Isang linggo kaming namalagi sa isla na pinuntahan namin ni Althea. Mabuti na lang at may dalawang linggo kaming bakasyon. Ngayong araw, Lunes, ay pumasok akong muli sa trabaho.
"Why are you even here, you dummy?" papasok pa lang ako ng shop ni ate Rica nang marinig ko ang malakas niyang boses.
Oh! May bisita si Ate?
Upang makumpirma ay tuluyan na akong pumasok. May mga tao sa loob at kumakain, ang iba pa ay nagkakape. Ngumingiti at bumabati ako sa kanila na kanila namang sinusuklian.
"Good morning, Sara." pagbati ng paborito king kostumer.
"Good morning Chesca. Kamusta?" tanong ko.
"I'm good. And you?" she asked too.
I smile. "I am totally fine. Enjoy your breakfast. Mag-aasikaso na ako."
Tumango ito at nagpasalamat. Tumingin ako kay ate Rica na ngayo'y nasa counter. Binati namin ang isa't isa bago ako pumasok sa loob ng staff room.
Inilapag ko ang aking gamit sa table at kumuha ng malinis na apron. Ang kaninang nakalugay na buhok ay aking itinali ng mataas na messy bun. Tiningnan ko ang aking pigura sa body mirrot at ngumiti.
"Another day, another slay." I wink in the mirror.
Lumabas na ako at dumeretso sa counter. Inayos ko ang ibang gamit na nasa labas pa at nilagay iyon sa tamang lalagyan.
"Sara, palagay naman nito roon sa loob. Tapos ilabas mo na rin iyong lutong croissant." inabot sa akin ni ate Rica ang walang laman na tray.
"Sige po." kinuha ko ang tray at pumasok sa loob ng kusina.
Kinuha ko ang dalawang tray ng croissant at muling lumabas. Ibinigay ko ito kay ate Rica at nilagay niya ito sa lalagayan.
Patuloy na pumapasok ang mga kostumer at naging busy kami ni ate. Ang kaninang naka-upo na mga tao ay ngayo'y lumalabas na. Ganoon din si Chesca. Nagpaalam pa ito sa amin ni ate.
"Bye ate Rica! Bye Sara!" aniya.
"Bye Ches, sa uulitin." aniko.
Tumawa ito. "Palagi naman!" pati ako ay nahawa sa tawa niya.
"Ingat ka sa pagpasok!" pahabol ko bago siya makalabas.
"Sara pakibigay naman nito doon sa lalaki sa may gilid. Sa pangalawang table sa huli sa kaliwa." ani ate Rica at binigay sa akin ang tray na may lamang croissant at macchiato coffee.
"Sige po, ate." sambit ko.
Pumunta ako sa itinuro niyang table. Habang papalapit ako ay napansin kong naka-headphone ang lalaki. Kaya naman nang makalapit ako ay kinatok ko ang kaniyang table.
Umangat ang tingin niya sa akin. Napaginto pa ito at nalaglag ang kaniyang panga. Tumagal ang pagkakatunganga niya sa aking mukha kaya naging hindi ako kumportable.
Nahihiyang nginitian ko ito at nilapag ang kaniyang order.
"This is your order, sir." aniko pagkatapos ilapag. Tumikhim ito at nag-iwas ng tingin.
"T-Thank you." tumango ako at magalang na umalis.
Why do I feel like I know him? Weird.
Bumalik ako sa aking puwesto at muling naging abala sa mga tao. Naramdaman ko ang pag vibrate ng aking cellphone sa bulsa ng aking apron.
Inilabas ko ito at tiningnan. Nagulat ako nang makitang message iyon ni Alias!
Alias: Is that you?
YOU ARE READING
Finding Love Series #6: The Swipe Of Fate
RomanceAs they create their profiles, swipe through countless potential matches, and engage in captivating conversations, our characters uncover not only the intricacies of online dating but also the complexities of their own hearts. Each episode delves in...