo ako nang tumakbo, makalayo lang.

I don't know how pero nakarating na naman ako sa Namsan Tower.

Doon ay napaupo ako at nagsimulang mag-iiyak.

I guess I don't have any chance to bring him back in my arms.

"Hey" napaangat ako ng ulo sa kung sino man ang tumapik sa braso ko.

Nakita ko'ng pawisan si Daniel at naka-formal attire pa rin.

"A-ano'ng ginagawa mo dito?!" I was rattled by his presence.

"Eh, di, sinundan ka"

"Bakit?"

"Ano'ng bakit?"

"Bakit mo ko sinundan?"

"Bawal?" he chuckled.

Pinunasan ko ang mga luha ko. "Stalker ka ba? Umalis ka na"

He laughed. "You know, I just met you for a while, but it feels like I have known you for centuries old"

Bigla ako'ng napatingin sa kanya. He was smiling so wide. Maya't maya ay lumayo ang paningin niya mula sa'kin.

"I-i'm sorry na hinabol kita. I was just worried and curious at the same time"

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. May chance pa kaya'ng maalala pa niya ako?

"Matagal na ba kayo'ng magkakilala ni Carina? I thought you could help me" he smiled that made my heart broke.

So, si Carina parin pala ang naiisip niya?

Rude.

I thought may small portion pa ako sa memories niya.

"I'm sorry pero hindi kami close at hindi kami masyadong magkakilala" I told him.

"I-is that so? Hmmmm" parang tinadyakan ang puso ko nang sinabi niya 'yun.

"Sigurado ka ba'ng hindi tayo nagkakilala dati?" bigla niyang tanong.

"Actually----"

"Sweetheaaaarrrrrttt!!!"

Sabay kami'ng napalingon sa kung sino man ang tumawag.

Si Carina.

Another panira-moment.

Sasabihin ko na sanang matagal na tayo'ng magkakilala.

Matagal na tayo'ng nagmamahalan.

"I've been looking for you all the time. I thought nasa office ka na" this time ay nakalapit na siya.

She looked at my direction.

"Oh, you're here. Hi, Javi" bigla siyang nakipag-beso sa'kin.

"Sorry, sweetheart. I'm just into another business. Let's go? Uhm, mauna na muna kami...

Javi"

I want to scream as I heard him pronounce my name.

Maya't maya ay nakaalis na sila.



Naiwan na naman ako'ng mag-isa.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon