Chapter - 9 ( Unedited )

2.1K 63 0
                                    

Serene

"What??" pagalit na usal ko at mas lalong sinamaan ng tingin si Maam na ayaw akong paalisin dito sa clinic simula ng dinala ko siya dito.

"Maam please bitaw, baka may makakita" pilit kong inaalis ang kamay niyang nasa braso ko pero matigas ang ulo ni Maam at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa akin.

"Don't want to" nakangusong ani niya at hinila ako kaya pareho na kami ngayong naka-upo sa kama. Nakatayo kasi ako kanina habang siya ay pilit na pina-upo ng nurse.

Pairap kong inalis ang tingin sa kanya at pinagkatitigan ang paa niya. Nabalutan na ito ng benda at ngayon ay pinapahinga muna siya.

Pasalamat na lang talaga siya dahil kung hindi lang siya natapilok ay hindi-hindi ko siya lilingunin at tutulungan. Ang lakas niyang mag-ignore kanina eh. "Is still hurts?" mahinanong tanong ko para maiba ang usapan.

Umiling siya at nag-iwas ng tingin, halatang nagsisinungaling.

"Pwede ka na palang mag-lakad. Let's get out in here" tumayo ako ngunit hinila niya lang muli ang braso ko dahilan kaya mapaupo ako sa tabi niya.

"No, lets talk first" saad niya at pinaningkitan ako ng mata ng makita niyang aangal pa sana ako.

Dahilwala akong nagawa sa nakakatakot niyang tingin ay umayos ako ng upo kaya binitawan niya din ang braso ko. Finally!

"Ano ba kasing pag-uusapan natin?" Patay-malisya kong saad kahit may ideya naman na ako talaga kung anong gusto niyang mangyari.

"Why are you avoiding me?" She seriously asked

Tumalin ang tingin niya sa akin kaya nag-iwas ako ng tingin.

Kapag talaga nagiging seryoso siya ay hindi ko kinakayanan ang tingin na binibigay niya.

"What do you mean, Maam? Hindi naman kita iniiwasan eh" hindi makatingin sa kanya na sagot ko. Pero don't get me wrong ah, nagsasabi ako ng totoo.

"You're not good at lying, you're so obvious and easy to read" naramdaman ko ang pag-iiba ng tono ng boses niya, naging malambing ito ganoon din ang emosyon sa mga mata niya.

"I swear. I wasn't avoiding you, Maam. There's no reason for me to to do that" I said, she tsked again.

"I don't know what to do with you anymore,  you're hard to handle" she said in a low tone.

That's familiar... why its feels like I already heard that before?

Nagulat ako ng bigla niya akong itulak patayo at humiga siya.

Tinignan niya ako ng diretso sa mata at nginusuan. "Is there any way for me to make you mine?" Kahit hindi siya nakatingin sa akin ay alam kong gusto niyang sagutin ko anh tanong na iyon.

Umiling ako at isinandal ang likuran ko sa pader. "Wala po, Maam" seryosong usal ko

Nagtama ang mata naming dalawa pero hindi katulad ng lagi kong ginagawa ay hindi ako nag-iwas ng tingin. Nilabanan ko ang walang emosyon na mga mata niya at hindi pinansin ang bilis ng tibok ng puso ko.

Maganda naman kasi talaga siya, Matalino at higit sa lahat ay mabait, may pagka-baliw nga lang minsan pero lahat ng gusto ng lalakie ay nasa sa kanya na, kaya hindi ko alam kung bakit ang katulad niya at pilit ako na hinahabol.

"I see..." pabulong na saad niya at ipinikit ang mga mata.

Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya, masyado siyang mahirap basahin lalo na ngayon, anong ibig-sabihin ng 'I see' niya?

"Where is she?" Napahinto ako sa pag-iisip at sinilip ang likod ng kurtina

Like what I thought, It was Santos at mukhang nalaman niya na nandito si Miss kaya andito din siya, Feeling boyfriend siya.

Be Mine: Aella AustinWhere stories live. Discover now