Chapter - 4 ( Unedited )

4K 173 19
                                    

Serene

Ilang araw ko ng iniiwasan si Miss Aella simula nung nangyari ang pag-halik niya sa akin nung nakaraang gabi, hindi din ako masyadong aktibo sa subject niya pero nakikinig ako dahil hindi ko naman balak na bumagsak

"Condo daw tayo ni Xianna later, serene" bulong ni Alex sa akin, nasa tabi ko siya ngayon habang naglalakad papunta sa bilihan ng perfume na pang regalo niya daw, nasa kabilang gilid ko naman yung mag-jowa na busy sa paglalandian nila

"Papa-alam muna ako kay ate, but I'll try na makapunta since last day niya na" saad ko at bigla silang nagtawanan sa hindi ko alam na dahilan kaya taka ko s

"Last day? Alam ko lilipat lang siya ng school at hindi mamatay ah" natatawang sabi ni Andrew na sinabayan ng halakhak ng girlfriend niya

Pag-untugin ko kaya silang dalawa

"I have an idea, tara bili tayo flower pampatay tapos tatlong black candle para I love you or hindi kaya Rest in Peace" singit ni Alex sa usapan kaya nagmukha tuloy silang tatlong baliw kakatawa nila

Nakakahiya, pinagtitinginan kami sa mga pinag-gagawa nila eh

"Tama na nga yan, nakakahiya kayo" sabi ko at naunang maglakad

Kung nasa mood lang ako baka sinabayan ko sila sa trip nila kaso wala eh, bad trip pa din ako kay Miss Aella kahit sabihin natin na 3 days na ang nakalipas simula ng mangyari iyon

"Sungit mo naman" sigaw ni Hailey at alam kong ako ang tinutukoy niya

"Hayaan nyo na, ganyan talaga kapag nadiligan na" napahinto ako sa paglalakad at mabilis na binalikan si Alex para takpan ang bunganga niya at hilahin siya palayo

Ang lakas pa naman ng boses niya, sigurado akong marami ang nakarinig ng sinabi niyang iyon

"Gaga ka ba?" nainis na sabi ko ng makarating kami sa wala masyadong tao

"Deserve nilang malaman na hindi ka na virgin bhe" parang wala lang sa kanya na naiinis ako ngayon danil nagawa pa niyang umupo at pagmasdan ang daliri niya kaysa sa pakinggan ang sinabi ko

"Alam mo? Pakyu ka" lumayo ako ng bahagya sa kanya para pakalmahin ang sarili ko at hintayin na din sila hailey at Andrew na makalapit sa amin

"Hoy I forgot about that, papaano??" tanong kaagad ni Hailey kaya nasamaan ko siya ng tingin

"Kailan pa? Bakit ngayon ko lang nalaman?" Si andrew na kung makatanong ay mas malala pa sa babae maki-tsismis

"Bakit kailangan mo malaman? Tatay ka ba niya?" pambabara sa kanya ni Alex at hinampas ito sa braso

"Pwede ba, manahimik kayo? Naiinis ako" inirapan ko sila at tumigin sa kainan na malapit sa amin

"Sagutin nyo kami, kailan pa?" alam kong nagdadalawang isip na si Alex kaya naman tumingin ako sa kanya at sinenyasan siya na siya na ang magsabi dahil wala akong gana na pag-usapan ang topic na iyon

Nakinig lang ako sa sinasabi ni Alex at hindi nagsalita, hinayaan ko ang sarili ko na makain ng mga iniisip ko dahil isa ito sa mga kailangan ko ngayon

Hanggang ngayon ay wala pa din akong maalala ni isa sa mga nangyari nung gabing iyon, basta ang alam ko ay babae siya at ang pangalan niya ay Fiona

"Wala ka talagang maalala, Serene?" halata sa boses ni Hailey ang pag-alala kaya naman tumango ako nginitian siya

"Gusto mong makaalala? May alam kong paraan" ayaw kong paniwalaan yung sinabi ni Andrew pero ang seryoso kasi ng boses niya

"Paano??" Curious na tanong ko

Gusto ko din kasing maalala kung anong itsura nung Fiona, o kahit yung boses man lang niya. Gusto ko din malaman kung ako ba yung top nung gabing yun dahil kung hindi ako yun ay hindi ako papayag at mag-dedemand ako ng rematch

Be Mine: Aella AustinWhere stories live. Discover now