CHAPTER 18.

157 6 0
                                    

Alas onse na ng gabi pero heto ako at naka tulala sa may bintana ko.

Madaming pumapasok sa isip ko na ikinaka-kaba ko.

Iniisip ko na baka buntis ako at sana naman ay hindi.

Ayoko..I don't want settle down yet.

I want to enjoy my life, I want to pursue my dream.

Gusto ko pang enjoyin ang buhay na meron ako.

Hindi naman sa ayaw ko mag ka-anak. Gusto kong magka-anak ngunit hindi pa ngayon.

Lalo na't magulo pa ngayon ang buhay ko.

Kung buntis 'man ako ay gusto ko 'itong ipa abort ngunit alam ko namang kasalanan sa diyos 'yun at kasalanan para sa mga mata ng tao.

At alam ko 'rin na magagalit si tiya kung ipapa-abort ko ang bata.

Ipinikit ko na lang ang mata ko at hinintay na antukin ako.

Kinabukasan ay naalimpungatan ako dahil sa pag baliktad ng sikmura ko.

Agad akong napa bangon at bumaba na para pumunta sa cr.

Pag karating ko doon ay agad akong sumuka.

Sumusuka ako ng marinig ko ang boses ni tiya sa likuran ko.

" Ano 'bang nang-yayari sayo latisha? kagahapon 'din ay nag suka ka bago umalis ang mama mo " Sabi niya habang nasa likuran ko siya.

Tumingin naman ako sa gawi niya at nag salita.

" Wala ho 'to tiya sadyang nahihilo lang ako ng kaunti" Agaran kong sabi sa kanya.

Hindi ko pinahalata ang takot sa boses ko.

Hindi naman ako bobo para hindi malaman na isa ang pag su-suka at pagka hilo sa sintomas ng pagka buntis.

Pero gusto ko pa 'rin manalangin na sana ay h'wag, sana hindi ako buntis.

" Ganon ba? sige bilisan mo na diyan at mag almusal na tayo" Sabi ni tiya at tinalikuran na ako.

Binilisan ko naman ang pag suka ko at nag hilamos at mumug na 'rin.

Pag ka labas ko bg banyo ay sunalubong sa akin ang amoy ng tuyo at itlog.

Kaya agad ulit akong pumunta sa cr para sumuka.

Ang baho, ayoko ng amoy ng tuyo at itlog ang sakit sa ilong.

Pag katapos ko sumuka ay lumabas na ako ng banyo habang ang dalawa kong daliri ay naka pisil sa ilong ko.

" Oh nariyan kana pala latisha halina't kumain na tayo" Sabi niya.

" Ah ei tiya mag papandesal na lang ho ako" Sabi ko habang naka pisil pa 'rin ang daliri sa ilong.

" Ah sige" Sabi ni tiya at umupo na sa upuan at kumain na.

Ako naman ay kumuha muna ng pera sa wallet ko at lumabas na ng bahay.

Lumiko na ako sa may iskinita namin.

Ilang minuto ng pag la-lakad ay nakarating na ako sa may bakery.

" Ate pag bilan nga po ng pandesal" Sabi ko sabay about ng bente pesos na papel.

Nag hintay lang ako ng ilang minuto at kinuha kona ang binili ko.

Dumiretsyo naman ako para pumunta sa isang maliit na mercury drugs na malapit lang sa pinag bilhan ko ng pandesal.

Bibili ako ng pt. Kahit natatakot akong malaman ang magiging resulta ay wala akong magawa.

Kailangan kong malaman kung buntis ba talaga ako o hindi.

Pumasok na ako sa may butika at bumili ng pt.

Umuwi na agad ako sa bahay pag ka bili ko ng pt.

Hindi kona nagawang kumain dahil sa kaba at 'mas inuna ang pag testing sa pt.

Nasa loob ako ng banyo, naka tulala sa puting bagay na nasa ibabaw ng toilet hinihintay ko ang resulta.

Kinakabahan ako....

Nanubig ang mata ko habang nakatingin, Sa puting bagay na nakapatong sa ibabaw ng toilet, May dalawang linya duon na nag sisimbolo na nag da-dalang tao ako.

Gulong-gulo ako habang nakatingin duon, Ayaw ko... ayaw ko'pang mag ka-anak.... hindi pa'ko handa.

Isang pag kakamali lang lahat ng ito, Hindi 'to puwedeng mangyari, Hindi puwede.

Sabi ko sa aking isipan habang ang luha ko'y patuloy lang sa pag agos sa aking pisnge.

Lumabas ako ng cr, At hinanap ang aking tiya rosalinda.

"Tiya" Pag tawag ko sa kanya habang nanginginig ang mga labi.

"Oh bkit ija?" Tanong niya habang naka kunot ang noo.

" Tiya, huwag ho kayong magalit sa sa-sabihin ko" May kabang sabi ko sa aking tiya.

" At bakit naman ako magagalit sa sasabihin mo aber?" Naka-kunot parin ang kanyang noo, Habang tinatanong ako. " sabihin mona mourise at may gagawin pa kase ako".

" Tiya, buntis ho ako... hindi kopo sinasadyang mabuntis tiya" Lumuluhang sinabe ko sa harap niya, nag bigay siya ng reaksyon, na gulat,galit,sakit, na makikita mo sa kanyang mata.

" Jusko po, Sino ang naka buntis sayo mourise?!, Sino?! Kailangan niyang panagutan ang nangyari sayo!" Sigaw sa akin ng aking tiya, Bakas sa muka niya ang pag ka bigla sa nalaman, at halatang galit siya.

" Hindi ko ho kilala ang nakabuntis sakin tiya... lasing ako nung gabing iyon kaya't diko namalayan kung sino ang lalaking naka buntis sakin" Naka luhod na ako sa harap niya habanag walang tigil ang pag tulo ng aking luha. Kailangan kong mag sinungaling na lasing at hindi ko kilala ang naka buntis sa'akin para na 'rin sa ikaka-tahimik ng lahat.

" Jusko naman mourise, hindi ka nag iingat, Paano natin mapapalaki yan kung walang-wala tayo? Hayst.. oh siya mag pahinga ka nalang ata masama sa baby ang pag iyak iyak mo dyan." Sabi niya habang, naka sapo ang kanang kamay sa sentido, halatang problemado siya.

" Opo tiya" 'Yun nalang ang tanging nasabi ko bago pumunta sa aking silid.

Habang nasa kuwarto ko ay wala pa 'rin tigil ang pag agos ng luha ko.

Ang tanga-tanga ko para hindi Isipin na puwede akong mabuntis sa mga kagagahan na ginagawa ko.

Ano na lang ang sasabihin ni mommy kapag nalaman niya?

Na may anak siyang gaga at malandi na katulad ko?

Ayokong husgahan niya ako.

I don't want matthew to know about this.

I want a peaceful life, gusto ko ng tahimik na buhay.

Ayokong maging sagabal para sa mga pangarap niya.

At ayoko 'rin na malaman niya na naka-buo kami.

Lahat ng ginawa namin ay isang pag kaka-mali lang.

At kailangan kona 'itong tanggapin dahil nandito na 'ito at wala ng atrasan pa.

I don't regret having this child of mine.

Ginawa ko'to ginusto ko 'to kaya dapat panindigan ko.

At dapat alagaan ko siya kahit walang tumayong ama sa kanya.

Sa pag iisip ng maraming bagay ay naka tulog ako ng may mga bakas pa 'rin ng luha sa aking muka.

*******
The girl under the bright sun.
*******
A/N- Marilovesyuu
*******
Hello guys, I am thankful sa mga nag vo-vote and nag lalagay ng story ko sa library nila. I so greatful to you guys!! Good night! Have a pleasant night sunnie'sss.


MY BEAUTIFUL MISTAKE'S.Where stories live. Discover now