CHAPTER 17.

155 8 0
                                    

Huminto ako sa pag hahanap ng blade ng may kumatok sa kuwarto ko.

Pinunasan ko ang mga luha sa aking mata at pisnge.

"Wait lang ho" Sabi ko at binuksan na ang pinto.

"Latisha, ayos ka lang ba ija? Pasensya na ija pasensya na talaga at naiipit ka sa away namin ng mama mo. Okay lang naman sa'kin na sumama ka sa mama mo dahil magiging maayos ang buhay mo 'dun"  Sabi ni tiya na may luha pa sa kanyang pisnge.

Kahit nag balik na ang mommy ko hindi ko magawang maging masaya.

Puro galit at hinanakit ang naramdaman ko ng malaman kong siya 'iyon.

Sobrang sakit lang isipin na bakit siya bumalik kung kailan kaya ko na ang sarili ko bakit hindi siya bumalik agad 'nung mga panahong kailangan na kailangan ko ng isang ina.

" Latisha, mahal na mahal ka ni tiya mo pero 'mas maganda sana kung sumama kana sa mommy mo sa ibang bansa" Sabi ni tiya at niyakap ako.

" Ayoko ho tiya, gusto ko pong manatili sa tabi niyo" Sabi ko habang humihikbi.

" Ija, nangako naman ang mama mo na kapag gusto mo akong makita ay puwede kang pumasyal sa pilipinas at bisitahin ako" Sabi ni tiya habang hinahagod ang likod ko.

" Tiya ayoko po, gusto ko sa tabi niyo lang po, papayag akong sumama Kay mommy kapag sasama ka 'din samin" Sabi ko habang umiiyak.

Walang tigil sa pag buhos ang mga luha ko. Ayokong umalis sa bansang kinalakihan ko ayoko 'din Iwan si tiya dito.

" Sige kakausapin na'tin ang mama mo" Sabi niya at Inaya niya akong pumunta sa sala.

" Moureen" Tawag ni tiya para makuha ang atensyon ni mommy habang nakayuko.

" Anak" Sabi niya at tumayo na at lumapit sa'akin.

Agad naman akong umiwas sa yakap niya at 'mas lalong sumiksik kay tiya.

" Nag usap na kami ng anak mo, papayag lang 'daw siya na sumama sayo kapag isasama mo 'din ako sa ibang bansa" Sabi ni tiya at iginaya na ako pa-upo sa sofa namin.

" Sige ate payag ako, basta makasama ko lang ang anak ko" Sabi ni mommy habang naka tingin sa'akin na may nag babadyang luha sa kanyang mga mata.

" Payag naman pala ang mama mo ija, papayag kana 'din ba?" Tanong sa akin ni tiya.

" Sige ho tiya basta ayokong mawalay sa'inyo" Sabi ko at niyakap si tiya.

" Sa susunod na linggo na ang punta na'tin sa europe" Sabi naman ni mama habang naka tingin sa cellphone niya.

" Bakit ang bilis po?" Taka kong tanong kay mommy.

" Para kasi maabutan na'tin ang birthday ng daddy mo" Sabi niya.

" Kailan ho ba ang birthday ni daddy?" Tanong ko kay mommy.

" Sa march 1, malapit na 'din ilang araw na lang" Sabi niya habang naka ngiti sa'akin.

" Mag ka-sunod lang po pala kami ng birthday" Sabi ko habang naka tingin sa kanya.

" Oo.."

" Sa kuwento po sa akin ni tiya na ayaw 'daw po ni daddy na mag ka anak noon, alam niya na po ba na meron siyang anak dati pa lang?" Tanong ko kay mommy.

" Oo alam niya na" Anya niya.

" Pano niya ho nalaman?" Curious kong tanong 'rito.

" 'Nung gabing narinig niya kaming nag uusap ni ate patungkol sa kung maayos ka lang ba o hindi" Pag kukuwento niya sa'akin.

" Maiwan ko muna kayong mag Ina" Sabi ni tiya at tumayo na at lumabas ng bahay.

" Una pa lang ho ay may komonikasyon na kayo ni tiya? Bakit ngayon niyo lang ho sinabi sa'akin?" Dismaya kong sabi at nag iwas ng tingin.

" Oo, sinabi ko kay ate na huwag sabihin sayo na may komonikasyon siya sa'akin" Sabi niya at lumipat sa inuupuan ko at hinawakan ang kamay ko.

" Bakit? anong rason niyo?"  Sa sinabi niyang 'iyon parang nanumbalik ang galit na kanina'y pinahupa kona.

" Kasi nasabi sa'kin ni ate na galit ka 'raw sa'kin dahil sa pag iwan ko sayo" Sabi niya habang naka yuko.

" 'Mas isinisip mo ang sinabi ni tiya kesa umuwi ng palipinas at gawin ang mga gawain mo bilang nanay ko!?" Medyo tumaas ang boses ko.

" Anak patawad, ngayon na andito na'ko kaya konang punan lahat ng pag kukulang ko sayo" Sabi niya at hinihintay ako sa isang mahigpit na yakap.

" Hindi ko alam kung kaya ko kayong patawarin sa ginawa niyo pero hayaan niyo kaya ko namang kalimutan lahat ng ginawa mo noon mommy. At sana lang huwag na ma-ulit ang pag iwan mo sa'kin" Sabi ko at ginantihan 'din siya ng mahigpit na yakap.

Habang yakap-yakap ko ang mommy ko ay parang bumaliktad ang sikmura ko.

Kaya dali-dali akong bumitaw sa pag kaka-yakap sa kanya at tumakbo sa cr.

Pag ka-dating ko sa cr ay agad akong sumuka hanggang sa wala na'kong masuka bukod sa tubig.

Lumabas na ako ng cr at bumalik na ulit sa sala.

" Bakit ka nag suka masama ba ang pakiramdam mo?" Agad na tanong sa'kin ni mommy pagka balik ko sa sala.

" Wala po mommy baka hindi lang nagustuhan ng tyan ko 'yung kinain ko kaganina" Pag sisinungaling ko dito.

Sa totoo lang ay may kaba na sa aking dibdib.

Sana mali ang nasa isip ko na buntis ako.

Sana... sana mali.

" Anak parang ang lalim ng iniisip mo, you can tell it to mommy anak makikinig ako" Anya ni mommy.

" Ah.. eh.. wala po iniisip ko lang po kung paano ako mag pa-paalam sa mga kaibigan ko sa school" I lied when i answer her question.

I needed to lie to her i don't want her to think na malandi ako kapag sinabi ko kay mommy na nakipag sex ako sa isang lalaki na hindi ko naman boyfriend.

I don't want my mother to think na malandi akong anak.

" Ah ganon ba anak? sige mauna na muna ako babalik muna ako ng condo ko at mag pa-pahinga muna ako" Sabi niya at hinalikan ako sa pisnge.

" Sige po ingat kapo mommy, rest well po" Sabi ko na lang at pinanoood siyang lumabas ng bahay.

Maraming tanong ang nasa isip ko.

Na hindi ko mabigyan ng sagot.

Gaya nalang kung buntis ba ako o hindi.

Natatakot akong malaman kung buntis ba ako o hindi.

I can't afford to lose my dream ayokong mapunta sa wala ang pangarap ko.

**********
The girl under the bright sun.
**********
A/N- Marilovesyuu
**********
Hello, sorry for a late update! I hope you like this chapter!! Don't forget to vote sunnie'sss!!

MY BEAUTIFUL MISTAKE'S.Where stories live. Discover now