Binuksan ko ang pintuan ng comfort room at nagtuloy tuloy palabas ng kwarto. Hindi ko pinansin ang ilang tunog na nanggaling sa phone ko. Nagmamadali kong tinungo ang kitchen area at hinanap ang medicine kit namin. Last time I check ay nasa pinakadulong cabinet ito.
I tried to reach the handle pero kulang pa rin. I roam my eyes around para mag isip kung paano ako makakataas. Ayokong magmukhang kamatis sa sobrang pula. I know na allergies lang ito. Walang iba. Impossible naman kung hindi allergy
I let out a deep breath. Napagpasyahan kong tumaas na lang sa kitchen table at doon abutin. Una kong hinakbang ang paa ko pataas bago pilit na binubuhat ang katawan ko. Nang maiangat ko na ay agad akong humawak sa mas mababang handle nang mas mababang cabinet.
"Anak, anong -"
Hindi ko na narinig ang kasunod na salita. Bigla na lang akong na out of balance, akala ko ay babagsak na ako sa sahig, mabuti na lang at may nahawakan ako para hindi tuluyang malaglag. Muli kong inayos ang pagkakatayo sa kitchen table at yumakap sa gilid ng cabinet.
"Mom"
Tiningnan ko ang direksyon na pinanggalingan ng salita at tama nga ako. It's my mother. Hawak nito ang bag niyang palaging dala dala. Halata sa mukha nito ang gulat.
Kahit sino naman siguro magugulat kapag nakita nilang nag ala spider man ang anak nila. Hawak niya rin ang kanyang dibdib, mukhang pati siya ay kinabahan.
"Bumaba ka nga diyan, muntikan kanang mahulog"
Naglakad ito papalapit sa akin kaya wala akong nagawa kundi ang umupo sa kitchen table. Unti unti kong ibinaba ang paa ko para maabot ang sahig.
Lumapit si Mommy sa akin at tiningnan ang braso ko. Kita ko ang pag aalala sa kanyang mukha. Kahit na palagi silang missing in action ni Daddy ay mukhang may care pa rin sila sa akin.
"Ano ba ang kinukuha mo doon at may pagtaas ka pa? Anong akala mo pusa ka ?" Hinila niya ang damit ko pababa. Hindi ko napansin na tumaas pala ito.
"I need anti allergy medicine"
Wala salita niyang hinawakan ang mukha ko.
"Why? May makati ba sayo? Wala ka namang allergy" sagot niya sa akin habang hawak ang pisngi ko. Lumapat din ang palad niya sa noo ko papunta sa leeg.
"Kanina namumula ako, as in sobrang pula. I think allergy ako beef " totoo naman. Kanina sobrang red ko
"Honey, simula bata ka pa ay nakain kana ng beef. I don't think hindi ka allergy doon. And wala ka naman talagang allergy sa kahit ano, even medicine or flowers"
What? It's impossible
"Then bakit ako namumula kanina?" I'm puzzled
"Maybe you need to rest na muna. Gabi na rin kaya for sure namamalikmata ka lang" Hinila ako ni mommy at itinutulak pataas ng hagdanan. Tiningnan ko siya ngunit patuloy lang siya sa pagtulak sa akin. Nang makarating sa pintuan ng kwarto ko ay iniwan na niya ako. She even say na pagod lang ang nararamdaman ko.
Pinagsabihan niya rin ako na hindi Dapat nag self diagnose. Masama ang uminom ng gamot na hindi naman para sayo.
Wala akong nagawa at pumasok na lang sa kwarto. Pagkadaan ko sa body mirror ay tinitigan ko ang mukha ko. Hindi na nga ako namumula. Mom was right. Maybe namamalikmata lang ako kanina. Pagod lang ako
Pinili kong humiga sa kama. I take my pillow at nakita ang phone ko. Nakabukas pa rin ang conversation naming dalawa. Nandoon pa rin ang picture niya pero may mga bagong message na nakasend. I swallow my own saliva and composed a message.
BINABASA MO ANG
Midnight Pleasure
Chick-Lit"Bitch ! How dare you to lay hands on me !! Infront of all people here !" "Ohhh I didn't react in that way when you put your fingers on me sweetie "