Part 12- A Little Surprise

60 4 0
                                    

"Javi, ipakilala mo naman sa'min yung kalandian mo ngayon. Ikaw, ha. Nakakahalata na kami. Nagiging selfish ka na" Kristen pouted.

"Ano'ng selfish pinagsasabi niyo diyan. Tumigil nga kayo. Hindi ko pa naman boyfriend." I firmly said.

"Hindi pa? So may balak nga? Ayieeee" pang-aasar naman ni Shiela.

"Stop it, guys. So, saang shop tayo mauna?" Nasa loob kami ng mall ngayon at mamimili ng susuotin para bukas sa College Night Party.

Nakapag-decide na ako na pumunta since ni-require na ng college. Ayoko'ng magkaroon ng bad record sa ibang subjects na nagre-require din ng attendance para bukas kaya pupunta na ako. Whether I like it or not, I should go tomorrow night. Pupunta rin sina Shiela at Kristen kaya ok lang...

One week na rin kaming hindi nag-uusap ni Daniel.

"Can I be your date? On that night?"

Ugh. Naaalala ko na naman ang linyang yu'n. Kamusta na kaya siya? Baka busy lang. Hindi ko na rin kasi siya napapansin tuwing English time namin dahil sobrang busy at lutang na lutang ang pag-iisip ko. Nagka-problema kasi sa amin. Nagkasakit si Papa kaya medyo nagipit kami. Na-delay ng padala ang allowance ko. Buti nalang at pinahiram ako ni Shiela.

Haist. Daniel. Sasagutin ko na ang tanong mo. How will I ever come to you? I don't even know how.

"Bagay ba to sa'kin?" tanong ni Shiela.
"Oo, pero mas bagay sayo ito'ng red. Try mo isukat" nakaisang sukat at pili lang si Kristen habang ito'ng si Shiela ay aabutan pa yata ng End of the World.

"Hindi ka pa nakakapili, ano? Aber, ako nalang ang pipili ng masusuot mo" ani Shiela na sa wakas ay tapos nang pumili at magsukat. "Ay terrrrr!!! Bagay to sayo. Try mo isukat. Daliiiii"

Tiningnan ko yung inaabot niya. Simple lang yun pero sophisticated ang dating. Long sparkling black sleeveless gown na siguradong mahahalata ang cleavage ko. Mermaid style ang ibaba nu'n. The first time I saw the gown, it was my bet too.

"This looks good. Ok, I'll try it" Dumiretso na ako sa dressing room.

Paglabas ko ng dressing room, sinalubong ako ng kaingayan nilang dalawa. "OMG! You're such a goddess, Javi." They look so amazed while staring at me.

"Do you think so? I'm getting it" I winked as a response.
----------------------------------------------
COLLEGE NIGHT PARTY AT XYZ COLLEGE 20--
Time check: 8:29pm

Nagmamadali ako'ng pumunta ng CR dahil sa sobrang naiihi na ako. Paglabas ko ng CR ay bumungad sa'kin ang napakaraming tao sa gym. Hindi na ito ang simpleng gym na nadadaanan namin everyday. It was organized very well. Very classy ang dating. May nagkukuwentuhan sa isang banda, nagtatawanan, simpleng nag-uusap, kumakain, umiinom, nagzu-zumba. Ay teka, paki-erase nu'ng nagzuzumba. Namalik-mata lang pala ako. Hehe.

Si Shiela at Kristen, ayun, sumasayaw kasama ang iba pa'ng batchmates namin.

All of the people were enjoying.

Well, except for me. I'm really not enjoying. Matatapos nalang ang party ay hindi ko pa nakikita ang bulto ni Daniel. Ito ba yung date na sinasabi niya? Tssss.

Lumabas muna ako ng gym para mag-unwind. I sat in a large bench du'n sa mini garden slash forest ng school. Madilim na pero maraming naka-design na ilaw around the school in the purpose of the event kaya ok lang.

Teka. Parang may naupuan ako. I peeked. Crumpled paper? I opened and read what's inside.

"Go straight to soccer field. -Mr. SOL"

Ano na naman kayang pangjojoketime ito? I can't deny the fact, but I smiled by the thought of him.

Lumakad na ako papuntang field. Medyo natakot ako kasi wala ako'ng makita. Ang dilim.

"Aray!" natapilok at natumba ako dahil hindi ko namalayang may malaking kahoy na pala sa nilalakaran ko. I was in an uncomfortable state when suddenly came the lights.

Colorful lights.

Wow.

Nakita ko'ng naka-formal outfit si Daniel at nakatayo hindi masyadong malayo mula sa akin. All the trees around me have colorful lights attached to them.

Shet! Parang nasa pelikula lang ang peg ko ngayon.

Bigla ako'ng napatayo at inayos-ayos pa ang suot ko. Nagmukha tuloy ako'ng tomboy. -_-

Sabay naming nilapitan ang isa't isa. I sweetly smiled at him.

"Ano'ng ipinapahiwatig ng ngiting yan? Is it a yes?"

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon