CHAPTER 2
Kinabukasan ay nagising ako dahil sa pag gising ni nanay sa akin.
"Anak gising ka na at ng makapag-almusal ka na." bumangon ako sa pagkakahiga at kinusot ang mata.
Nang makamulat na ng tuluyan ay nagulat ako dahil nakita kong nakapang-alis na damit si nanay.
"Saan po ang punta mo, Ma?" agad kong tanong.
"May lalakaran lang ako 'nak, isasama ko si Netnet." sabi ni nanay. Kumunot ang noo ko pero sa huli ay tumango.
Bumangon na ako at nag-ayos ng sarili. Inilipgpit ko na rin ang hinigaan namin at lumabas ng kuwarto para kumain. Naabutan ko pa sila Nanay at Netnet na palabas ng bahay.
"Mag-iingat po kayo, Nay. Netnet ikaw na ang bahala kay nanay." bilin ko bago sila tuluyang maka-alis.
Tumingin ako sa orasan na nasa taas at nakitang alas siete pa lang ng umaga. Mamayang alas nuwebe ako papasok kaya naman ay nag-asikaso na ako. Pagkatapos kumain ay naligo ako kaagad at nagbihis ng isang floral na dress na kulay puti. Sinuot ko rin ang regalo sa akin ni nanay na puting flat sandals na may design na bulaklak sa harapan.
Ang aking buhok ay itinali ko ng pa-messy bun at nilaglag ang bangs na ngayon ay hanggang baba na ng aking kilay. Gumamit din ako ng polbos at nang matapos ay nagdesisyon na lumakad na. Isinarado ko na ang aming pintuan at maliit na gate bago lumakad papunta sa sakayan.
Nasa sakayan na ako ng jeep nang may tumabi sa akin na isang babae. Mukhang hindi siya sanay sa lugar na ganito dahil sa galawan at suot niyang mamahaling damit. Maputi ito at may maikli at kulot na buhok. Matangkad siya at makinis ang balat, kulay grey naman ang mata niya. Napaka-amo ng kaniyang mukha pero parang masungit siyang tingnan.
"Argh! How ba kasi sumakay here? I don't know pa naman kung how mag-commute!" narinig ko ang inis niyang bulong.
Tumikhim ako kaya napatingin siya sa akin. Ngumiti ako sa kaniya at ginantihan naman niya ito.
"Uhm, may maitutulong po ba ako?" tanong ko. Nanlaki ang kaniyang abo na mata at napatakip sa bibig.
"Gosh you're my life saver!" lumapit siya sa akin at bigla akong niyakap. Nagulat naman ako sa ginawa niya, parang natauhan siya na binitawan ako.
"I'm sorry!" hingi niya ng tawad. "Thank you!"
"Saan po ba ang punta mo?" tanong ko.
"Oh, do I look old na ba?" nakasimangot niyang tanong. Nanlaki naman agad ang mata ko at napa-iling.
"Hala hindi po! Mukha nga po kayong bata e!" natataranta kong sabi.
"Just kidding! Anyways my name is Althea Celeste, but you can call me Althea." inilahad niya ang kamay sa akin. "And you are?" tanong nito.
"Samantha Rachel, pero Sara na lang." nakipagkamayan ako sa kaniya at ngumiti. "Hindi mo pa pala sinasagot ang tanong ko kaganina."
"Oh right! I'm going to this place, alam mo kung saan ito?" ipinakita niya sa akin ang address na nakalagay sa kaniyang cellphone.
Octavious Legacy, Cruzville Compound, Metro Manila City.
"Yes alam ko po 'yan. Gusto mo ay sabay na tayo? Diyan din ako dadaan patungo sa trabaho ko." suhestiyon ko sa kaniya. Mabilis naman siyang tumango.
"Oh my ghod! Really? Thank you so much your such an angel!" natawa ako sa sinabi niya. Nagpara siya ng taxi kaya naman napalunok ako.
Mukhang mapapagastos ako ng mahal ngayon ah?
YOU ARE READING
Finding Love Series #6: The Swipe Of Fate
RomantikAs they create their profiles, swipe through countless potential matches, and engage in captivating conversations, our characters uncover not only the intricacies of online dating but also the complexities of their own hearts. Each episode delves in...