Chapter - 7 ( Unedited )

3.4K 102 14
                                    

Serene

"Uy, ayos ka lang?" I instantly nodded my head when Alex asked me that question

Todo iwas ang mga mata ko na tignan si Miss Aella na andoon lang sa may bandang gilid namin kasama ang mga kapwa guro niya.

Nagpumilit kasi si Alex dito umupo kanina para malapit daw kami sa stage kahit sinabi ko na sa kanya na ayoko. Kanina ko pa nga din napapansin na simula ng umupo kami ay hindi siya mapakali. Para siyang may hinahanap pero hindi na ako nag-tanong pa because if she want to tell me, she would tell me.

"Sure ka lang??" nilingon ko siya at pilit na nginitian

Mabilis din na lumingon ako sa kanan ko ng makitang naka-tingin at naka-ngiti sa akin si Miss Aella, ang creepy niya kasi.

I actually hate the fact that sa aming dalawa ay ako lang ang apektado, hindi ba niya naiisip na pwedeng masira ang career na binuo niya dahil sa mga pinag-gagawa niya?

Kahit ano kasing pilit ko na huwag siyang tignan ay hindi ko pa din maiwasan na panoorin ang bawat kilos niya. Nakasimangot na ngayon ang mukha niya at halatang hindi interesado sa sinasabi ng katabi niyang guro sa kanya.

"Ganda ba ng view natin dito?" I heard Hailey asked. I thought hindi ako ang kausap niya kaya hindi ako sumagot ngunit ng lingunin ko siya ay sa akin pala siya nakatingin.

Nakataas ang dalawang kilay niya at isang malaking ngisi ang nakadikit sa nakaka-iritang mukha niya

"Ha?" Patay malisya kong saad kahit halata naman na nakita niyang pinanonood ako kay Miss Aella

"Hakdog" tatawa-tawa niyang ani at lumapit pa sa akin para bumulong

"Your secret is safe with me, my friend" bulong niya at binalik ang atensyon sa boyfriend.

Im so speechless. Halata ba na sobrang apektado ako kay Miss Aella? Because I can feel it. tawagin nyo man akong feelingera pero alam ko kahit hindi ako nakatingin sa kanya ay nakatingin siya sa akin. Ramdam na ramdam ko kasi na may matang nanonood sa akin mula sa pwesto nila.

"Good Morning, Students and Teachers!!!" Isang malakas na sigaw ang umalingawngaw mula sa mic na hawak na MC

Nawala ang titig na nararamdaman ko at naging maingay ang paligid dahil sa tawanan at pagbati pabalik ng mga estudyante sa MC

"Maganda ba ang araw nyo?!?!" sigaw na naman niya. Napatakip na nga lang ako ng tenga dahil malapit pa naman kami sa speaker

"Yesss!!"

"No!!!"

Halo-halo ang naging sagot sa kanya pero mas nanginbabaw ang dalawang salita na iyon

"No?! Gusto nyo bang sumaya??" Wowowin yarn??

Isang malakas na yes ang naging sagot naming lahat. Aware kami na may visitor kaming araw and it excites me because they said artista daw ang bisita namin pero hindi naman nila sinabi kung sino.

" Then allow me to make your day happy!! I introduce to all of you... the one and only star, Elizabeth Miranda Sevilla!!!"

Hindi ako mahilig sumigaw pero kahit ako ay nakisali sa hiyawan at tiliian ng bigkasin ng MC ang pangalang Elizabeth Sevilla

She's one of the most famous filipino celebrity kasi na sikat not only here in the Philippines but also in another countries like Indonesia, Thailand, Vietnam and America because of her acting skill.

Mas lalo pang lumakas ang sigawan ng marinig namin ang tunog na nanggagaling sa mataas niyang suot-suot na sandals. Naka-ngiti siyang naglakad mula sa backstage at kinawayan kami dahilan para magsitalon ang iba sa mga katabi ko.

Be Mine: Aella AustinWhere stories live. Discover now