Kian's POV
Dumiretso na ako ng condo pagkatapos ng klase namin. Wala rin kaming imikan ni Jio kanina kaya para akong hindi makahinga.
Ba't ko ba siya iniwan kanina?
Ganito kasi 'yon. Sa isip ko lang dapat 'yong sagot ko na hindi kanina eh. Hindi ko namalayang nasabi ko na pala ng malakas tapos kung makatitig pa si Jio after kong sabihin 'yon eh parang bibigay na ang tuhod ko. Nabigla rin yata siya. Bago pa siya makareact umalis na ako. Baka may masabi pa ako ng wala sa oras, mahirap na.
*door bell*
Wala namang sinabi si Stell na pupunta sila dito ah. Sino naman kaya ito?
Tumayo na ako para pagbuksan kung sino man 'tong bisita ko.
Pagkabukas ko ay dire-diretso siyang pumasok ng hindi man lang tumitingin sa akin. Pilit ko pang pinoproseso ang nangyari hanggang sa mabalik ako sa wisyo ko. Sinarado ko na ang pintuan pagkatapos.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kanya na ngayon ay nakaupo na sa sofa.
"Bati na tayo panget." Nakanguso niyang sabi habang nanunubig ang mga mata niya kaya dali-dali akong lumapit sa kanya at umupo sa tabi niya.
Hindi kasi talaga kami nag-aaway. Puro inisan lang naman ginagawa namin pero kinakalimutan rin naman namin agad.
Last naming hindi nag-iimikan ay last year pa ata at hindi na nasundan pa. Grabe ang iyak niya no'n. Mapride rin kasi ako kaya medyo tumagal 'yon. Kung hindi pa siya ang unang kumausap sa akin, hindi pa kami nagkabati.
Ngayon siya na naman ang naunang kumausap sa akin. Kasalanan ko naman. Minsan talaga may mga ugali tayong hindi maalis-alis.
"Nag-away ba tayo?" Tanong ko sa kanya at pinunasan ang luha niyang hindi na niya napigilang tumulo. Tinabig niya ang kamay ko at siya na nagpunas ng luha niya.
"Hindi mo kaya ako pinapansin. Galit ka ba sa akin?"
"Hindi ako galit sa'yo. Naiinis lang ako sa sarili ko." Nakakunot ang noo niyang nakatingin sa akin.
"Eh? Bakit?"
"Wala. Akin na lang 'yon." Sabi ko sa kanya at ginulo ang buhok niya.
"Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo sinasabi sa akin." Sabi niya habang humalukipkip.
"Hindi mo nga rin sinasabi sa akin sino ang nagugustuhan mo."
"Ang daya! Iba naman 'yon."
"Pareho lang 'yon. Wala namang problema sa akin kung hindi ka aalis dito. Ipapadala ko na lang ang mga gamit mo rito." Sabi ko habang nakangisi.
Dali-dali naman siyang tumayo kaya hinigit ko siya pabalik.
"Ito naman hindi mabiro. Dito ka na maghapunan. Magluluto ako." Sabi ko sa kanya.
"Nakapaggrocery ka na?" Pag-uusisa niya.
"Nagpabili lang ako kay Yaya Mel." Sabi ko.

BINABASA MO ANG
Hoy Panget! | A KENTIN AU
FanfictionA cliché story of love & friendship . . . Oh! Let's not forget their chaotic friends!