Chapter 7

20 6 2
                                    

"You look so gorgeous." namula ako sa papuri ni Celestine.

"T-Thank you po!" nahihiyang pasalamat ko.

"Let's go, shall we?" nakangiti ito, tumango ako.

Sinundan ko siya patungo sa reception area. Ang akala kong sa kitchen kami magmumula ay hindi pala. Sa main entrance kami ng event pumasok.

Suot ko ngayon ang damit na bigay ni Celestine. Kulay pula iyon at hapit sa aking katawan. Isang long sleeve dress ang suot ko at hanggang taas ng ankle ang haba.

Nasa aking tabi si Celestial na siyang ngumingiti sa mga bisita. Sumulyap siya sa akin at bumulong.

"Smile Sara. Mas lalo kang gaganda kung ngingiti ka." bulong niya.

Tumango ako at ngumiti kagaya ng gusto niya. Taas noo kaming naglakad at kita ko ang isa-isang kislap ng camera.

"Good evening gentlemen's, this is Sara. The one who makes our desserts." ngumiti ako sa tatlong lalaking nasa aming harap. "And Sara, this are Mr. Fortis, Mr. Merval, and Mr. Octavious. Cousins and brother of Mr. Octavious."

Nahihiyang ngumiti ako sa kanila at tumango.

"Good evening po." aniko.

The guy Mr. Merval eyed me from head to toe. He smiled when he met my eyes. Nilahad niya ang kamay sa akin at alinlangan kong tinanggap ito.

"You look so damn gorgeous, miss Sara." nag ngising aso siya.

"David." suway ni Mr. Fortis. Tumawa naman si Mr. Merval at tumaas ang kilay.

"I am just complimenting her, Brian." natatawang sambit niya.

"Oh no! Not Sara David." makahulugang sabi ni Celestine. "We're going now. Pupunta na kami sa assigned table para sa amin." hindi na hinintay pa ni Celestine ang sagot ng tatlo at tumalikod.

Nginitian ko naman sila at bahagyang ymuko ulit bago sinundan si Celestine. Nang makarating kami sa table ay agad kaming na upo.

Nagsimula na din kalaunan ang event. Marami ang nangyari at nag speech ang isang babae. Base sa kilos at hitsura niya ay paniguradong iyon ay si "Madam" na tinutukoy nila.

Maraming lumapit sa aming table. Lahat iyon ay tinatanong ang pangalan ko. At lahat iyon ay sinasagot ni Celestine at binibidang ako ang may gawa ng mga dessert.

Napangiti ako sa ginagawa niya. May humaplos na mainit sa aking puso. Ganito pala ang pakiramdam kapag pinagmamalaki ka sa ibang malalaking tao.

"Good evening ladies and gentlemen, thank you for coming tonight to celebrate the company's 35th Anniversary." napadako ang aming tingin sa emcee sa may malaking stage.

"Mabuti naman at nagsimula na." bulong ni Celestine na siyang aking narinig.

"Tonight is the day who will see our best of the best CEO of the business industry." aniya at pumalakpak ang lahat. May lumapit na isang babae sa kaniya at may binulong. "Oh! Sorry ladies and gentlemen, our CEO won't be here with us but the Octavious family is here. Let's all welcome them."

Nagpalakpakan ang lahat at tumingin sa entrance. Mula roon ay makikita mo ang pagpasok ng isang napakaganda at eleganteng babae. Narinig kong ito daw ang ina ni Mr. Octavious. Hindi ako makapaniwala dahil sa mukhang bata pa ang ginang.

Finding Love Series #6: The Swipe Of FateWhere stories live. Discover now