Alias and I have been friends two months ago. I found out that he is Ate Rica's younger sibling. In two months that we have been friends I found out that he is a player! Gosh! Every week ay iba't-ibang babae ang nakakasama niya.
Talaga naman itong kaibigan ko! Porket guwapo siya ay iisa-isahin na niya ang mga babae!
"Ano naman ang pangalan nung babae kanina?" Iling kong tanong kay Alias. "Iba na naman 'yon ah? Lakas mo talaga."
"I don't know." pareho kaming natawa sa sagot niya. Nang marinig iyon ni Ate Rica ay agad siyang binatukan.
"Ikaw, kung ano-ano talaga ang ginagawa mo sa buhay! Kapag 'yang mga babae mo ay sumugod dito. Ay talaga lang, Alistair Askajel! Sinasabi ko sa iyo!" tinuro-turo pa niya si Alias.
"Calm down, Rica. That won't happen." ngising sagot ng loko. Hinampas naman siya ni Ate.
"Mas matanda ako sa'yo, gago!"
"That hurts!" lumapit sa akin si Alias at nag tago sa aking likuran. Tumawa ako sa ginawa niya at sinamaan naman niya ako ng tingin.
"Tigilan mo na kasi iyang pagiging babaero mo! Tatanda talaga sa'yo ng maaga si Ate."
Buong umaga nakasimangot si Alias dahil sa pinagtulungan namin siya ni Ate Rica. Habang kami naman ni Ate ay tuwang tuwa sa reaksiyon niya. Bawat sulyap kasi nito a amin ni Ate ay iniirapan niya kami.
Nang dumating ang lunch break ay sabay sabay kaming kumain na tatlo.
"Himala wala kang date ngayon?" ani ko.
"Tss." sumubo ito ng pagkain niya at hindi na nag salita.
"Baka wala pang mahanap na bagong babae." pang-aasar pa ni Ate.
Naging busy ulit kami sa trabaho. Kanina pa umalis si Alias pagkatapos naming kumaing tatlo. Inaasar pa nga siya ni ate na may date na naman itong pupuntahan.
Alas tres nang biglang may malakas na tumili pagkapasok ng shop. Nasa loob ako ng kusina dahil nagluluto at si ate naman ay ang nasa labas at nagbabantay.
Dali-dali akong lumabas nang marinig ang tili ng babae. Naabutan ko si Althia na tumatalon talon habang kayakap si Ate Rica. Napabuntong hininga na lang ako sa nakita.
"Akala ko kung ano na." bulong ko.
"Gosh! I've missed you, ate!" masayang sabi nito. "Kuya Alias told me that you are here. I thought you left the Philippines kasi e." she added.
"Why would I? You know that I have a business here, Althia." Ate Rica said.
"But-nevermind. Wait where is Sara? Is she still here?" Althia looked around until she saw me. Her smile grew bigger and she ran towards me. Tinalon ako nito ng yakap at mabuti na lamang ay pintuan ang nasa likod ko. Kung hindi ay matutumba kami!
"Pucha! Althia naman gusto mo yata akong patayin?" hindi na kasi ako makahinga sa sobrang higpit ng yakap niya.
"Oh shit, I'm sorry!" tumatawang aniya. Talagang masaya pa!
"Tagal mong nawala ah? Saang lupalop ka naman ng mundo napadpad?" may bahid ng tampo ang aking boses.
"Sorry na. I'll make kuwento later, okay?" She smile.
"Talagang mag kukuwento ka." sarkastikang ani ko.
Dahil sa pangungulit ni Althia kay Ate Rica na ako ay isasama niya ay wala na itong nagawa at pumayag na maaga akong mag-out sa trabaho.
"Oo na! Oo na! Lintek, umalis ka na at ang ingay mo. Nabubugaw ang mga kostumer ko rito!" pagtataboy ni ate sa nakasimangot na si Althia.
"Love you, Ate!" hinila na ako ni Althia palabas ng shop.
YOU ARE READING
Finding Love Series #6: The Swipe Of Fate
RomanceAs they create their profiles, swipe through countless potential matches, and engage in captivating conversations, our characters uncover not only the intricacies of online dating but also the complexities of their own hearts. Each episode delves in...