Chapter - 3 ( Unedited )

4.1K 132 40
                                    

Serene

"Uh... I'm so tired..." hawak hawak ko ang isang bote ng tubig at panyo pampunas sa tumatagaktak na pawis sa aking leeg habang naglalakad papunta sa bench na lagi kong tinatambayan pagkatapos ng nakakapagod na training

Umupo ako at isinandal ang likuran sa kahoy nitong sandalan at doon pinikit ang mga mata ko para mas lalong maramdaman ang malamig na hangin na tumatama sa mukha ko.

Isa ito sa dahilan kung bakit gustong-gusto ko dito eh, sa likod kasi ng bench na inuupuan ko ay isang malaking puno na siyang dahilan kung bakit mas presko ang hangin dito.

"You're good at running huh?" Mabilis na napadilat ako ng mga mata at lumingon sa pinanggalingan ng boses

Nakatayo si Miss Aella sa mismong likuran ko at malaki ang ngiti

"Miss, hindi ko alam na nandito ka pala" nahihiyang sabi ko

Sobrang fresh tignan ni Miss, naka-sun glasses pa kasi siya at ku g titignan ay mas mukha pa siyang estudyante kaysa sa'kin

"Its okay, hindi ko naman sinabi sa'yo" umupo siya sa tabi ko pero lumayo ako ng bahagya dahil amoy pawis ako at hindi ko naman gusto na mapunta sa damit niya ang amoy ko

"Bakit ka pala andito Miss? Wala ka bang klase?" tanong ko para hindi kami maging awkward pareho

Pinag-krus niya ang dalawang hita pati na din ang mga braso bago ako sagutin

"I have, I'm just too tired to go there and teach them" my jaw literally dropped after I heard what she just said

Ibang klase ng guro naman siya masyado, buti na lang sa section namin ay hindi pa niya nagagawang hindi sumipot kahit isang beses.

"That's still your job, Miss Aella" I looked away and watch my the other runners to finish

Hindi na siya nagsalita, tahimik kaming nanood hanggang sa lapitan kami ng mga kasama ko

"Garcia, who's she??" tanong ni Joseph ng makalapit sila

He's one of the fastest na nakilala ko, he's also one of the reason kung bakit ako napasok sa team na ito. Pinilit ba naman sila coach na isali alo kahit na hindi pa ako pwede dahil wala pa akong 18 that time.

"My Adviser, Miss Aella." I introduced her

Kitang kita ko ang pagka-mangha sa mata nila kuya joseph ay nang iba pa sa likuran na hindi ko nagustuhan sa hindi ko alam na dahilan

"Good afternoon Miss Aella. I'm joseph Ramos, the leader" inilahad niya ang kamay niya ngunit tinignan lang ito ni Miss Aella at tumango

"Good afternoon" my professor said with an obvious fake smile glued on her face.

Napahiyang binawi ni kuya joseph ang kamay niya at isa-isang pinakilala ang mga kasama.

"Marcus, Sandra and Jackson. bumati naman kayo, wag kayong manahimik lang diyan" saway ni kuya sa kanilang tatlo dahil pare-pareho lang sila na tumango ng ipakilala sila ni Kuya kay Miss na mukhang hindi naman interesado sa kanila

"Gandang hapon po Ma'am" si Jackson na hindi makatingin kay Miss na sinundan ng magkapatid na Marcus at Sandra

"Nice to meet you po Miss" sabay nilang sabi

Nagkatinginan pa silang dalawa at muntikan ng matawa, kung hindi lang sila tinignan ng masama ni kuya joseph ay baka pinagtitinginan na kami dito dahil sa tawa nila.

Tanging ngiti lang ang itinugon sa kanila ni Professor Aella at humarap sa akin

"Gusto mo din ba ako magpakilala Ma'am?" biro ko dahil kakaiba ang tingin na binibigay niya

Be Mine: Aella AustinWhere stories live. Discover now