Chapter 10

6 2 1
                                    

Lumipas ang ilang linggo at palagi ko nang nakakasama si Althea. Paminsan pa kasi ay tumatambay siya sa bakeshop ni Ate Rica. Atsaka ko lang din nalaman na pinsan pala ni Althea si Ate Rica.

"You're working here?" gulat na tanong ni Althea.

Sumama kasi siya sa akin ngayon dahil naabutan niya akong nag lalakad sa amin.

Tumango ako. "Oo, dito ako pumapasok." sagot ko naman.

At dahil sarado pa ang shop ay ginamit ko ang aking susi na bigay ni Ate at pumasok kami. At kalaunan ay pumasok din si ate Rica at doon ko nalaman na mag pinsan pala silang dalawa.

Simula nang araw na iyon ay palagi na si Althea tambay dito. May mga araw pa na tumutulong siya sa amin ni ate Rica. Kaya naman nagtataka ako kung bakit siya palaging na roon samantalang may pasok naman.

"Are you not studying, Althea?" one day I asked her because of curiosity.

"I have. Of course." she chuckled.

"Then why are you always here?" I asked. "Not that I don't want you here. Nagtataka lamang ako dahil palagi ka na dito."

Pabiro niya akong inirapan. "I'm just bored sa bahay. I don't have anything to do naman every time na uwian na namin."

"So you choose to stay here." hindi iyon patanong, kundi ay talagang sinabi ko dahil iyon ang totoo.

Biglang tumunog ang cellphone niya kaya kinuha niya iyon. Nagpapahinga ako dahil wala pa namang pumapasok na customer.

"Gosh! I need to go home na. Mommy texted me!" tumayo siya at hinalikan ako sa pisnge. "I'll see you later! Don't be late, please! Ate I'm going home now. Bye!" aniya ar tumakbo na palabas.

Pareho na lang kami ni ate Rica na napa-iling sa kakulitan niya. Palagi siyang ganiyan. Palaging full charge. Hindi ko nga matandaan kung kailan iyan siya na ubusan ng energy.

Linggo ngayon kaya half day lang ang pasok ko sa trabaho. Ganoon kasi ang napagkasunduan namin ni Ate. Para daw may time ako para sa aking pamilya. Pero ngayon ay may plano kami ni Althea na umalis.

Nagyaya siyang pumunta ng mall kagahapon. Hindi niya ako tinantanan hanggat hindi ako pumapayag.

Nang mag alas dose ay nagpaalam na ako kay ate Rica na uuwi na. Kagaya sa kaniyang nakasanayan ay pinagbalot niya ako ng mga tinapay at kung ano-ano pa.

"Salamat ate, mauuna na po ako." paalam ko.

"Ingat ka." ngiting saad niya at kumaway.

Lumakad ako sa sakayan ng tricycle at naabutan si Manong na palagi kong naaabutan.

"Pauwi ka na, Sara?" tanong ni Manong.

"Opo." magalang na sagot ko.

"O siya, sakto paalis na ako. Sakay ka na." aniya kaya tumango ako.

Sumakay ako sa loob ng tricycle. Ang dalawang pasahero ay nasa motor naka upo. Ako lamang ang nandito sa loob.

Unang bumaba ang dalawang pasahero. At nang ako na ang kasunod ay inayos ko na ang aking mga dala. Pagkababa ko ay inilapag ko muna ang tatlong paper bag na aking hawak at kinuha ang aking pitaka.

Inabutan ko si Manong ng 50 para sa bayad, kinuha ko naman ang sukli. Pero bago siya umalis ay binigyan ko muna siya ng dalawang tinapay.

Binuksan ko ang aming gate at pumasok.

"Ma nandito na po ako!" sigaw ko mula sa labas.

Agad bumukas ang pintuan namin at bumungad sa akin ang bagong gising kong kapatid. Nginitian ko siya. Lumapit kaagad siya sa akin at hinalikan ang aking pisnge bago ako tulungan sa aking mga dala.

Finding Love Series #6: The Swipe Of FateWhere stories live. Discover now