Chapter - 15 ( Unedited )

1.9K 60 4
                                    

Serene

"Sure ka talaga dito, Miss? Kaya mo bang mag-drive?" Naninigurado kong tanong kay Miss Aella.

Plano niya pa kasing mag-drive pauwi sa condo niya kahit sinabihan ko na wag na lang siyang umuwi dahil inaatok na siya kanina, at isa pa, baka paano pa siya kapag nag-maneho siya.

I heard she tsked before facing me. "Im totally awake, Garcia. Stop worrying about me..." pina-ikot niya sa daliri niya ang susi at naka-ngising tinalikuran ako.

"And start worrying about yourself" dagdag niya pa.

Huminto ako sa paglalakad.

"What do you mean by that, Miss?" I asked her. Hindi ko kasi naintidihan yung pinapahiwatig niya.

Isinandal niya ang likuran sa pintuan ng kotse niya at may tinuro sa likuran ko, kunot-noong lumingon ako sa tinuro niya.

"Dionne, andito ka pa pala" Si Crissia.

she's walking towards me. No, hindi sa akin kung hindi sa kotse niyang katabi lang ng kotse ni Miss.

"Uh... yes" I awkwardly answered.

When she got close to me, she stopped walking and gave me a perplexed look. She then patted my shoulder and glanced at Miss Austin who was silently staring at us.

She abruptly said, "Good luck," and gave me a quick peck on the cheek.

She turned to leave me, and kept walking while laughing. But before getting into her car, I even heard her bid her goodbye to Miss Aella.

My professor just shrugged her shoulders and rolled her eyes.

Walang salitang lumabas sa bibig kong pinapanood siyang paandarin ang kotse niya papalayo habang ang kamay ay nasa pisngi kong hinalikan niya.

Para saan yun??

I looked at Miss Aella as she slammed the door of her car. It looks like she's also planning to go home like the other one.

Ang galing... now, it's obvious that I'll be commuting in no time.

Simce it's already late, I just hope I can quickly find a jeep or bus to ride later. I walked with my shoulders slumped, I won't wait for Miss Aella to start her car, I don't want to be left here alone, I am scared asf.

"Garcia!" Takang binalikan ko ng tingin si Miss. Hindi pa din niya pinapaandar ang kotse niya.

Lumabas siya at malalaki ang hakbang na naglakad papalapit sa akin.

Ano na naman ba yun?

"Where do you think you're going?!" I can hear annoyance on her voice.

Nakakatakot din ang mga mata niya dahil para bang sasabog na siya sa inis kahit ano mang oras.

"Uuwi na po" maayos na pag-sagot ko sa kanya.

Hindi ko na siya babarahin, mamaya kasi ako pa ang mapag-initan nito eh.

"I know! But what's up with Ms. Nueva? Isn't she worried about you?! Why is she leaving you here alone!?" Sunod-sunod na pagtatanong niya.

Hindi naman ako naka-sagot dahil wala din akong masasagot sa kanya.

Pinanatili ko lang kalmado ang sarili ko sa kabila ng pagpapanic ni Miss, hindi maganda kung mag-sisigawan kami.

Sabi ko nga, hindi ako papayag na aalis siya ng university namin ng hindi naayos ang relasyon naming dalawa as teacher and student.

"Hindi niya naman po kasi ako dapat na ihatid pa. Kaya ko po ang sarili" tanging sinagot ko na lang para kumalma siya

Pero mas lalo lang sumama ang tingin niya sakin. Akala ko pa naman ay maaalis ko ang inis niya, hindi naman pala. Inihawak niya ang dalawang kamay sa bewang.

Be Mine: Aella AustinWhere stories live. Discover now