Chapter - 11 ( Unedited )

2K 60 4
                                    

Serene

"Do you have plans for tomorrow, Serene?" umiling ako bilang sagot sa tanong na iyon ni ate.

Nakaharap siya aa laptop niya habang kinakausap ako. Nasa cellphone naman ang paningin ko habang tahimik na nilalantakan ang pag-kain na inuwi niya galing sa party ng company nila.

"Serene, tinatanong kita" mariringgan sa boses ni ate ang inis kaya tumingin ako sa kanya.

Napanguso na lang ako ng makitang focus na focus sa laptop niya kaya hindi nakita ang pag-iling ko. "Wala po, ate" I said at muling nag-scroll sa cellphone.

Natapos ko ang pag-kaing kinakain ko kaya tumayo ako at pumunta sa lababo. Ayaw ni ate na may naiiwang hugasan kaya minabuti ko ng hugasan ito. Umupo ako sa tabi ni ate matapos maghugas at naka-ngusong pinanonood ang ginagawa niya. Humahanga na lang talaga ako sa bilis mag-type ni ate eh, di niya na kailangan tumingin sa keyboard. Tuloy-tuloy lang siya sa pag-pindot.

"Day-off ko bukas, lets go somewhere else" gulat na napatingin ako sa kanya pero hindi pa din siya tumitingin sakin "saan mo gusto?" tanong niya.

Lumayo ako ng bahagya at pinag-isipan ang sinabi niya. Sa totoo lang, palagi akong nilalabas ni ate noon, hindi na nga lang masyado ngayon dahil pareho na kaming laging kinakain ng mga gawain namin.

"Wala akong maisip teh, mall na lang tayo" suhestiyon ko.

Tinigil niya ang ginagawa at binigyan ako ng 'are you serious?' look

"Hindi ka ba nag-sasawa sa mall?" napailing siya ng isang ngiti lang sinagot ko.

"Alright, we'll go tomorrow at mall." sumusukong ani niya at bumalik sa pagtatype.

Walang sagot akong tumayo at umupo sa pwesto ko kanina. It's better na huwag ko ng guluhin si ate at baka hindi pa niya matapos iyang gingawa niya.

Isinandal ko ang ulo ko sa likuran ng sofa at tumitig sa kisame. Ang daming nangyari sa akin ngayong araw. Inaalala ko ang mukha ni Crissia kanina ng kinausap ko siya, naaawa talaga ako sa kanya. Nag-guilty lalo ako kasi alam ko namang nagsisisi na siya sa ginawa niya sa akin noon, at napatawad ko na din siya. Hindi ko lang kaya na ibalik pa ang relasyon namin sa kung ano ito noon.

Pinikit ko ang mga mata ko at inisip ang mga sinabi ng boss ni ate sa akin. Gusto kong sabihin sa kanya na nagkita kami ng boss niya kanina at itanong sa kanya lahat ng sinabi nito sa akin, kaso mukhang hindi ko siya pwedeng guluhin ngayon kaya bukas ko na lang itatanong.

"Fiona..." hindi ko napigilan na banggitin ang pangalan na iyon ng bigla itong pumasok sa isip ko.

It's been a almost 2 months na din siguro ng mangyari iyon sa BAR. Muntik ko na itong makalimutan dahil wala naman itong naging malaking epekto sa buhay ko except lang sa hindi na ako virgin.

Hindi ko na din ginawang bigdeal yun dahil babae naman siya at sigurado akong hindi ako mabubuntis, iyon ang mahalaga.

Pero until now, I am still curious kung sino ba itong fiona na ito. I know I said I never want to meet her, but what I meant with that is I don't want to met her na kilala niya ako. I want know her and meet her without her knowing.

Kung meron lang akong iba pang clue para makilala siya ay baka ginawa ko na, gusto ko na lang tuloy iumpog ang sarili ko sa pader katulad ng sinabi ni Alex para maalala ang mukha niya.

"Arghhhhh!!!" Malakas na sigaw ko dahil sa frustration na kaagad ko ding itinigil dahil naramdaman ko na lang ang papel na ibinato sa akin ni ate

"Shut up." She calmly command pero ang tingin ay nakakamatay.

Be Mine: Aella AustinWhere stories live. Discover now