Chapter - 5 ( Unedited )

3.8K 150 12
                                    

Serene

"Siguraduhin mong mapapa-alis mo mamaya yang professor mo pag-gising niyan, Serene" nambabanta na sabi ni ate bago lumabas ng kwarto k0

Tumango ako at kinumutan si Maam na mahimbing na natutulog sa kama

Bumagsak kasi siya kanina sa dibdib ko pagtapos niyang magsalita at mukha ngang marami ang nainom dahil halatang wala talaga siya sa tamang katinuan

"Hindi ka na dapat nag-iinom, Miss" I said while watching her peacefully sleeping

Ngayong nakatingin ako sa kanya ng malapitan ay napansin ko na mahaba pala ang mga pilikmata niya, makinis din ang balat niya at halatang laki talaga siya alaga dahip sa sobrang linis niyang tignan.

Sobrang inosente rin ng pagmumukha niya kapag tulog pero kabaliktaran naman kapag gising siya Kakaiba kasi yung bunganga niya, akala mo hindi nasama yung bibig nung nabinyagan siya eh

"You're confusing the hell out of me..." umiling-iling na sabi ko at tumayo

Kukuha na lang muna ako ng panibagong unan at kumot dahil ayoko namang guluhin siya sa pag-tulog niya. It's already 10 pm at ang sama ko naman kung gigisingin ko siya at palalayasin diba? kakausapin ko na lang si ate mamaya at magpapaliwanag.

Inilapag ko ang unan at kumot na kinuha ko sa tabi niya at kumuha ng pares ng damit para pamalit after kong maghugas ng katawan.

I'm not comfortable kasi na natutulog ng madungis dahil hindi ako mapakali at kahit anong pilit ko ay magpapalit at magpapalit talaga ako.

"Pumayat ako ah" bulong ko sa sarili

Medyo lumaki kasi sakin yung suot ko na damit ko na alam ko namang dapat maliit na.

Malalim ang buntong hininga na bumalik ako sa kama at dahan-dahan na humiga sa tabi ng natutulog na si Miss Aella, hindi na din ako nag-atubili pa na patayin ang ilaw tutal nakakatulog naman ako kahit maliwanag

Pinikit ko ang mga mata ko at pinilit na maka-tulog pero hindi din nagtagal ay dumilat ako ng maramdaman ang mga kamay ni Miss Aella na yunayakap sa bandang tiyan ko

"Teddy..." rinig kong bulong niya

Naiiritang umikot ako paharap sa kanya pero ng makita ko na tulog pa din siya ay kaagad na nawala ang inis ko, ang amo kasing tignan ng mukha eh.

Tinanggal ko ang kamay niyang nakayakap sa akin at inilagay iyon sa gilid niya, ayoko pa naman ng niyayakap ako dahil hindi ko hilig ang physical touch.

Kamot-ulong tumayo ako dala-dala ang unan at kumot ay lumabas ako ng kwarto

Mas better na lang siguro na sa sofa ng sala na lang siguro ako matutulog ngayong gabi.

"Ano na, hindi pa din ba gising?" tanong ni ate ng makita niya ako

Nasa lamesa siya nakaupo at nag-kakape

"Hayaan na lang natin teh, lasing eh baka mapa-ano pa yun kapag pinauwi natin siya ngayon" sagot ko

Hindi ako sinagot ni ate, kinuha niya ang cellphone niya at nagpindot ng kung ano doon kaya naman ay dumiretso ako sa may sofa at doon nahiga

"Huwag kang matulog diyan, doon ka sa kwarto mo... may magsusundo sa kanya mamaya" taka kong tinignan si ate dahil sa sinabi niya

Sino naman ang magsusundo kay Maam ng ganitong oras? at bakit kilala niya?

"Sino ate?" umupo ako at hinintay ang sagot niya

"Boy friend niya" mabilis na sagot niya at tumayo dala ang kape na iniinom niya

Be Mine: Aella AustinWhere stories live. Discover now