26;

1.1K 51 3
                                    


SEULGI's POV

Bait ko talaga, iniwan ko si Irene noona at V para makapagusap sila. Kotang kota ako last week kaya sila naman tutulungan ko. Syempre pag kay Jimin tutulungan ko rin sarili ko. Well, goodluck na lang sakin.

JUNGKOOK's POV

"Jungkook! Jungkook!" Tawag sakin ni Yeri, nagkakausap na kami ng normal at walang awkward kaysa dati nung pagkakakilala pa lang namin. But, the fact na may gusto ako sakanya, ginagawa ko lahat para di niya mahalata at para di niya malaman. Lagot ako kay Rapmon hyung at sa iba pag nalaman nila, maknae pa naman din ako.

"Oh?" Medyo masungit kong sagot para hindi halatang natutuwa.

"Galit ka?" Ughh, ang cute mo masyado kung magagalit ako sayo. Next week mas magkakalapit kami kasi dance line din ako. Matuturuan ko siya sa mga steps na di niya magegets. Hahaha.

"Hindi." Balik sa normal tone ko.

"Ah, kasi pupunta daw tayo bukas sa grocery kasama si Wendy noona." Ha? Pano pag nakita kami?

"Hindi ba tayo makikita ng fans?" Tanong ko.

"Sa supermarket tayo dito malapit sa bahay, yung paglabas tanaw muna, saglit lang naman. Nauubusan na kasi daw tayo ng fruits atsaka kailangan na ng eggs.Si Wendy noona kasi magaling pag sa ganun." Pag eexplain niya.

Nandito kasi kami sa living room (1st floor) dahil kumain kami ng breakfast. Nandito kami lahat except kay V hyung, Irene noona, at Wendy noona, alam ko kasi umakyat si V hyung hinahanap sila. Ewan ko kung bakit.

"Sure sure. Pero bakit ako?" Pwede naman sila Jimin hyung.

"Sabi kasi ni manager nim ikaw daw atsaka ako samahan daw natin si Wendy noona, hindi ko alam kung bakit." Ahhh. Si manager nim pala nagsabi.

"Ah sige." Tipid kong sagot.

"Saan kayo pupunta?" Singit ni Jhope hyung, kahit kailan talaga.

"Sa grocery oppa." Si Joy naman sumagot.

"Sama ko!" Wait...

Pag sumama si Jhope hyung, pwede ko sila pagsamahin ni Wendy noona tutal friends naman sila! tapos, ako at si Yeri!

Yes! Good idea Jungkook! Golden maknae ka talaga!

"Sige hyung! Sama ka! Ako na bahala kay manager nim!" Ngiting ngiti ko sinabi yan, hindi naman nagtaka si Jhope hyung at dahil nasa isip niya na gusto ko lang siya makasama.

"Okay lang ba?" Tanong ko kay Joy.

"Oo naman!" Nag smile naman siya.

"Sige sasabihin ko na kay Wendy noona ah! Akyatin ko lang." Nag okay naman ako.

Yess! I can't wait for tomorrow! Baka di ako makatulog mamayang gabi.

-
Is your ship sailing??

idols ⇝ btsvelvetWhere stories live. Discover now