Please note na binago 'ko ang portrayer ni Celest .Kindly check chapter 9 para sa picture ng new portrayer niya .Thank you
-
"Psssttt "
I keep staring on my phone .Mas nadagdagan ang inis ko dahil sa ginagawa niya .Ano bang binabalak niya ? Feeling niya talaga mag chachat pa ako .Pwes ,hindi na .Ang kapal. Akala mo naman hinihintay ko yung message niya .Well ,hindi kaya .Wala akong pakialam kung hindi na niya ako nirereplayan .Wala akong pakialam kung naka turn off ang active status niya .Wala akong pake. Anong iniisip niya ? Bobombahin ko siya ng message? Magsawa siya .Kasalanan ko ba na nakatulog ako ng gabi na yun at umaga na nakapag reply .Understood naman yun eh .Tapos ngayon dalawang araw na pero hindi pa rin siya nagrereply.
"Pssttt ,Psyche "
Ang kapal. Inalis pa niya talaga ang active status niya .Talagang sinusubukan niya ako .Pwes,hinding hindi ako dadaan sa hallway ng building nila. Hinding hindi na .Akala niya at-
"Miss Galvez !!"
Napatalon ako sa upuan dahil sa malakas sigaw na iyon .
"Kanina pa kita tinatawag !"
Malakas kong ibinaba ang hawak kong phone at tumayo. Kitang kita ko ang naiinis na mukha ni Ma'am habang nakatayo sa gilid ng table .Katabi rin isang malaking white board kung saan nakaflash ang projector namin. Magkasalubong ang kilay ni Ma'am .Halatang nauubos ang pasensiya.
"Yes po?" Nahihiya kong tanong .Ramdam na ramdam ko ang tingin ng mga kaklase ko sa akin .Walang nagtangkang magsalita. Tanging ang tunog lang ng air con ang maririnig sa buong room namin.
Nakakahiya .Kanina niya pa kaya ako tinatawag? Bakit pakiramdam ko kanina pa siya naggihintay .Masama nga namang paghintayin .Tagos na tagos.
"Again,kanina pa kita tinatawag pero nakatitig ka lang sa phone mo. Do you want me to confiscate your phone ?"
My eyes widen .Kanina pa ? Edi kanina niya pa nga ako tinatawag. Dahan dahan kong inilagay sa likuran ko ang cellphone. Hindi pwedeng ma confiscate niya ito .
"This is the first time nangyari ito .Hindi ka nakikinig at hindi kana rin nagpaparticipate .Are you okay Miss Galvez ?"
Tama nga si Ma'am ,ito ang kaunaunahang pagkakataon na napahiya ako ng ganito. Kadalasan tumatayo ako hindi para pagalitan ,tumatayo ako kasi ako ang highest sa classroom namin.Pero ngayon nag iiba na .Kasalanan talaga 'to ng four eyes na yun.Nakakainis talaga siya. Dahil sa kanya nawawala ako sa focus.
Pero yung tanong ni Ma'am ,okay nga ba ako ? .
"I-I'm fine po ,pasensiya na " paumanhin ko .Sinalubong ko ang mga titig ni Ma'am. Pansamantala nitong inalis ang tingin para ilipat ang PowerPoint na naka flash sa harapan.
"Kung ganon,answer number 3 .On the board "
I nodded in response. Tiningnan ko ang problem na nakalagay sa unahan bago lumapit sa board .Kumuha ako ng chalk and write the given .Ramdam na ramdam ko na pinapanood ako ni Ma'am sa bawat galaw ko .This is basic calculus .Kaya ko to .
Tinitigan ko ang tanong bago inisip kung ano ang gagawin ko .Bakit ba kailangan nakarelate palagi ang ganito sa real life .I mean this is calculus hindi naman need na irelate palagi sa real life .Sino naman ang gagamit ng calculus in real life ?
Nang mapunta na ako sa critical part ay napatitig ako .Need ko na ng calculator? .Bumalik ako sa upuan ko at kinuha calculator ko .Nakakahiya na nakalagay pa iyon sa bag ko .It means hindi talaga ako nakikinig kay Ma'am. Bumalik ulit ako sa board para tapusin ang sinimulan ko.
BINABASA MO ANG
Midnight Pleasure
Chick-Lit"Bitch ! How dare you to lay hands on me !! Infront of all people here !" "Ohhh I didn't react in that way when you put your fingers on me sweetie "