PROLOGUE

58 15 1
                                    

PROLOGUE

["Where are you na ba Samantha Rachel? I'm so naiinip na dito sa park ha!"] napa irap ako sa sigaw ni Althea.

"Gosh Althea! Saglit lang, okay?" sabi ko. Nag-paalam na ako sa boss ko at lumabas ng bakeshop.

["Tss. Whatever! Make it fast girl kanina pa may tumitingin na guy sa akin."] she said. Nagmadali naman akong pumara ng trycicle.

"Okay ito na! Ibaba ko na at sasakay na ako ng trycicle. Bye!" hindi ko na hinintay ang sagot niya at binaba ang tawag.

"Manong sa Greenland park lang po." tumango ang driver sa akin. Pumasok na ako sa loob at pinaandar na niya ito.

Nakarating ako sa Greenland park at nilibot ang tingin para hanapin ang aking kaibigan. Nakita ko siyang naka-upo sa bench doon at salubong ang kilay. Natatawang nilapitan ko siya.

"At bakit naman nakakunot ang noo mo riyan!" tinapik ko ito. Agad siyang napatalon sa kaniyang inuupuan.

"What the hell! Oh my God Sara! Bakit ka ba nang gugulat?! Muntik na akong atakihin sa heart!" sigaw niya at napahawak sa dibdib. Tumawa naman ako ng malakas.

"Pasensiya," umupo ako sa tabi niya at inirapan niya pa ako. "Ano ba kasi 'yang importante mong sasabihin? Hindi ba puwedeng i-text na lang?" buntong hininga ko.

"Duh! Of course, no. Bakit parang feel ko you don't want me na kasama mo." nag pout pa ito. Natawa ako sa ginawa niya.

"Para kang baliw." natatawang sabi ko. Mas lalo siyang ngumuso.

"Ayan ganiyan ka e!" nagtatampong aniya.

Tumawa ko, "Okay hindi na. So, ano nga 'yong sasabihin mo?" tanong ko ulit. Umayos siya ng upo at nilahad sa akin ang kamay. Nangunit ang noo ko at napairap siya.

"Bakit?" takang tanong ko.

"Give me your phone." ismid na sabi niya. Taka naman akong binigay ang phone sa kaniya. Gagawin nito?

"Anong gagawin mo?"

"Shh. Huwag maingay, malalaman mo rin mamaya." sabi jiya at may kinalikot sa phone ko. Binalik niya agad sa akin ng matapos.

"Ayan! Open mo na dali!" masayang sabi niya. Ang weird talaga ng babaeng ito!

"Ano ang bubuksan ko?" sabi ko. "Ano bang ginawa mo sa phone ko?"

"Nag-download," kibit balikat niya. Download?

"Download? Download ng ano?" takang tanong ko. Tinuro niya ang isang app na nadagdag sa phone ko.

"Ayan!" ngising sabi niya. Nagtataka ko siyang tiningnan.

"Ano na naman 'to, Althea? Anong gagawin ko sa app na ito?"

Umirap siya, "Kakainin mo ata." sinamaan ko naman siya ng tingin. "Malamang gagamitin mo! My God Sara!"

"Malay ko ba sa 'yo." ismid na sabi ko. Binuksan ko na kang ang app na iyon. "Ano ba kasi ito?" inis na tanong ko.

"Just open it okay?" sabi naman ni Althea.

Isa itong color red and black na app. Bumungad sa akin ang logo na letter "F" na may heart sa dulo. Ang pangalan ng app ay "Finding Love" app. Ang cute! Pero ano ba ito?

"Welcome," basa ko sa nakasulat.

At nang bumukas ay nakita kong may kailangan na fill up-an, at may...bayad?

"Ha? May bayad? Bakit may bayad ang app na ito?" taka ko siyang tiningnan. "At saka wala akong pera, Althea!" sabi ko.

Inirapan niya ako. "Subscription 'yan! At saka hindi naman ikaw ang magbabayad kung 'di ako!"

"Hay nako ano ba kasi ito? Magsasayang lang tayo ng pera dito." naiiling na sambit ko.

"Just make your account, okay? Daming say naman nito, ako na nga ang magbabayad ng subscription niya e." naiinis na saad niya. Aba't!

"Wow, kasalanan ko pa talaga?!" laglag ang pangang sabi ko.

"Wala akong sinabi." kibit balikat niya. "Ay mag log in ka na!"

Ginawa ko na lang ang sinabi niya. Nilagay ko ang pangalan ko pero tanging "Sara" lang ang nilagay ko. Taka pa rin ako sa app na ito. At nang matapos ay nilagay ni Althea ang account niya doon sa may nakasulat na subscription. One thousand din ang subscription kaya nanghihinayang talaga ako.

"Dapat binigay mo na lang sa akin 'yang 1k." bulong ko.

"Hindi money ang ibibigay ko sa'yo girl." naka-ngisi ito ng malaki.

"Ano ba kasi 'to? Anong gagawin ko dito?" nabu-bwiset na tanong ko. Humagalpak na ng tawa si Althea.

"Dating app!" masayang sabi niya. Nanlaki ang mga mata ko at nalaglag ang panga.

What the f?

"Dating app?! Ano man ang gagawin dito?!" no. It's a big NO! Hindi ako gagamit nito!

Sabi ko na nga ba't kalokohan na naman ito.

"Kakainin nga yata." ismid niya. "Malamang maghahanap ng puwede mong maging kausap! Para naman magka-love life ka na girl! Naaawa na ako sa love life mo!" umirap ito sa akin.

"Pati buhay ko naman pinakekealaman mo." pag iling ko.

"Aish! Basta gagamitin mo 'yan, okay?" sabi niya ng seryoso.

"At kung hindi ko gagamitin?" panghahamon ko.

"Edi... Hindi na kita papansinin kahit suyuin mo pa ako!" aniya na ikinatawa ko ng malakas. Napanguso naman siya.

"Hindi mo kaya 'yon, Althea." ani ko.

"Kaya ko! At saka sasabihin ko kay Tita na gumawa na ako ng paraan." ngisi niya.

"Alam ni Mama 'to?" gulat kong tanong. Ngumisi lang ang gaga. Napapa-iling na lang ako at wala ng nagawa pa.

Well, I guess I will try this?

Finding Love Series #6: The Swipe Of FateWhere stories live. Discover now