Chapter 7

857 41 3
                                    

"Ano ba kasing type mo sa lalaki Psycho?"

Kunot noo kong tiningnan Si Remi na hawak hawak pa ang mountain dew Bottle na wala ng laman .Kanina pa nila yun pinapaikot at tinatanong kami ng kung ano Anong mga tanong . Sa ngayon nga Ay ako ang tinatapatan ng side kung Nasaan ang bottle cap ng bote .Hindi naman talaga ako kasali sa kanila pero hinila lang nila ako para makapunta dito sa roof top ng building namin .

Wala kaming p.e. class ngayon dahil coach Si Ma'am ng soft ball girls na kasalukuyang lumalaban daw sa ibang school . May iniwan sa Aming gawain pero Madali lang namin Natapos kaya nag aya naman ang mga ito . Tahimik ang buong paligid at halos lahat Ay nasa Loob ng classroom .Pinaalalahanan ko naman ang mga classmate ko na huwag lalayo sa building namin .Ang iba Ay nasa field habang ang iba naman Ay naglibot libot lang rin .

"Psycho ano na?"

Inilagay ko sa baba ang kamay ko bago ang Isip .Ano nga ba ang type ko sa lalaki? Magkakaroon naman ako ng crush noon pa man pero wala naman akong specific type .Basta attractive sa paningin ko Ay okay na sa akin .Hindi rin naman magtatagal ang pagkagusto ko sa kanila ,sa totoo lang Madali nga rin napapalitan

"Mas matalino sa akin "

Pabalang kong sagot sa kanila .Kumunot ang noo ni Remi bago sila nagkatinginan ni Cleo habang Si Kinley Ay nakatingin lang sa bote na nakalagay na pala sa lapag.

"Ano ba yan !"

Naiinis na turan ni Remi .Alam ko ang ginagawa nila ,magtatanong sila tapos iconnect nila ang traits na sinabi mo sa isang tao para lang may maloko sila sayo .Akala ata nila maiisahan nila ako ,nagkakamali sila. I'm happy na nandito Si Remi ,hindi pa siya umaalis ng school dahil umuwi ang Mommy Niya .Agad na napigilan nito ang Daddy Niya na gusto siyang ipadala sa ibang bansa. Hindi naman nagkabalikan ang mga magulang Niya at sa magkaibang bahay pa rin sila nakatira Pero masaya ako na sa wakas Ay nakita ulit ng Kaibigan ko ang Mommy Niya na matagal na umalis.

"Si Celest "

Agad akong napatingin sa paligid nang sabihin iyon ni Kinley .Wala namang ibang tao na Nandito sa roof top .Tumingin rin ako sa magkabilang pintuan kung saan ang pasukan papunta dito sa rooftop pero walang Celest akong nakita .

"Si Celest ,Siya lang ang mas matalino Kay Psych"

Malakas na pumalakpak Si Cleo habang niyuyogyog ako ni Remi ,nababaliw na ata sila. Tinanggal ko ang pagkakahawak Niya sa akin at Sinamaan sila ng tingin .Anong sinasabi nila .Walang salita akong Tumayo bago hinagod ng kamay ko ang skirt na suot ko .Baka nagusot na ang likuran nito .

"Eh hindi Naman lalaki Si Celest "

"Bahala nga kayo "

Salita ko bago nagpapadyak umalis . Iniinis talaga nila ako ,ayoko ng marinig ang pangalan ng babaeng yun lalo na at nakakahiya talaga yung last na pagkikita naming dalawa.

Nahimata ba naman ako habang nagdudugo ang Ilong .Nagising na lang ako na nasa clinic na tapos may tissue na nakapalsak sa Ilong ko . Ang masama pa Ay andon ang mga Kaibigan ko na nagpipigil ng tawa . They want me to apologize to Celest pero ayoko ,pumasok lang ako sa comfort room ng clinic para tingnan ang sarili ko .I realize na Sabog na Sabog ang itsura ko noon tapos kumalat pa yung nangyari. Hindi daw madetermine ng head nurse ng school kung dahil ba daw sa init ang nose bleed na Nangyari sa akin ,or I'm dehydrated .

Sila Mommy at Daddy naman Ay masyadong OA ,nagpapanic silang sinundo ako sa school. Akala ata nila Sobrang lubha ng nangyari sa akin pero hindi naman. Talagang nag nose bleed lang ako sa hindi malamang Dahilan .

"Grumpy mo naman "

Nagulat ako nang biglang umakbay sa akin Si Kinley ,Dahilan para mapatigil ako sa paglalakad . Naka sunod na pala silang tatlo sa akin at dala dala pa rin ni Remi ang bote ng mountain dew .Kung nagtataka kayo kung bakit may ganyan siya ,nabili Niya yan sa labas bago pumasok .Sawang sawa na daw siya sa Yakult na available sa cafeteria namin .

Midnight Pleasure Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon