Chapter 14

0 0 0
                                    

Friday nang sunduin ako ulit ni Althia sa shop ni Ate. Parang alam na iyon ni Ate dahil nang makarating si Althea sa shop ay agad niya kaming binigyan ng pagkain.

"Saang lugar mo na naman ako dadalhin?" panimula ko.

"Diyan lang." sabay naming sabi at parehong natawa. Sa ilang beses niya akong tinakas ay alam ko na agad ang magiging sagot niya sa tanong ko.

"Ibalik mo ako ng Linggo ha? May pasok ako ng Monday ng tanghali." ani ko at tuluyang sumama.

"Baka you will sleep again ha. We can't bring the car with us." she said. Kumunot ang noo ko.

"Don't tell me?" sinamaan ko siya ng tingin dahil ngumisi ito.

At tama ang hinala ko na hindi nga kami mag la-land tour. Sasakay kaming eroplano! At hindi lang basta eroplano dahil private airplane niya ito.

"Damn. Gaano ka ba kayaman?" bigla na lang bulong ko. Tinawanan niya lamang ako.

"Not me. It's my parents." she winked.

May kasama kaming lima ulit na bodyguard pero bukod naman iyon. Kasama ulit namin si Manang at ang isang katulong. Iginaya kami nito sa loob ng eroplano.

Kagaya sa mga nag daang mga araw na umaalis kami ay namangha muli ako. Ang ganda! Puwede nang gawing bahay ito sa sobrang ganda!

"First time?" manghang tanong ni Althia nang makita ang hitsura ko na napapalunok na.

Tumango ako. "Oo." sagot ko.

Naramdaman ko ang paghawak niya sa akin kamay. Mahigpit iyon.

"Don't worry, you are with me." She smile. I know, Althia. I trust you.

Para akong masusuka nang tumaas na ang harapan ng eroplano at unti-unting umaangat. Napakapit ako ng mahigpit kay Althia. Nakampante lamang ako nang nasa himpapawid na kami.

"You look like you're gonna make suka." tinawanan ako nito.

Talagang tuwang-tuwa pa siya ha? Para na nga akong mamamatay oh! Tapos natutuwa pa!

Initapan ko na lang siya at napangiti. I am so thankful to Althia. Hindi ko kasi mararanasan ang mga ganitong bagay kung hindi dahil sa kaniya.

"By the way! You told me that you already used your app two times right?" She blurted out.

I nod. "Uh. Oo. Bakit?"

"Well, about the app. You can only use it thrice. So you only have one chance left."

"Paano kapag na ubos iyong chance ko?" I asked, curiously.

"You're gonna pay for it to have another three chances." napatango ako sa sinabi niya. "Let's use it later when we land!" she's excited, I can hear it in her voice.

"Okay," I shrugged.

Mahigit dalawang oras ay naka land na rin ang eroplano. Agad na may sumalubong sa aming dalawang itim na van. Sumakay kami ni Althia sa unang van at ang pangalawang van ay naka sunod lamang sa amin.

Nandito kami ngayon sa Palawan. Hindi ko alam kung anong pupuntahan namin ni Althia rito.

Hinatid kami ng kaniyang bodyguard sa five star hotel. Agad kaming sinalubong doon ng mga tao. Mukhang kilala si Althia rito dahil agad kaming hinatid ng bell boy sa aming kuwarto.

"Hay, kapagod." binagsak ko ang aking katawan sa napakalambot na kama.

"I'll take a shower first. You can arrange your clothes in those cabinets." Tinuro ni Althea ang isang malaking kabinet. Tumango ako at tumayo para kunin ang dalang maleta.

Pumasok na si Althia sa bathroom at ako naman ay nag simulang mag ayos ng mga gamit at nilagay sa kabinet. Malaki ito kaya ang kinuha kong puwesto ay ang nasa kaliwa. Nang maayos ay kumuha lang ako ng isang racer back at itim na skirt. Iyon ang susuotin ko dahil bababa pa kami upang mag dinner.

Lumabas si Althia galing sa bathroom makalipas ang isa't kalahating oras. Ako naman ang sumunod at naligo. Sa loob na rin ako nag bihis at nang lumabas ay naabutan na nag blo-blower na si Althia ng buhok. Naka light make-up na ito at naka suot ng pink silk dress.

"You're going outside with that outfit?" She scoffed. I looked at my outfit.

"Yes. Why?" I asked. "Kakain lang naman tayo sa baba hindi ba?" I added.

She rolled her eyes. "Girl! We're going out to party. We're going to eat dinner and after that we are going to a bar."

"Huh? Pucha! Wala akong dalang damit pang party!" tarantang sabi ko sa kaniya. Inirapan niya akong muli at tinuro ang kama na puno ng branded na paper bag.

Agad kong nakuha ang senyas niya at lumapit ako sa kama. Tiningnan ko ang lahat ng bag at sinilip ang mga dress na nasa loob. I found a red backless dress with a high slit on the left side. I also look for heels to match with my dress. I pick the black heels.

Pumunta ulit akong bathroom upang mag palit ng damit. Paglabas ko ay tapos na si Althia at kumukuha ng picture habang nakaharap sa malaking salamin.

"Come here, Sara! Let's take a pic!" pag tawag niya kaya lumapit ako. She was holding her phone and started to click the camera. We make different poses in every picture.

"I'm gonna post this. Do you have Instagram ba?" she asks, I shook my head.

"Wala. I don't use social media that much." pag-aamin ko.

"Girl." she looked at me with disappointment in her eyes. I just pouted.

She downloaded the Instagram app and gave back my phone.

"Creat an account na!" excited niyang sabi.

I sighed and created an account. I think about my username.

@spamantha                0             0                0
                                    post    followers    following
Samantha Rachel
let's make some pastries. 👨‍🍳🥐🍰

"What's your username?" Althia asked. I showed her my phone.

"Spamantha?" She burst out laughing.

"Shut up!" I glared at her. Wala akong ma-isip okay?!

"Okay. Okay." aniya, tumatawa pa rin. "There. I followed you, follow me back na para I can tag you on my post."

Ginawa ko ang sinabi niya at pinatay na ang aking phone pati ang data. Tapos naman na kaya wala na akong gagawin. Hinintay ko si Althia na matapos sa kaniyang ginagawa at nang matapos ay sabay na kaming lumabas.

Bumaba na kami at agad na pumunta kung saan ang kainan nitong hotel. Humanga na naman ako sa disenyo ng hotel. Ang laki at ang ganda ng mga design! Lalo na iyong mga pader!

Hinila ako ni Althea sa malaking buffet at binigyan kami ng waiter ng pinggan. Kumuha na si Althea ng pagkain at ganoon ang din ang aking ginawa. Kumuha lang ako ng ka-onting pagkain. Beef steak, pasta and salad.

Pagkatapos naming kumain ng dinner agad naman kaming dumiretso sa bar na tinutukoy niya.

Finding Love Series #6: The Swipe Of FateWhere stories live. Discover now