HP! 25

307 9 2
                                    

Kian's POV










Napatayo kami ni Jio bigla nang marinig namin ang boses ni Papa. Bakas din ang takot sa mata ni Jio kaya tinago ko siya sa likuran ko.











"Pa, ano'ng ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kanya.











"Ito ba ang dahilan kung bakit ayaw mong pumunta ng US? Ano'ng meron sainyong dalawa? Jio ano 'to?" Hinawakan ko ang malamig na kamay ni Jio.











"Pa, walang kasalanan si Jio. Desisyon kong manatili rito. At oo, tama ang nakita mo. Kami na. Mahal namin ang isa't isa pa."











"Mahal? Hindi pa nga kayo nakagraduate? 'Yan na iniisip niyo? Wala na ba talaga kayong plano sa buhay niyo? Buti na lang at nasabi ng kaklase niyo ang ginagawa niyong dalawa." Nagpanting ang tenga ko sa sinabi niya.













At sino'ng kaklase naman 'to?










"Kaklase? Sino?"











"Kian din daw pangalan niya eh. But that's not the point here. Umuwi ka sa bahay. Doon tayo mag-usap." Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay umalis na rin siya.










Hinarap ko si Jio at bigla na lang nagsibagsakan ang mga luha niya.










"Sorry about that. Panget aayusin ko 'to okay? 'Wag kang mag-alala."












"Bakit hindi mo sinabing pupunta ka ng US?"











"Kasi hindi naman ako pupunta kaya hindi ko na sinabi sa'yo. Buo na ang desisyon ko. Hindi ako pupunta, okay?" Tumango siya habang pinupunasan ko ang mga luha niya.












"Dapat pala sinabi na natin agad sa kanila. Para mas maaga pa lang alam ko na hindi sila boto sa akin."










"'Wag mo ngang sabihin 'yan. Kahit ayaw man nila sa'yo, ikaw pa rin ang pipiliin ko. Okay?" Niyakap ko siya ng mahigpit.
















 Okay?" Niyakap ko siya ng mahigpit

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.








Jio's POV












"Beh okay ka lang? Napakahayop talaga nang Andrei na 'yon!" Galit na galit na sabi ni Stell.











"Si Kian?" Natahimik ang lahat habang inaantay ang sagot ko.











"Umuwi na muna. Kakausapin daw niya si Tito."











Hoy Panget! | A KENTIN AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon