CHAPTER 6.

203 10 0
                                    

Nagising ako ng bandang ala siyete ng maaga, agad akong bumangon sa aking pag kakahiga, bumaksak ang balikat ko sa isiping hindi ako nakapasok sa school ngayong araw.

Pumunta ako sa banyo at nag hilamos ng muka at nag sipilyo, gamit ko ang aking sipilyong nandito sa banyo na emergency kung sakaling dito ako matutulog.

Pag katapos ko mag hilamos at mag sipilyo ay bumaba na ako, pag baba ko ay wala pa atang gising halatang dipa nagigising si nanay letti dahil wala pa siya sa kusina para mag handa ng agahan.

Napag desisyonan kong ako nalang ang mag luto ng aming agahan, dahil tatlo lang naman kame ngayon sa bahay, hindi kolang alam kung naka uwe na si matthew.

Pumunta na ako sa may kusina at kumuha ng bacon,egg,hatdog sa ref eto lang naman ang inaagahan nila kaya eto nalang ang lulutuin ko.

Binuksan ko ang kalan at nag lagay ng mantika sa pan.
Ilang oras ang lumipas at natapos kona rin lutuin ang agahan, nag luto lang din akong sinangag.

Pumunta na ako sa silid ni nanay letti malapit sa hardin, kumatok ako ng limang beses bago niya ito binuksan.

" Ah good morning nanay letti, tara na ho at kumain na ng agahan, ah nga pala nay letti umuwe ho ba si matthew ngayon?" Sabi ko at sabay tanong sa kanya kung nakauwe naba si  matthew.

" Sorry ija, napa sarap kase ang tulog ko kaya di ako nagising ng maaga para mag luto ng agahan" Sabi niya habang nag hihikab. " Ah oo naka uwe na si sir matthew kaganinang ala singko ng umaga, siguro ay nag papahinga iyon sa kwarto niya ngayon" Sabi niya pa at pumunta sa kaliwang bahagi ng bahay at pumasok sa cr na para lang talaga sa kanya.

" Ganon ho ba, tayo nalang ho ang mag almusal ngayong umaga, tirhan nalang ho natin siya kung sakaling gusto niyang kumain kapag nagising siya" Sabi ko sa kanya at pumunta na sa may dining area, at nag handa ng plato sa mesa.

Umupo narin si nanay letti sa aking harap at nag sandok ng sinangag at ulam, ganon din ang ginawa ko, habang kumakain kame ay sabay kameng napatingin sa hagdan kung saan bumaba si matthew na gulo pa ang buhok, halatang natulog siya pag kadating niya dito sa bahay.

" Gising kana pala sir matthew, halina't sumabay kana sa amin mag agahan, si latisha ang nag luto ng ating agahan kaya halika na at mag almusal na tayo ng sabay-sabay" Sabi ni nanay habang may nginunguya pa at tska uminom ng tubig.

Pumunta si matthew sa mesa at naupo sa katabi kong upuan, awkward man para sa akin ay wala akong choice hindi ko naman ito bahay at naki tulog lang ako.

Kumuha siya ng sinangag at ng ulam, nag simula na kameng kumain ulit at ng matapos na ay ako na ang nag prisinta na mag hugas ng plato.

Pumunta na ako sa kusina habang dala ang aming mga pinag kanan, habang nag huhugas ako ay bigla kong naramdaman na may yuma-yakap sa aking sa likod, humarap ako upang tignan kung sino ito at nakita kong si matthew ito habang nakatingin ng deretsyo sa mga mata ko.

" A-anong ginagawa mo? Umalis ka nga sa likod ko nag huhugas ako ng plato  hindi moba nakikita?" Pag su-sungit ko sa kanya at tinulak siya palayo sa akin, at sinimulang hugasan ulit ang mga plato.

Patapos na ako sa aking hugasin ng umimik siya sa aking likoran.

" I just want a good morning kiss, but you look mad and irritated because of  me, hayst, okay bye na nga lang" Sabi niya at umalis na at pumunta sa kanyang silid, apaka lakas ng pag kasarado niya sa kanyang silid tila ba may galit.

Lakas naman niyang magalit, tsk.

Nang tuluyan na akong matapos sa pag huhugas ay umakyat nako sa silid ni elle, upang ayusin ang mga gamit ko, pag katapos kong ayusin ang mga gamit ko ay pumunta na ako sa. May kanang bahagi kung saan naroon ang banyo, naligo na ako at nag ayos ng sarili, dahil ngayong araw ako uuwe sa amin.

Nang matapos nako sa pag aayos ay bumaba narin ako, pinuntahan ko muna si nanay letti na nasa hardin at nag di-dilig ng halaman.

" Nay letti, uuwe na ho ako sa amin, paki sabi nalang ho kay elle at kayla tita step na, salamat at pinatulog nila ako rito mauna naho ako nanay letti" Sabi ko sa kanya at pumnta na ng gate at lumabas sa may subdivision nila at nag intay ng jeep na masasakyan duon malapit sa waiting shed.

Nang makita kona ang jeep na aking sasakyan ay pinara ko ito at pumasok na sa loob.

Ilang minuto lang ang lumipas at nakarating na ako sa may kanto namin, maraming tambay ang nag iinom sa may kanto namin.

Mabilis akong nag lakad at lumiko sa may iskinita, naramdaman kong may sumusunod sa aking likod kaya naman binilosan ko ang aking lakad.

Nahugot ko ang aking hininga ng hatakin ako sa madilim na parte ng iskinita na wala manlang nag daraang mga tao.

Nilingon ko kung sino ang humatak sa akin at nakita ko si matthew na naka hoodie at face mask.

" Tangina ka gago ka, palagi ka nalang nanghahatak akala ko kung sino bwisit ka!" Sigaw ko sa kanya at himampas siya sa kanyang dibdib na ikinatawa naman niya.

" Sorry for that mourise, i follow you cause i want a kiss, a good morning kiss mourise" He said while he's pouting his lips, How cute and handsome he is.

" Aba bakit kita bibigyan ng good morning kiss? Eh wala ngang tayo, alis na nga dyan may gagawin pako sa bahay" Sabi ko sa kanya na nag palukot ng kanyang muka.

Pa-alis na dapat ako sa kanyang bisig ng iniharap niya ang aking muka katapat ng kanyang muka, walang alin tanang hinalikan niya ang aking labi.

The kiss was passionate and feel of sincerity, nakisabay na ako sa halik.

At ilang minuto ay bumitaw na siya sa halik, parehas naming hina-habol ang aming hininga, natawa kameng dalawa sa aming mga kaga-guhan.

" Siraulo ka talaga "

" I'm addicted in your lips mourise, your lips taste sweet and i will never get bored kissing that lips of your" He said while he's hand is on his lips.


" Edi wow kalabaw, bye na nga madami pa akong gagawin sa bahay, puro ka harot ei kaka kilala palang natin kagahapon" Sabi ko sa kanya at tinulak siya upang maka daan na ako papunta sa amin.

Nakarating na ako sa amin at na-abutan si tiya rosalinda sa may bakiran at nag wa-walis ng kalat.

" Tiya, andito na ho ako, nag agahan na ho ba kayo tiya?" Tanong ko habang pa-pasok sa bahay.

" Nag agahan na ako mourise, sige na at pumunta ka muna sa iyong silid at mag pahinga." Sabi ni tiya habang nag wa-walis parin.

Pumasok ako ng bahay at pumunta sa aking silid at nilapag ang aking bag at nahiga sa aking kama.

Ipinikit ko ang aking mata na nag pa-antok naman sa akin.

********
The girl under the bright sun.

A/N -  Marilovesyuu
****
Eto muna ang update ngayong araw, good morning
Don't forget to eat your breakfast's.

MY BEAUTIFUL MISTAKE'S.Where stories live. Discover now