Chapter - 20 ( Unedited )

2.7K 91 24
                                    

- Wrong grammars and spellings ahead.

Serene

Just how many times do I have to avoid her glares? Kanina pa limitado ang galaw ko dito sa upuan ko dahil sa matalim na titig niya eh. Hindi ko naman kasalanan na kung sino sino na lang ang tumatabi sa akin ah.

I gulped hard and try to focus my sight on the board. "So, do you have a girlfriend?" The girl beside me asked.

Hindi ko binigyan ng pansin ang tanong niya. Siya ang dahilan kung bakit feeling ko  masama ang timpla sa akin ng dragona ngayon.

"Serene... Notice me please" mas lalong lumapit ang babae sa akin para bumulong.

Kaagad na lumayo ako at bumaling ng tingin kay Miss.

Nakahinga ako ng maluwag ng makitang hindi nakaabot sa mga mata niya ang nangyari ngayon-ngayon lang. "Alis." pagtataboy ko sa kanya.

Pero nangisi lang ito at mas lalo pang umusog papalapit sa akin. Kinapit niya ang mga kamay sa braso ko at matamis akong nginitian. "Don't be such a meanie. Let's grab a lunch, later" she winked at me that made me question her whole existence.

She's creepy and not my type.

Palihim kong inalis ang kamay niya sa braso ko. Balak ko na din sanang lumipat ng upuan ngunit may presensiyang nagpahinto sa akin sa pagtayo.

"Flirting isn't allowed on my class, Miss Garcia" mahina ngunit madiin ang bawat salitang usal niya.

'Paano siya nakapunta sa harapan namin ng hindi ko nararamdaman?'

Marahan akong nag-angat ng tingin sa kanya at pilit na ngumiti. Naka-ilang lunok din ako ng sarili kong away dahil alam ko na  bad trip na bad trip na siya.

Gusto ko pa sanang magreklamo at magpaliwanag na hindi ako ang mag-fl-flirt sa among dalawa pero isang irap niya lang at natutop ko na lang ang bibig ko.

Tinalikuran niya kami at walang lingon lingon na bumalik sa lamesa niya. Umupo siya at sinuot ang salamin niya na hindi ko naman sure kung may grado ba o wala dhail mukha namang malinaw ang mga Mata niya.

But honestly, I got distracted just by watching her because I'm telling you, the way she sits and the way she put her eyeglasses are the hottest thing I've ever seen in my whole life.

Busy ako sa panonood sa mga galaw niya ng muli niya akong tignan at irapan na naman.

Yung tipong irap na alam kong naiinis talaga siya hindi natutuwa sa mga nakikita niya. Nakakunot pa nga ang mga kilay eh.

"Serene-"

"Fuck off." Mabilis na pinutol ko ang sasabihin ng babaeng nasa tabi ko at kinuha ang gamit ko para umupo sa harapan.

Mas mabuti ng andito ako para mas malapit at mas madali ko din siyang matititigan.

Minutes had passed until her class ended.

Sinadya ko na magpahuli at hindi sumunod sa mga kabigan ko para maiwan dito sa room kasama siya.

"Miss Garcia, why are you still here?" Seryoso at walang ka-emosyong-emosyon na tanong niya ng sumulyap siya sa akin at makita niyang hindi ako tumatayo kanina pa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 14 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Be Mine: Aella AustinWhere stories live. Discover now