Chapter - 16 ( Unedited )

2.4K 77 5
                                    

L
Serene

"Ngumiti ka hoy! Kailangan natin ito para magkapera tayo" mas lalo lang akong napa-simangot dahil sa sinabing iyon ni Hailey.

At dahil kanina pa sya naiinis at lumapit na siya sa akin at pinameywangan ako. "What's the deal, serene?" Naka-kunot ang noong tanong niya.

Hindi ako sumagot, naiinis ako. Naiinis ako sa lahat at hindi ko naman kasi pwedeng sabinin iyon sa kanya.

"Wala, tapusin na natin ito" naglakad ako papunta sa gitna ng mga camera pero hinawakan ni Hailey ang braso ko. "Hindi natin ito matatapos ito kung hindi ka aayos" saad niya.

Nag-iwas ako ng tingin.

She's right, I need to fix myself kung gusto kong matapos ito. Mga picture ko na lang kasi ang kulang para matapos ang project namin dahil pinauna ko na sila kanina.

"Okay."

Binitawan niya ang braso.

Huminga ako ng malalim at nag-umpisang ngumiti at mag-pose.

Hindi ko na din binigyan pasin ang mga tingin ng classmate namin na mukhang inaantok na.

Inilagay ko ang kamay ko sa buhok ko at itinagilid ang ulo. "Good, another one!" Sigaw ni Hailey matapos akong kuhaan ng picture.

Itinukod ko ang isa kong tuhod sa lupa at ipinatong ang braso ko sa tuhod ko. Diretso din akong tumingin sa camera at pilit na ngumiti.

I don't need her anyway.

Pinikit ko ang mga mata ko ng maalala ko na naman ang sinabing iyon ni Miss Aella, kusa ding nawala ang ngiti ko at napalitan ng masamang expression.

Mabuti na lang talaga ay napicturan na ako ni Hailey bago pa mangyari iyon kaya walang problema sa kanya. "Alright! Last shot, Serene. I want you to smile happily like you already achieved your dream and living your life the way you want, okay?!?" Pasigaw na ani ulit ni Hailey.

Sa inaasta niya ay para talaga siyang expert na photographer.

Tumango ako bilang sagot.

I did my best to smile genuinely. Malaki ang ngiting humarap ako sa camera at nag-pose. Naka-ilang shot ng camera si Hailey bago ito nasatisfy at tumigil.

Inisa-isa niya ang mga picture na nakuha. Sinensaysan niya pa akong lumapit para tignan pero umiling ako.

"Okay!! We're done!" Sigaw niya kaya nag-umpisang tumayo ang mga kaklase namin.

"Finally!!" saad ng iba

"Buti na lang may talent si Hailey sa Photography" narinig kong komento naman ng iba.

I smiled proudly, that's my friend...

"Everyone! Let's gather around!!" Malakas na sigaw ni Hailey.

She's not the president of our class but she's the leader of this project kaya naman lahat ay kailangan maki-cooperate sa kanya kung gusto nila ng grade.

Tumabi ako kanila Alex at Andrew na mukhang proud na proud kay Hailey. "She so cool" Andrew said but we just shrugged our shoulders.

In-love na in-love kay Hailey, ampt

"First of all, I would like to thank everyone for your cooperation. Kung wala kayo ay hindi natin matatapos itong project ng section natin. I am also thankful that you let me led this section, President Choi. Dahil diyan, payag na akong mas maganda ka sakin." Nagtawanan ang lahat dahil sa huling sinabi niya bukod kay Shaina Choi, The President of our class.

Laging seryoso yan eh.

"Now that were done! Hindi ko na guguluhin kayong lahat! Pwede na tayong umuwi!!!" Malakas na sigaw niya na sinundan naman ng hiyawan ng mga boys.

Be Mine: Aella AustinWhere stories live. Discover now