Chapter 6

23 8 0
                                    

CHAPTER 6

"Thank you talaga Sara. This means a lot to us." muling sambit ni Celestine.

Kanina pa siya nag papasalamat at kanina pa ako nag sasabing walang problema iyon.

"Hindi ko talaga alam kung anong gagawin kung sakali mang hindi ka pumayag." madramang aniya. Natawa naman ako.

"Paniguradong papayag ako ma'am Celestine." naka ngiting sabi ko.

"Guys she will help us!" biglang sigaw ni ma'am Celestine nang makapasok ulit kami sa loob ng malaking kitchen.

Nabaling sa amin ang atensiyon ng lahat at sumigaw silang sabay sabay dahil sa saya.

"Mabuti naman at napapayag mo, Cel. Talagang malilintikan tayo kung hindi pumayag si miss Sara." ani ng babaeng naka pink na apron.

"Sige na. Balik na kayo sa puwesto niyo!" sigaw ulit ni ma'am Celestine. "Tara dito Sara sumunod ka sa akin. Dito ka mag luluto." dagdag niya.

Sumunod ako sa kaniya at pumunta kami sa isang pinto sa loob nitong malaking kuwarto at pumasok doon. Kagaya kanina ay namangha ulit ako sa nakita. Hindi ko inaasahang bukod pala ang lutuan para sa pag bi-bake ng mga pastries.

"Nandito naman lahat ng mga kailanganin mo Sara. Kumpleto ang lahat ng gamit dito. Kapag may kailangan ka tumawag ka lang." tinuro niya ang ibang mga gamit kung saan ito nakalagay. Tumatango naman ako sa bawat turo niya.

"Sige po." ngisi ko.

"Nandito din ang listahan ng mga kailanganin mong lutuin." tinuro niya ang papel na naka sabit.

"Okay po ma'am Celestine."

"Ano? Okay ka na ba dito?" tanong niya. "Maiwan muna kita dahil titingnan ko pa ang iba at kungayos na ang venue."

Tumango ako. "Okay na po ako dito. Kaya ko na po."

"Mabuti naman. Huwag kang mag-alala at mag papapunta ako ng makakatulong mo dito." ngiting saad naman niya. Muli akong tumango.

"Okay po."

"Sige, maiwan na kita." lumabas siya agad. Nagsimula naman akong kumuha ng mga gamit na gagamitin ko.

Tumingin ako sa naka sabit na papel bago kunin ang ibang ingredients. Unang nakalagay doon ay ang cookies. Kaya naman ay kinuha ko na ang mga kailanganin kong pang gawa nito.

Napa angat ang tingin ko sa pintuan ng kuwarto nang may kumatok dito.

"Pasok po!" sigaw ko.

Unti-unting bumukas ang pintuan at nilahad nito ang isang maputi at magandang babae.

"Hello po! You're Sara, right?" tanong niya.

I nod. "Yes."

"Ako iyong pinapunta dito ni ma'am Celestine. She said you need help and I am here to help you." she smiled at me.

"Oh! Ikaw pala ang tinutukoy ni ma'am Celestine." ani ko. "Uhm... Alam mo ba kung na saan nakalagay ang ibang gamit?" tanong ko.

Tumango siya. "Opo. Ano po ba ang kailangan at kukunin ko po?"

Sinabi ko sa kaniya ang mga gamit at gagamitin namin. Kinuha naman agad niya iyon at nilapag sa malaking steel na lamesa.

Nag simula kong paghaluhin ang mga ingredients. At nang matapos ay inayos ko ang steel table at nilagyan iyon ng harina. Pinatong ko doon ang ginawa ko at inumpisahan ko na iyong lamasin.

Habang ginagawa ko iyon ay niligpit naman ni Kate ang mga ginamit namin. Pinakilala niya kanina ang kaniyang sarili. Isa daw siyang taga tulong sa mga chef dito at scholar ng company.

Finding Love Series #6: The Swipe Of FateWhere stories live. Discover now