Chapter 34- The Truth

53 3 0
                                    

"Bes, ok ka lang ba talaga? Oh, eto, tubig-dagat" I slapped Eda's shoulder.

Simula nang mawalan ako ng mga kaibigan, si Eda na ang tumayong bestfriend ko. Nawala man din si Daniel sa piling ko, atleast I gained a new true friend.

"Hindi pa nga tayo nakakarating sa beach, nagkaroon ka na agad ng stock na tubig-dagat? Ilusyonada ka talaga" tumawa ako nang sabihin iyon.

"Che! Imbes may chika galore ako sayo ngayon. Abort mission na nga. Kaloka ka, ati!" sumimangot siya.

I just rolled my eyes. Nasanay na ako sa mga ganiya'ng ka-artehan niya.

May camp outing kami ngayon, barkada nila Daniel at Eda, kasama ako, siyempre pati na rin si Carina...

And here we are, papunta na sa location namin which is a resort owned by Mia's family. Advantage din sa amin yu'n kasi nga naka-less kami. He-he.

Pinipilit ko ang sarili ko'ng maging okay lalo na pag kaharap sila'ng dalawa (you know what I mean).

Ngayon ko balak gawin ang Plan B.

Kapag ito, naging successful, promise, maglalakas-loob na ako'ng mag-confess kay Daniel.

---------------------------------------------

6:18 PM
Beach Side

"May talent ka pala sa bonfire, Paige, ha?" ani Arvin.

"Oo naman, tol. Don't underestimate me" nag ala-Robin Padilla si Paige.

"Ang kukulit niyo. Tara! Truth or Dare tayo" ani Candy.

Napatigil ako sa pagkagat ng barbecue ko.

Mukhang hindi ko magugustuhan ang susunod na mangyayari.

"Oy oy! Walang KJ. Truth or Dare raw" aya naman ni Mia.

Nagsimula na sila'ng maupo palibot sa bonfire.

"Oy, Javi! Hindi ka pa ba mauupo?" si Mia.

Napatingin ako sa direksyon ni Eda.

His expression was telling me na dapat ako'ng magtiwala sa kung ano ma'ng pwedeng mangyari.

Mahirap man, pero nagpanggap ako na SUPER OK sa sitwasyon namin ngayon na mismong pinaniwalaan naman ng barkada ni Daniel.

They completely think that I had MOVED ON which is also completely wrong.

Kung nagpakatanga ako ng sobra kay Dexter dati, times two naman ngayon kay Daniel.

Am I that into him?

Obviously, yes.

Wala ako'ng ibang minahal nang ganito, kundi siya lang. Si Daniel lang.

Ganu'n din kasi niya ako minahal ng sobra, eh.

Dati.

Dati lang 'yun.

"Javi, maupo ka na?" si Eda. "Oh, ayan na pala ang lovebirds, eh. Tara, tara! Put the heat on!"

Nauntag ako sa mga paparating. Nauna na ako'ng umupo sa tabi ni Eda. Naka-indian seat kami palibot sa bonfire. Tumabi naman sa'kin si Daniel pati si Carina. We are such in an awkward state.

Well, ako lang naman ang na-aawkwardan.

"I should roll the bottle for a LUCK" Paige winked at us na ikinatawa namin.

Shet. Sa'kin nakatutok ang bottle.

"Now, Javi, truth or dare?" Arvin asked.

"D-da---" dare na talaga ang nasa isip ko.

"TRUTH DAW OH" bigla namang singit ni Eda.

Makahulugan ang pagtingin ko sakanya.

Sinisita siya ng facial expression ko.

He just rolled his eyes as if he was annoyed.

Alam na alam ko kung ano yu'ng binabalak niya.

"I guess I should be the one who will ask since ako naman ang umikot sa bote" ani Paige.

"No, Paige. I will"

Napatigil kami sa nagsalita.

"Sure ka, sweetheart? Ano naman ang itatanong mo kay Javi?" Carina looked confused habang tinatanong si Daniel.

He just ignored her at humarap sa akin.

I can feel the tension between us.

Lalo na sa mga taong nakapaligid sa amin.

"I know you, guys, hide something from me. A big part of me. I don't know kung bakit ipinagdadamot niyo'ng ipaalala sa akin ang nakaraan ko sa inyo, na mga barkada ko" tumingin siya sakanila. "Pero....

Javi, totoo ba'ng sa Korea tayo'ng una'ng nagkakilala? Or matagal na tayo'ng magkakilala bago pa man ako nagka-amnesia?"

Dug dug. Dug dug. Dug dug.

Ang lakas-lakas ng tibok ng puso ko.

Diretso lang ako'ng nakatingin sa mga mata niya.

Sasabihin ko ba ang totoo?

Tumingin ako sa direksiyon ni Carina.

Nakita ko'ng bigla niyang inilayo ang tingin niya. Alam ko'ng nasasaktan ako sa sitwasyong ito, pero nakita ko'ng...


Mas nasasaktan si Carina.

Hindi ko na kinaya. The moment na tumulo ang luha ko, tumayo na ako and left away.

"Javi!" narinig ko pa'ng tinatawag nila ako.

"Javi, saglit" may humawak sa braso ko at pinigilan ako sa pagtakbo.

Hinabol pala ako ni Daniel.

"Sorry kung na-offend kita sa tanong ko. Super na co-confused na kasi ako, eh"

I saw how helpless he is.

"Eh, di, wag ka nang magtanong. Leave me alone!" hindi ko na naitago ang galit ko.

Patuloy ako'ng tumakbo pero hinahabol niya parin ako, hanggang nakarating kami sa isang open pavilion.

"Bakit ba ayaw niyo ko'ng tulungan na maalala ang nakaraan ko? Why the hell are you being that selfish to me? You--- you guys--- are you even my friends?!" this time galit na rin siya.

"OO KAIBIGAN MO SILA PERO AKO HINDI!" my tears continuously to fell.

Bigla naman siya'ng napahinahon.

"Bakit nararamdaman ko'ng isa ka'ng malaking bahagi ng nakaraan ko? S-sino ka ba talaga sa buhay ko?" nadurog ang puso ko nang umiyak na din siya. "I can't even take you off of my mind!"

Bago pa man ako makasagot, may biglang pumutok sa langit.

*FIREWORKS DISPLAY*
*loud sound of fireworks*

"A-ahhhh!! Ahhhh!! Ah! Aaahhh!!" sinapo ni Daniel ang kanyang sariling ulo. Mukhang nasasaktan siya.

"Daniel? Daniel?!" nilapitan ko siya at hinawakan ang mukha niya. "Please, sabihin mo kung ano'ng nangyayari sa'yo."

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon