29;

952 44 1
                                    


YERI's POV

To: Joy unnie
Masaya unnie. M A S A Y A.

Bakit ganyan reply ko kay unnie?

Paano ba naman di ako sasaya eh kasama ko lang naman si Jungkook.

TAKE NOTE. KAMING DALAWA LANG. Bakit? Na assign kasi kaming dalawa sa mga snacks like chips, at sila Wendy unnie naman at Jhope oppa sa mga meats and such.

Kasama namin si Manager-nim kaso hinatid lang kami dito at babalikan na lang pag tapos na kami mamili.
Pupunta muna daw kasi siya sa SmEnt.

"Yeri, sa chocolate muna tayo bumili." Yep. Si Jungkook ang kausap ko.

"Sure. Tapos after chips section tayo." Nag okay siya then pumunta kami doon.

Konti lang tao sa grocery. Baka nga anim lang kami ditong namimili kaya kahit di kami mag disguise ng over, di kami makikilala. Mga naka shades at cap lang naman kami.

"Uyy, tignan mo yung dalawa. Artista ba yun? Baka may date." Sabi ng dalawang babaeng nasa likod namin.

Date? Hahaha. Mukha ba kaming nag dadate? Kakilig naman. Baka pag uwi ko may dating scandal agad. Joke lang!

"Kuha na lang tayo ng mga gusto nila." Sabi ko sakanya. Kumuha naman siya ng gusto nila oppa at ako naman kayla unnie.

Kinuha ko ng maraming chocolate si Wendy unnie. Mahilig mag bake yun eh. Masabi nga mamaya na mag bake siya namimiss ko na eh.

Si Jungkook naman tila isang basket ang kinuhang chocolates. Ang dami.

"Ang dami naman niyan." Sabi ko.

"Ganito talaga kami. Mahilig kami sa chocolate. Lalo na ako." Ohh. So alam ko na ireregalo ko hahaha.

"Okay. Tara na sa chips section." Yaya ko.

Nakadating agad kami doon kasi magkatabi lang sila ng chocolate section.

This time mas madami naman nakuha ko kaysa sakanya. So kami ang malakas sa chips sila sa chocolate? Hahaha.

"Ano pa ba kulang?" Iniisip ko mabuti. Mga candies? Di naman kami mahilig doon eh. Pero sige.

"Sa mga candy tayo Jungkook." Sumunod naman siya sakin.

Kumuha lang kami ng konting candies and gummies.

"Okay na yan. Text ko na si Wendy unnie na tapos na tayo para mapuntahan natin sila." Kukunin ko na sana yung phone ko ng biglang hinawakan ni Jungkook yung kamay ko.

"Yeri. Iwan natin sakanila to. Sila na bahala. Kain tayo sa labas? Libre kita." What!? Niyayaya ba niya ako sa after grocery date?

"Ha? Pa-paano sila unnie at oppa?" Sagot ko.

"Kaya na ni Jhope hyung yan. Kasama naman nila si Manager-nim." Hindi ko alam kung ano isasagot ko.

"Si-sige na nga." Ngumiti siya. Yung ngiting sobrang pogi. Jusko wag ka ganyan Jungkook!

Tinext ko si Wendy unnie. Nakipag kita kami sakanya at sinabi ni Jungkook na kakain lang kami.

Pumayag naman yung dalawa at nakangiti si Wendy unnie. Good mood ah. Buti pinayagan ako hahaha.

Iniwan na namin yung napamili namin at umalis na kami.

Hihihi saan kaya kami next pupunta??

-
sweet naman po ng jungri

idols ⇝ btsvelvetWhere stories live. Discover now