Chapter 17

10 3 13
                                    

Lunes na naman kaya may pasok na naman. Tanghali pa ang aking pasok kaya naman ay nang magising ako ng maaga ay tumulong ako kay Mama sa paglilinis ng bahay.

"Nga pala anak," napalingon ako kay Mama nang magsalita ito. Nakangisi ito sa akin na ikinataka ko. "Kamusta iyong sinusubukan mo?" dagdag pa niya.

"Po? Alin pong sinusubukan ko, Ma?" nag tatakang sabi ko.

"Ay sus, anak ano pa ba? Edi iyong sinabi ni Althea sa akin!" natutuwang sabi niya.

"Alin po?"

Tumawa si Mama ng malakas. "Iyong dating app ba iyon 'nak? Ay oo! Iyon nga!" Bigo ko siyang tiningnan.

Pati ba naman si Mama?

"Mama naman, e, alam niyo naman pong wala akong time sa ganiyan." buntong hininga kong saad. Kumunot ang noo niya pero hindi rin nagtagal dahil muli siyang ngumiti.

"Pero sinubukan mo naman, 'di ba?" puno ng pag-asa niyang tanong. Tumango na lamang ako. Napapalakpak siya kaya natawa ako.

"Oh ano naman ang nangyari? May naka-usap ka na ba? May natipuhan ka ba? Magkakaboyfriend ka na ba?" Nakangisi ito ng malaki habang hinihintay ang magiging sagot ko.

Bumuntong hininga ako. "Mama wala po, okay? May mga naka-usap na po ako..." huminto ako dahil sumagi sa isip kong muli iyong huli kong naka-usap. "Iyong isa po ay naging kaibigan ko na. Si Alias po. Wala pa po, hindi pa po ako magkakaroon ng kasintahan."

Napanguso si Mama at hindi na muling nagsalita. Palihim akong nagpasalamat dahil hindi na siya muling nagtanong pa.

Dumating ang alas onse at naghanda na ako para pumasok. I am just wearing a casual white floral dress and paired it in a white sandals. Anibersaryo ngayon ng aming school kaya naman ay puwedeng hindi kami magsuot ng uniform sa buong linggo.

Pagkatapos kong magpaalam kay Mama ay lumabas na ako ng bahay at ng gate 'tsaka lumakad upang maghintay ng jeep. Nakasakay naman kaagad ako, mabuti na lamang ay hindi puno ang jeep at kaka-onti lamang ang tao.

Nang makababa ako sa tapat mismo ng aming school ay agad akong lumakad papasok. Ang daming mga estudyante ang naglalakad din papasok. Lahat sila ay masaya at mahahalata mong excited dahil sa mga pinag-uusapan nila.

May iilan pa akong narinig na tila kinikilig dahil may binanggit silang pangalan na hindi ko na narinig.

Pagkapasok mo pa lang ay kita mo na agad ang kumpulang mga estudyante. Nasa mga stall ito at nagsasaya. May stall ng iba't-ibang puwedeng laruin. Katulad ng bola na ipapashoot sa balde at makakakuha ka ng premyo at iba pa. Nasa kanang bahagi iyon ng malaking ground ng school. Sa kaliwang bahagi naman ay iyong mga sa pang photography. May photobooth at kung ano-ano pang related sa photography. At mula sa kinatatayuan ko ay makikita sa gitnang bahagi ng ground ang paikot na stall ng mga pagkain. Paniguradong doon kami naka-assign dahil sa culinary ang aming kurso.

Naglakad na ako patungo sa gitna. May ilan pa akong nababangga dahil sa ligalig ng mga tao. Napapahinto nga ako minsan dahil nagtutulakan sila sa dinadaanan ko.

"Sorry miss!" Paghingi ng tawad ng isang lalaki noong muntikan na niya akong mabunggo.

"Okay lang po." Ngumiti ako at magalang na nagpaalam na aalis.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 27 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Finding Love Series #6: The Swipe Of FateWhere stories live. Discover now