Chapter 16

4 2 4
                                    

Nagising ako nang maramdaman ang sikat ng araw sa aking mukha. Dahan dahan ang ginawa kong pagmulat. Agad akong napangiwi nang ako ay bumangon.

"Ang sakit ng ulo ko." hawak ko ang aking ulo.

Inilibot ko ang aking mata sa hindi pamilyar na kuwarto. Agad nanlaki ang dalawa kong mata nang marealize na hindi ito ang bahay namin.

"Na saan ako?" gulat kong tanong at mabilis pa sa alas kuwatro na tumayo sa kinahihigaan.

Agad akong lumabas sa kuwartong iyon at naabutan ang aking kaibigan na nasa sofa at naka-upo habang hawak ang kaniyang ulo.

"Shit! My head hurts!" inis nitong sigaw. Tumikim ako kaya napatingin siya sa akin.

"Good morning." bati ko at ngumiti.

Ngumiti siya pabalik at bumati. "Morning."

"Masakit din ulo mo?" tanong ko dahil nakahawak pa siya sa ulo.

"Yeah," tumango siya. "Do you know how to cook soup?" tanong niya at napa-iling nang biglang may naalala. "Why would I ask you that stupid question, anyway? You're a cook nga pala."

Natawa kaming pareho sa sinabi niya. Tumango ako at tumungo sa kusina na tinuro niya. Nag hanap agad ako ng puwedeng iluto. Nakakita ako ng macaroni kaya napagpasiyahan kong magluto na lang ng sopas.

Nagsimula akong maghiwa ng mga dapat kong ilalagay sa sopas. Nang makarinig ako ng ingay agad akong napa-angat ng tingin. Nakita ko naman si Nicolette na bagong gising at hawak din ang ulo.

"Good morning," bati niya at tumungo sa ref para kumuha ng tubig.

"Good morning." ngumiti ako at tinuloy ang ginagawa. Pumasok din sa kusina ang iba at hinayaan ko na lang at tumutok sa ginagawa.

Nang matapos akong magluto ay nagsandok na ako at tinawag sila upang makakain.

"Wow! You can cook?" gulat na tanong ni Lian. Binatukan naman siya ni Keisha. "Ouch!" masama nitong tiningnan si Keisha.

"Of course she can. You can see it already." pa irap na sabi ni Kiesha.

"Damn. You guys are so noisy." napatingin kami sa bagong pasok na si Xhiana. "Fucking head." malutong na mura nito at hawak ang ulo.

"Can you guys stop cursing?" iritang sabi ni Althea. "Let's just eat before the soup gets cold." na una na siyang umupo.

Na upo na rin kaming lahat at sabay-sabay na kumain.

"Wow! You cook so well!" ani Jaize. Nahihiya naman akong ngumiti.

"Thank you,"

"This is so delicious!" si Slace.

Natapos kaming kumain at hindi na ako pinaghugas ni Althea dahil si Nicolette na ang gumawa nito.

Hinatid naman agad ako ni Althea sa bahay pagkatapos namin kumain sa condo niya. Oo, condo niya pala iyon. Hindi nga namin alam kung paano kami naka-uwi. Pero ang sabi ni Nicolette may kasama raw siyang naghatid sa amin. Hindi ko na lang tinanong kung sino. Ang mahalaga ay walang nangyari at safe ako.

Naalala ko pa rin 'yung nangyari sa bar pero mas pinili ko na lang na kalimutan ito.

Hindi naman ako hinahanap ni Nanay dahil nagsabi naman daw pala kagabi si Althea sa kaniya. Nandito ako ngayon sa shop ni ate Rica at nagbabantay.

"Pasok mo na ulit bukas 'di ba?" pagtatanong ni ate Rica, tumango naman ako.

"Oo ate. Baka siguro tuwing weekends na lang ako makakapunta rito. Dahil paniguradong magiging busy na ako ngayong semester." sabi ko kay ate. Tumango ito sa akin at sinabing na iintindihan niya ito.

Napabuntong hininga ako.

Kaialngan kong tutukan muna ang pag-aaral ko dahil ilang buwan na lang ay nasa pang-apat na taon na ako sa kolehiyo.

Napag-usapan namin ni ate Rica na pumunta na lang ako kung maaga akong makaka-uwi galing sa school o kaya naman tuwing sabado at linggo na lang ako papasok sa trabaho. Ayaw pa ni ate Rica dahil gusto niyang sa weekdays ko ay pag-aaral lang muna ang iisipin ko.

Alas otso nang maka-uwi ako sa bahay. Naabutan ko si Mama na nagluluto sa kusina. Wala pa ang kapatid ko kaya naman nagtaka ako.

Na saan ang batang iyon?

"Ma, nandito na po ako." bungad ko sa kaniya. Nilingon niya ako at nginitian. "Na saan po si Neixsan?" tukoy ko sa nakababatang kapatid na si Netnet.

"Ay! Nandoon siya sa kaniyang kaibigan! Mamaya pa raw ang uwi niya at ihahatid naman daw siya ng mga ito." ani Mama at iniwan ang niluluto bago lumapit sa akin at niyakap ako. "Sige na, magpalit ka na muna ng damit mo. Malapit nang maluto ang niluluto kong pagkain. Ma una na tayong kumain." Tumango ako sa sinabi ni Mama.

Pumasok ako sa loob ng kuwarto namin ni Mama at nagbihis ng pangtulog. Matutulog na ako kapag naka-uwi na si Neixsan. Nang lumabas ako ng kuwarto ay sakto namang dinig ko sa pagbukas ng aming gate. Dumiretso ako sa pintuan para tingnan kung sino ito.

Pumasok si Neixsan at sinasarado na ang gate. Ngumiti ito sa akin nang makita akong nakatayo sa may pintuan.

"Saan ka galing?" bungad na tanong ko. May tinuro siyang bahay na hindi kalayuan.

"Doon lang ate sa bahay ng kaibigan ko." sabi niya sa akin at lumapit para humalik sa pisngi ko.

Tumango na lang ako at na unang pumasok at pumunta sa kusina. Na upo na kaming tatlo at nagdasal bago simulang kumain.

"Kamusta ang pag-aaral mo?" tanong ko kay Neixsan.

"Okay naman ate. May kailangan kami na bilhin pero okay na dahil may pera naman na akong pambili." ngumiti siya at sumubo. Pinanliitan ko siya ng mata at tinuloy na lang ang pagkain.

Nang matapos kami ay ako na ang nagpresintang maghugas ng aming pinagkainan. Nasa kuwarto na si Mama at nagpapahinga. Ganon din naman si Neixsan na nasa kuwarto na rin niya.

Pumasok ako sa kuwarto namin ni Mama nang matapos akong maghugas. Kinuha ko ang aking bag at kinuha ang aking wallet. Kumuha ako ng dalawang libo at inayos ko ulit ang bag ko.

Pang bili ko ito ng gagamitin ko sanang damit pang pasok pero mas kailangan ng kapatid ko ngayon ng pera.

"Neixsan?" kinatok ko ang pinto ng kaniyang kuwarto. Agad namang bumukas ito.

"Bakit ate?" takang tanong ng kapatid ko. Nginitian ko siya at inabot ang dalawang libo.

"Alam kong wala kang perang nakatago. Hindi mo mapagsisinungalingan si ate." kinuha ko ang kamay niya at nilapag ang pera. "Huwag na huwag kang mahihiyang manghingi ng pera kapag kailangan mo ito. Kaya nga ako nagtatrabaho para sa pambili ng mga kailangan natin, hindi ba?" malumanay kong sabi.

"A-Ate paano?" hindi na niya natuloy ang sasabihin at niyakap ako. "Salamat ate." Niyakap ko siya pabalik.

"Magsabi ka kung kulang pa iyan ha? Magsabi ka rin ng totoo kapag kailangan mo ng pera pambili ng mga kailangan mo sa school." Tumango ito. "Huwag ka na ulit magsisinungaling sa harapan ni Mama, hindi iyan ang tinuro niya sa atin." Tumango naman siyang muli at bumitiw na sa yakap.

"Salamat, ate. Pero malaki itong binigay mo. Limang daan lang naman ang kailangan ko." aniya sa mahinang boses.

"Para sa iyo ang sobra. Allowance mo iyang buong linggo. Sabihin mo na lang kapag na ubos at bibigyan pa kita." ngumiti ako sa kaniya. "O, siya, matulog ka na. May pasok pa tayong pareho bukas. Good night." humalik ako sa kaniyang noo.

"Good night ate."

Finding Love Series #6: The Swipe Of FateWhere stories live. Discover now