CHAPTER 1
Unang araw ng Agosto, narito ako ngayon sa harap ng isang bakeshop upang mag-apply bilang trabahante. Sabado ngayon kaya naman ay nagpasiya akong maghanap ng pansamantalang trabaho.
Ang aking kapatid na bunso at si Mama na lang ang kasama ko sa buhay. Namatay ang aming ama noong kami ay bata pa lamang. Labin walong taong gulang pa lang ako noon at ang bunso kong kapatid ay apat na taon nang mamatay ito. Dahil sa malubha niyang sakit at dahil wala kaming perang pampagamot ay hindi na nadala si tatay sa ospital.
Bata pa lamang ay pangarap ko na ang maging isang pastry chef. Gustong-gusto ko talaga ang magluto ng mga tinapay o kaya naman ay gumawa ng cake. Ang kaso nga lang ay dahil sa kahirapan ay hindi ko natapos ang aking kolehiyo. Nasa ikalawang taon na ako sa kolehiyo ng pastry course nang ako'y huminto dahil sa kakulangan sa pera.
"Magandang umaga po!" pagbati ko sa may-ari. "Naghahanap pa po ba kayo ng trabahante dito?" tanong ko.
"Ay po neng kailangan ko pa ng taga luto ng tinapay." sabi nito. Napangiti ako.
"Balak ko po sanang pumasok bilang tagaluto." ani ko at ngumiti.
Nanliit ang mata nito sa akin at tumaas ang kilay. "Ikaw ba ay marunong sa pagluto ng tinapay? Nag-aaral ka ba ngayon?" sunod-sunod na tanong niya.
"Opo, marunong po akong magluto dahil iyon po ang kinuha kong kurso. At sa huli niyo pong tanong ay hindi na po, nagtigil po ako sa pag-aaral ngayon." mahinhing saad ko at maliit na ngumiti.
Tumango ito, "Kailangan ko munang matikman ang luto mo. At kung pasado ay puwede kang magsimula kung kailan mo gusto." aniya. Agad akong napatango.
"Masisiguro ko pong masasarapan ka sa aking lulutuing mga tinapay ma'am!" masayang sabi ko.
"O siya halika sa loob at nang maka-simula ka na." tumalikod ito at naglakad papasok sa loob ng bakery. Sinundan ko naman siya at agad namangha sa loob nito.
Ang ganda ng pagkaka-ayos ng mga gamit at ang concept ng paligid. Huminto ang may-ari sa malaking lamesa, hindi ito karaniwang lamesa dahil ito ay stainless.
"Puwede ka nang magsimula sa iyong gagawin. Nandito ang mga gagamitin mo, kumpleto na ang lahat ng iyan kaya wala ka nang problema." saad pa nito at tinuro ang mga gamit.
Huminga ako ng malalim at tinali ang aking buhok bago naglagay ng hairnet. Naghugas rin ako ng kamay bago magsimula sa paggawa ng tinapay. Ang may-ari na si ate Rica ay nakatayo at pinapanood ako sa aking ginagaaa. Bagaman kinakabahan ay nagseryoso ako at tinuon ang atensiyon sa ginagawa ko.
At nang matapos ako sa paggawa ay nilagay ko na ito sa malaking lutuan upang maisalang na. Naghintay kami ng 30 minutes para maluto ito. Kumuha ako ng potholder at inalis ang lutong tinapay sa malaking lutuan. Inilapag ko ito sa malaking lamesa at hinintay na lumamig, at nang okay na ay kumuha ako ng isa at nilagay sa maliit na platito.
Tumingin ako kay ate Rica at inabot sa kaniya ang platito na may lamang tinapay. Seryoso ang mukha nito kaya mas lalo akong kinabahan. Pero alam ko naman sa sarili ko na maayos kong nagawa kaya medyo napanatag ang loob ko. Kaso ay muli akong kinabahan dahil sinimulan na ni ate Rica na tikman ang luto ko.
Tahimik lamang siyang kumakain at walang pinagbago ang hitsura, seryoso pa rin ito. Napahinga ako ng malalim pagkatapos nitong kumain. Ipinagdadasal ko na sana ay pasok ito sa panlasa niya. Pumikit ako ng mariin at tila huminto ang mundo ko nang marinig ang sinabi ni ate Rica.
YOU ARE READING
Finding Love Series #6: The Swipe Of Fate
RomanceAs they create their profiles, swipe through countless potential matches, and engage in captivating conversations, our characters uncover not only the intricacies of online dating but also the complexities of their own hearts. Each episode delves in...